7

0 0 0
                                    

Ngayon ang labas ni Xylos sa ospital. Medyo hindi naman na daw masakit ilakad ang paa niya pero kailangan pa rin ng wheelchair para makapagpahinga muna ang mga paa niya. Palabas kami ng ospital habang tulak ko ang wheelchair. Kung wala sina Tita at Tito dito, ay kanina ko pa siya iniwan sa hallway.

Sa mansion muna nila kami uuwi para daw may mag-alaga sa kanya ngayong pilay pa siya.

"You're lucky. You have your parents with you, habang ako ay nag-iisa lang," pagsalita ko nang wala akong ibang maisip na topic sa kanya. Nandito kami sa kwarto niya. Nakahiga siya sa kama niya habang ako ay nakaupo sa paanan niya para i-cold compress ang paa niya.

"You don't have any idea about my story. My life always depends on their decisions. I don't have freedom.” nagulat ako sa narinig ko. Inangat ko ang tingin ko sa kanya at kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

“Pareho pala tayong, pinagkaitan ng mga sariling desisyon” ramdam ko ang lungkot niya. "You know what, hindi sana ako mag e-end ng ganito kong buhay si Momsy. Masaya ang pamumuhay namin noon. Palaging nandiyan sa tabi ko, sinusupport sa lahat” mapait akong napa ngiti ng maalala ko ang mga nakaraan ko. "Not until my Dad cheated on my Momsy. Doon nagsimula ang lahat ng problema, doon naging miserable ang buhay namim. Ang saya-saya namin dati, pero nung malaman ni Momsy, parang nagiba ang lahat. Nawala ang saya at naging malungkot ang bahay namin. Namatay si Momsy dahil inatake siya.  My momsy died because of me. Kung sinabi ko lang sana sa lalong madaling panahon ay hindi sana aabot sa ganun. Hindi sana maka pag isip si Momsy na Trinaydor namin siya” Halos hindi na ako maka pag salita dahil sa umiiyak na ako. Ang bigat sa dibdib.

Kahit ilang taon na ang nag-daan ay andito pa rin ang sakit na naramdaman ko.  Ang ams lalo pang masakit nun ay namatay siyang hindi ko man lang na explain ang side ko. Namatay siya na ang nasa isip niya ang trinaydor namin siya.

Tahimik si Xylos habang nakikinig sa akin. Ramdam ko na kahit papaano, naintindihan niya ang pinagdadaanan ko. Nakakagaan ng loob na may nakikinig sa'yo kahit isang beses lang.

"I guess, we both have our battles to fight," sabi niya, mabigat ang boses. "Pero sana, balang araw, makahanap tayo ng kalayaan para sa sarili natin.”

Tumingin ako sa kanya, at sa kabila ng lungkot na nararamdaman ko, may bahagyang pag-asa akong naramdaman. Siguro nga, darating ang araw na makakahanap kami ng kaligayahan at kalayaan para sa sarili namin.

Tiningnan ko lang si Xylos habang natutulog. Tiningnan ko lang si Xylos habang natutulog. Ang payapa ng mukha niya, parang walang iniintinding problema. Habang tinitingnan ko ang mukha niya ay may bigla lang kumatok sa door niya. Binuksan ko iyon at isa sa mga katulong lang pala nila na naghatud ng lunch namin.

"Excuse me, Miss Gaia," sabi ng katulong, may dalang tray na puno ng pagkain. "Ito po ang lunch ninyo at ni Sir Xylos.”

"Salamat," sabi ko nito at sinuklian naman niya ako ng matamis na ngiti "Pwede mo bang ilagay ang pagkain dito sa tabi ng kama niya?"

"Yes, Miss Gaia," sagot niya habang inilalapag ang tray sa tabi ng kama. "Kailangan niyo po bang ng tulong?”

"Okay na po ako, salamat. Pwede na po kayong bumalik sa trabaho ninyo," sagot ko, habang inaayos ang pagkain sa tray. Nang maka alis na ang katulong ay niyugyog ko si Xylos upang magising.

“Xylos Altair Dela Vega!" Pagtawag ko sa buo niyang pangalan. Kailangan niya kasing maka kain ng lunch para maka inom na ng gamot niya. “It’s time for lunch. You need to eat so you can take your medicine na”

“I know" mabilis na sabi niya habang nakapikit parin ang mga mata. Umupo ako sa tabi niya at ini mix ang pagkain niya. Sinundot ko siya sa tagiliran kaya bumangon siya at sumamdal sa headboard.

Fragments of Tomorrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon