Ang aking daily routine ay pupunta sa basketball court nagbabasa kaling mapapansin si Xylos. Hindi ko alam kong talaga bang babaero to. Dahil pitong araw na akong sunod ng sunod sa kanya at wala man lang akong nakikitang may kasama siyang babae.
“Babaero ba talaga sya? Hindi ko naman sya nakitang may kasamang babae ah?" Tanong ko kay Allison. Nandito kami ngayon sa cafeteria. Ngayon lang muli kami nag kita ni Allison. Sya naman kasi ang president kaya busy sya sa mga nagdaang araw.
“I heard that news too, Pero baka tumino lang kasi umuwi daw kasi Lolo nya eh" sagot ni Allison habang ni laro ang tinedor sa spaghetti.
“Talaga? So kung ganon anong gawin ko?”
Tumingin sa itaas si Allison na para bang may iniisip. " Let's just wait nalang muna kung anong next step natin. Narinig ko pa naman kina ma’am nay may ginawang hakbang ang pamilya nya” tumango tango nalang ako sa sinasabi
Kinabukasan ay hindi ko nakikita si Xylos sa university. Wala din ang sasakyan na palatandaan na hindi siya pumasok. Dalawang subject lang ang meron ako ngayon kaya sa hapon ay wala na akong pasok.
Pauwi na sana ako sa apartment ko ng may nakita akong pamilyar na sasakyan sa labas at may mga body guard pa. Anong ginawa nila dito?
“Miss Gaia, pinapakuha ka sa amin ng Daddy mo." Sabi ni Kuya sa akin ng naka lapit na ako.
“Umuwi na kayo, Hindi ako uuwi" walang gana kong sagot sa kanila. Matagal ko ng pinutol ang koneksyon ko sa Daddy ko.
Nag tinginan ang mga bodyguard nya tsaka nila ako hinawakan. Wala na akong magawa. Kaya sumama nalang ako.
Sakit ang naramdaman ko ng tuluyan na akong naka pasok sa mansion namin. We used to be a complete family plus masayahin noon,pero ngayon trauma na para sa akin ang bahay na ito.
“Gaia anak!" Wala akong ganang Tumingin sa step mom ko daw kuno. Lumayo ako sa kanya ng bebeso sana ako sa kanya. “Kumusta ka?" Tanong nya sa akin at tipid na ngumiti. Hindi ko sya sinagot at nilagpasan lang at dumiritso sa kwarto ko.
Naiiyak na naman akong tiningnan ang picture kung saan Kompleto pa ang pamilya namin.
“Ma, miss na kita sobra. Bumalik ka na sa’kin please" bulong ko habang hinahawakan ang picture ni momsy noong siya ay bata pa.
Mayaman kami? Oo. Wala akong naramdamang pagkukulang sa kanila noon. Kung anong gusto ko ay bibilhin nila. Pero nung tumungtong ako sa edad na 15 years old ay nag bago ang lahat. Nakita ko si papa sa mismong kwarto nila ni mama na may kahalikang ibang babae. Kinimkim ko iyon ng halos isang buwan dahil ayaw kung masaktan si Mama. Hanggang sa naabutan ni Mama si Daddy na gumawa ng milagro. Doon grabe ang galit sa amin ni Momsy. Sa sobrang galit nya ay biglang nag ka heart attack sya at namatay.
Sinisisi ko ang sarili ko sa pagkamatay ni Momsy. Kung nag sumbong lang sana ako ng maaga edi sana hindi iyon hahantong sa ganun, edi sana hindi maka isip si Mama na trinaydor namin sya.
Dali dali kong pinunasan ang luha ko ng may kumatok sa pintuan ko. Ibinalik ko ang mga picture ni Momsy sa ilalim ng bed ko tsaka ko binuksan ang pintuan.
“Nasa labas napo ang make up artist ma’am, pababain ko daw kayo dahil may event daw kayong sasalihan mamayang gabi" magalang na sabi ng isang katulong sa akin.
“Susunod ako" tumango ang katulong tsaka aya nag paalam upang gawin muli ang trabaho nya.
Sinisigurado ko munag hindi nila ako mahalata na galing akong umiyak. Bumaba ako at nginitian ahad ako ng Step Mom ko pero umiwas lang ako ng tingin sa kanya.
Simpleng make up lang ang ibinigay sa akin, sinisiguradong mukha akong expensive. Sila narin ang nag provide ng damit, bagay naman iyon sa akin kaya hindi nalang ako mag reklamo. Tabi-tabi kaming tatlo dito sa Lamborghini namin. Iyong step mom ko ang nasa gitna. Hindi ako masyadong kinakausap ni Daddy, siguro ay na gu-guilty sya sa mga kababoyan na ginawa nila noon.
“Are you sure you want to do it Sandro?" Tanong ng step mom ko kay Daddy.
“Final na iyon Rhea, huwag ka ng sumabat pa" walang ganang sagot ni Daddy doon sa step mom ko. Bahala na sila, dyan. Nanatiling nasa window lang ng sasakyan ako nakatingin.
Hindi pamilyar na mansyon ang pinuntahan namin. Nilibot ko ang tingin sa mansyon na ito. Kay laki! Kung malaki ang bahay namin pwes mas malaki ang mansyon na ito! Kung ikukumpara ito sa hotel ay tatlong malalaking hotel ang kailangan para mapantayan ang laki ng bahay na ito.
“Follow me Mr. Ramirez" ani ng butler nila sa amin. Magkatabi ang step mom ko at si Daddy at sa likod naman nila ako.
Iginaya kami papunta sa dining, puno ng mga iba't ibang ulam ang malaking rectangle na lamesa nila.
Nasa tabi na ang mga katulong nila na handa handa kung sakaling may iutos kami. Maya maya pa ay narinig na namin ang yabag ng mga sapatos nila. Tumayo si Papa at nakipag kamay sa kanila. Gayon din ako.
“Ito na ba ang anak nyo ni Gianna, Sandro?" Tanong ng nung lalaki na kasing edad lang ni Daddy. Parang proud naman na tumango si Daddy.
“You look like your mother ija" komento naman ng babaeng nasa gilid nung nag tanong kanina. Isa isa na kaming umupo. Maya-maya ay may pumasok na matanda at umupo iyon sa dulo.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Xylos. Anong ginawa nito dito? At umupo pa talaga sya sa harap ko.
“Xylos anak, pagsilbihan mo naman ang Fiancee mo" Sabi ng Nag tanong kanina. Ama sya ni Xylos? Kaya pala medyo may kamukha siya kanina.
“Po?" Naguguluhan kong tanong. Fiancee?
“Hindi mo pa alam ija? Hindi mo pa sinabi sa kanya Sandro? 1 year na ang nagdaan simula nung deal natin ah” So 1 year na akong ibininta ni Daddy sa kanila? " Hindi na natin pwedeng iextend ang kasal nila.” Makahulugang sabi ng ama ni Xylos.
“Huwag mo ngang I pressure si Gaia Hon” pag sabat ng mama ata to ni Xylos. " You have 3 days left pa naman" nakangiting sabi ng Ina ni Xylos habang nakatingin sa akin.
3 days? So 3 days na ang naiiwan sa pagiging single ko?
Pagkatapos nung revelation na iyon ay nag punta kami lahat sa office dito sa mansyon at nag sign. Agreement daw ang pinirmahan namin.
“Kung wala lang si Lolo, ay hinding hindi kita papakasalan. Naghirap na ba talaga kayo?” Tanong ni Xylos na puno ng panghuhusga sa akin. Pinalabas kami ng mga magulang namin dahil may importante lang silang pag usapan. Iginaya naman agad ako ni Xylos sa likod ng bahay nila kung saan nandito ang kanilang swimming pool.
“Matagal ko ng itinakwil ang pamilya ko sa buhay ko, kaya kung ano ang plano nila sa akin wala ako nun!"
“Really? Baka nga ikaw pa ang nag suggest sa kanila nyan. Diba nag transfer kapa sa DVU? Dahil ba sakin?" Mas diniinan ni Xylos ang kamay nya sa aking braso. “Nagpaganda kapa, I appreciate your effort then"
“Ano ba!nasasaktan ako!" Iwinaksi ko ang kamay ko para mabitawan nya ito, at nagtagumpay naman ako. Tiningnan ko sya mga masama.
“Kaya siguro pinalitan ng Daddy mo iyong mama mo, kasi magkasing landi ka-” napa tigil sya ng bigla ko syang sampalin sa mukha.
"laitin mo na lahat lahat, huwag lang ang momsy ko” naiyak kong sigaw sa kanya.
BINABASA MO ANG
Fragments of Tomorrow
RomanceGaia Mnemosyne Ramirez, a fiercely independent woman, has lived on her own since her beloved mother passed away. She cherishes her freedom and the life she's built. However, everything changes when her father unexpectedly arrives to take her back ho...