Bukas na Bukas gagawin namin ang activity na sinuggest ko last week. Hoops for dreams ang pinangalan nila. Nagbigay din si Tita ng pera para ipamigay daw sa mga magulang ng bata.
"Basta, isama mo ako sa next niyong activity ha?" Pag uulit naman ni Tiana. Gusto niya kasing sumama ang kaso lang ay naka plano na ang birthday ng kanyang Lola kaya mag vacation muna sila sa malayo.
"Sure, girl," sagot ko, sabay ngiti. Isa din si Tiana sa mga nag-donate kaya mas maganda talaga kung magpakita siya bukas.
Wala din ang teammates ni Xylos since ibinigay na nga niya sa araw ng pahinga nila sa pag pa-practice ang weekend. Tsaka nalang daw sila mag pa-practice ng maigi pag one week nalang ang natira
"Mag-ingat kayo, anak ha? Nag-request din ako ng security to guide you there," pagsasalita ni Tita habang kumakain kami. Nandito kami sa silid-kainan, at panay ang bilin nila sa amin.
Pagkatapos naming kumain, dumiretso na kami sa sala para pag-usapan ang final preparations. "Okay, so ano pa ang kulang natin?" tanong ni Xylos habang tinitingnan ang listahan sa kanyang phone.
"Actually, lahat ng materials ay ready na," sagot ko. "We just need to make sure na maayos ang set-up."
"Don't worry about it. We got this," sagot ni Xylos confidently. "I already spoke with the volunteers, and they know what to do."
Habang nagda-drive kami papunta sa venue, napansin ko si Xylos na nakangiti habang nagmamasid sa labas ng bintana. "I'm very amazed by you for this, Gaia. You know it's not usually my thing to help others, but because of you, I find it very interesting."
Napangiti ako at tiningnan siya. "Really? I'm glad to hear that, Xylos. It's important for us to give back and help those in need."
"Yeah, I see that now. Thanks for opening my eyes to this kind of work," sagot niya.
"You're welcome," sabi ko. "I'm happy that we're doing this together."
Pagkadating namin sa gym ng Barangay San Pedro, marami na agad kaming mga batang nakita doon. Ginuide ng mga volunteers ang mga bata para maging maayos ang kanilang pagpasok.
Nandito rin ang mga barangay staff para mapanatiling maayos at payapa ang event na ito. Hindi naman kami bihasa sa ganito kaya nag-hire kami ng organizers para siguraduhing magiging successful ang event.
"Everything looks great," sabi ni Xylos habang iniinspeksyon ang set-up. "I'm excited for the kids."
"Me too," sabi ko. "And don't forget, may pa-surprise tayo sa mga bata mamaya."
"Right, Jollibee!" sabi ni Xylos, na tila excited din. "The kids will love it."
Nagsimula ng ang program at tinawag ako ng emcee para sa speech ko para sa mga bata. Kinabahan pa nga ako kasi hindi ko ito inexpect. Pero tumayo ako at huminga ng malalim bago nagsimula.
"Magandang umaga sa inyong lahat," bati ko sa mga bata at sa mga magulang na naroon. "Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa inyo,sa pag sama sa amin sa event na ito. Nais ko ring pasalamatan si Tita at ang lahat ng volunteers na tumulong para maging posible ang event na ito. Dahil sa kanilang suporta at dedikasyon, nandito tayo ngayon para mag-enjoy at magtulungan.Mga bata, alam ko na excited kayong lahat maglaro at mag-enjoy, pero gusto ko ring magbahagi ng ilang mahahalagang bagay sa inyo. Una, ang pagbibigayan. Napakahalaga ng pagtutulungan at pagbibigayan, lalo na sa ating komunidad. Kapag tayo ay nagtutulungan, mas madali nating maaabot ang ating mga pangarap at mas magiging magaan ang ating mga buhay.Pangalawa, ang edukasyon. Mahalaga na pahalagahan ninyo ang inyong pag-aaral. Ang edukasyon ang magiging susi ninyo sa pag-abot ng inyong mga pangarap. Mag-aral kayo ng mabuti at huwag sayangin ang oportunidad na makapag-aral. Sa pamamagitan ng edukasyon, magkakaroon kayo ng mas magandang kinabukasan.At panghuli, tungkol sa inyong mga pangarap. Huwag kayong titigil sa pag-abot ng inyong mga pangarap. Magsikap kayo at magtiwala sa inyong kakayahan. Kahit ano pa man ang mangyari, huwag kayong mawawalan ng pag-asa. Keep dreaming big, and keep working hard to achieve those dreams. Remember, kaya niyo yan!" Nag palak pakan ang mga tao kaya tumigil muna ako saglit.
BINABASA MO ANG
Fragments of Tomorrow
RomanceGaia Mnemosyne Ramirez, a fiercely independent woman, has lived on her own since her beloved mother passed away. She cherishes her freedom and the life she's built. However, everything changes when her father unexpectedly arrives to take her back ho...