I didn't expect to meet Xylos so soon. We're in the same room, kasama ang mga ka susyo niya. The table in the meeting hall is long, but his charisma is undeniable. The captain I used to admire is now the CEO of their company, and he was awarded Best CEO, at rumami ang mga award na natanggap niya every year. He's definitely not just anyone anymore.
Hindi na siya ang minahal ko dati. Malaki ang ikinabago niya, sa hitsura niya, sa katawan niya, at sa pagiging mature niya. Ang paraan ng pagsagot niya sa mga tanong ng mga investors at admins ay para bang alam na alam niya ang lahat.
"Right, Ms. Ramirez?" Napabalik ako sa wisyo ng bigla niyang tinawag ang apelyido ko.
Isa-isa kong tiningnan ang mga tao sa paligid, lahat sila ay nakatingin sa akin, naghihintay ng sagot. Ngumiti ako at tumango kahit hindi ko alam kung tungkol saan ang tanong nila. Nag-smirk si Xylos, at napakunot ang noo ko. Ano bang pinag-usapan nila?
"Ms. Ramirez, follow me," biglang sabi ni Xylos pagkakapasok ng lahat ng tao sa meeting. Tumango ako at sumunod sa kanya. Nang matapos ang meeting at lahat sila ay umalis na, doon ko lang naisipang makahinga ng maluwag. Umupo ako sa swivel chair ko at tinawagan si Tita Rhea.
"Tita, bakit hindi mo sinabi sa akin?" tanong ko kay Tita Rhea, puno ng problema.
"I don't know. All I know is that he has a business trip, kaya ikaw na lang ang pinadala ko. Hindi ko naman alam na nire-schedule niya," sagot ni Tita Rhea. Bumuntong hininga ako. "Gaia, I know you're old enough. Alam mo na kung anong tama at mali, okay? May tiwala ako sa iyo." Napangiti ako sa sinabi ni Tita Rhea. Nagpaalam na ako sa kanya at pumunta sa opisina ni Xylos.
"Good afternoon, Mr. Dela Vega," bati ko kay Xylos pagkapasok ko sa opisina niya. As usual, halos puro itim na naman ang kulay ng opisina niya.
"Good afternoon, Ms. Ramirez. Have a seat," turo niya sa upuan sa harap ng mesa niya. "I just want to remind you about the 5th anniversary of our companies. You know, it's been 5 years since our companies merged," deretsong sabi ni Xylos. "I want you to manage the event."
Napatingin ako sa kanya, naguguluhan. "Bakit ako? Maraming iba pang pwedeng gumawa nito. Busy naman ako sa company ko. Di ba pwedeng mag-hire na lang ng event coordinator?"
He leaned back in his chair, looking at me with a serious expression. "Bakit? Gusto mo bang ipagawa ko kay Rosette iyon?" parang nag-atrasan ang lahat ng mga gusto kong sabihin sa kanya. Alam kong may ibig sabihin iyon, at alam kong ginawa niya iyon para iparinig sa akin. "No buts. I trust your judgment for this."
Hindi ko maikakaila ang nararamdaman ko. This event is supposed to be our wedding anniversary if things didn't turn out the way they did. Ang 5th anniversary ng kumpanya, na sana'y magiging simbolo ng pagsasama namin, ay ngayon ay isang professional na event na lang.
"Okay," sagot ko, kahit na ang loob ko'y tila may halong pangungulila sa mga alaala ng nakaraan. "I'll handle it."
After nun ay, Wala na akong ganang bumalik sa company ko. Imbes na bumalik sa opisina, mas pinili kong pumunta sa bahay namin upang magpahinga kahit sandali lang.
"Napaaga ka ata, Gaia?" tanong ni Tita ng makita niya ako.
"Stress na stress ako, Tita. Besides, nandito naman ang stress reliever ko. Mas mabuti pang dito muna ako," sagot ko, pinaningkitan siya ng tingin. Nilibot ko ang tingin sa mansyon, tila inaasam ang pakiramdam ng pagiging nasa bahay. Kapagod talaga mag manage ng isang malaking kompanya.
"Nakaka-stress ba talaga ang muli niyong pagharap ng ex mo?" tanong ni Tita sa akin. At parang inaasar oa niya ako dahil sa tono ng kanyang boses
"Where's Razzy?" tanong ko, tinangkang iwasan ang tanong niya.
"Mommy, I'm here!"
*****
Disclaimer
The characters, names, and places in this story are entirely products of my imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
We just don't write; we imagine, we learn. This work is protected by copyright law. Please respect my creativity and hard work by not stealing or reproducing any part of this story without permission.
***
Currently writing the chapters of this story. Will publish all chapters in July 30 2024
BINABASA MO ANG
Fragments of Tomorrow
RomanceGaia Mnemosyne Ramirez, a fiercely independent woman, has lived on her own since her beloved mother passed away. She cherishes her freedom and the life she's built. However, everything changes when her father unexpectedly arrives to take her back ho...