Pumunta ako sa harap ng bahay at tinawagan ang best friend at kaisa isa kong pinsan, si Summer.
"Ahh, H-ello Syne? Ahh~ stop muna babe, may katawag ako" Sabi ni Summer sa kabilang linya. Kung nasa mood ako ay sasabihan ko naman sya tungkol sa sex life nya. "Hello?" Pag uulit nya
"Kailan balik mo sa Philippines Sum?" Tanong ko agad sa kanya. Nasa abroad kasi sya nag aaral dahil sa dinala sya ng Mama nya which is si Tita Yna na nag Nurse din doon.
"Sa pasko pa, Why?"
"Sum, naiiyak ako. Alam mo bang ipinag sundo ako sa taga Dela Vega? And mas worst is ikakasal ako sa Saturday" naiyak kong sumbong sa kanya.
"Ano!? Kahit Kailan, wala talagang ginagawang tama iyang Daddy mo ah" mas lalo akong naiyak sa sinabi ni Summer. "Gusto mo bang isumbong ko ito kay Mama? Para naman makuha ka namin sa kanya. Total naman sa amin ka naman ibinilin ng mama mo". After kasi nung namatay si Momsy ay lumayas ako sa mansion na iyon at pumunta sa bahay ng ka isa isa kong tita which is kapatid ni Momsy. Sila ang nag pa aaral sa akin nun, sila ang naging pamilya ko hanggang sa nag ka 18 ako.
Binawi ako ni Daddy sa kanila. Wala naman silang nagawa si Tita kasi may pera si Daddy, at pwedeng paiikutin nya ang kaso, at sampahan pa ng kasong kidnapping sila Tita. Wala akong magawa kundi ang maging robot naman para sa kanila. Hanggang sa nag decide akong kausapin ang Step mom ko which is si Tita Rhea. Mabait naman sa akin si Tita Rhea, tinuri niya akong parang tunay na anak. Pero sa tuwing mag bait-baitan sya sa akin ay nagagalit ako, dapat sana si Momsy 'yon eh.
"Huwag na Summer. Babalitaan ko nalang kayo. Huwag kayong mag alala. Kung hindi ko na talaga kaya ay ako pa ang tutungo dyaan"
Agad kong pinatay ang tawag ng marinig ko ang tawanan nila ni Daddy."Dito ka na matulog" walang ganang sabi ng Daddy ko sa akin. Tiningnan ko ang step Mom ko tsaka ako umiling. Nginitian nya ako ng tipid tsaka sya mas lalong lumapit kay Daddy.
"Hindi ba pwedeng sa atin muna si Gaia, Sandro? I mean ikakasal naman sila sa Saturday so sa atin muna sya" pagsasalita ni stop mom kay Daddy. Bumuntong hininga si Daddy tsaka tumango. Nag wink sa akin si Step mom tsaka sya sumunod kay Daddy.
Tiningnan ko pa mula sa malayo ang mukha ni Xylos na dritsong naka tingin sa akin habang may hawak na baso na may lamang alak. Guess what? Mapasabak talaga ako. If he wants war, then I will give it to him. I'm Retired bitch,kayang kaya ko syang labanan.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at naka harap sa salamin upang tanggalin ang make up. Habang nasa kalagitnaan ako ng pagtatanggal ay may biglang kumatok.
"Not lock po, pasok lang po" sigaw ko. Tiningnan ko kung sino iyon and It was my step mom pala. Nilibot nya ang tingin nya sa kwarto ko tsaka sya ngumiti sa akin.
"Kumusta ka? Pwede ba kitang tulungan dyan" Naka ngiting sabi sa akin ng Step Mom ko. Wala naman atang masama kaya binigay ko sa kanya ang wipes. Nagulat pa sya sa ginawa ko pero kalaunan ay tinanggap naman nya iyon tsaka maingat na dinapo ang wipes sa mukha ko upang burahin ang make up ko.
Naka tingin lang ako dritso sa kanya habang sya naman ay naka focus sa pag erase ng make up ko. Ng matapos na iyon ay tumayo ako at nag hilamos. Umupo naman sya sa couch na nasa kwarto ko at hinintay akong matapos.
"Pasensya na kung hindi ko gawing pigilan ang daddy mo ah? Nalaman ko naman kasi ang tungkol dyan nung nag linis ako sa office nya" Pag sasalita nya ng naka upo na ako sa bed at nag open ng laptop. Itinigil ko ang ginawa ko tsaka ko sya tiningnan.
"Hayaan nyo na po sya" Tipid na sagot ko. Narinig ko ang lalim nyang hininga. Tsaka sya tumayo. Nag good night pa sya sa akin pero hindi ko na sya tinapunan pa ng tingin.
BINABASA MO ANG
Fragments of Tomorrow
RomansaGaia Mnemosyne Ramirez, a fiercely independent woman, has lived on her own since her beloved mother passed away. She cherishes her freedom and the life she's built. However, everything changes when her father unexpectedly arrives to take her back ho...