10

5 0 0
                                    

"You cook all of this iha?" Tanong ng mommy ni Xylos sa akin pag ka baba ko. Tipid ko siyang nginitian at tumango. Bigla namang lumawak ang ngiti niya. "Thank you sa walang sawa mong pag alaga sa anak ko iha"

Responsible ko naman pong alagaan siya Tita. He is  my husband na po" magalang kong sagot ko sa kanya. Tumango tango siya.

"Kailan balik niyo sa Condo?By the way nasaan naba si Xylos? "  Takang tanong ni Tita. Umupo ako sa harapan niya. Maya maya pa ay narinig na namin ang boses niya.

"Good morning Dad, Mom" Tinanguan siya ni Tito habang si Tita naman ay agad nilagyan ng rice ang plato ng kanyang anak. "Mom, ako na po. Kakahiya naman" reklamo ni Xylos dahil masyado siyang bine-baby ng kanyang ina.

"Ako nalang po tita" presinta ko. Kumuha ako ng tig isang ulam at inilagay iyon sa plato niya.

"You know what, Son, si Gaia ang nagluto niyan," sabi ni Tita. Bigla namang nag-init ang mukha ko, hindi ko alam kung bakit bigla na lang ako tinabunan ng hiya gayong gawain ko namang magluto sa condo.

"Wow, talaga?" sabi ni Xylos habang tinitikman ang pagkain. "Mas lalo ngang sumarap kahit fried lang" Inirapan ko siya dahil sa Oa na reaction niya na akala mo naman, first time lang niyang natikman ang luto ko.

"Gaia, you always make the best meals," dagdag ni Tita. "Lucky ka talaga, Xylos."

"That's true, Mom, because God gave me the best wife," sabi ni Xylos, nakangiti habang nakatingin sa akin.  Ngumiti nalang ako at nagtakang tiningnan si Xylos. Bakit bigla lang itong naging ganito? Hilaw akong ngumiti sa kanya at pinakisamahan ko nalang sa pambobola niya.

"Lucky din po ako kasi I have a loving and supportive husband," sabi ko, tinatapik ang kamay ni Xylos. Gusto kong tumawa dahil sa naging reaksiyon ni Xylos. Naka awang kasi ang mga bibig niya at namumula. Kala ata niya siya lang ang magaling mambola.

"Ang sweet niyo naman," sabi ni Tita, halatang tuwang-tuwa. "Basta, always take care of each other, ha?"

"Oo naman po tita" sagot ko tsaka tumingin  ni Xylos na nasa akin parin naka tingin. " Nandito naman po ang asawa ko tita. Alam ko namang hindi niya ako pababayaan. diba Xy? "  Kumunot bigla ang noo niya. Umiwas siya ng tingin at tumikhim. " Diba Xy? " Ulit ko.

"O-Oo naman" sagot niya tsaka uminom ng tubig.

"Anak, balak niyo bang mag-stay dito buong araw?" tanong ni Tito habang nagpalagay ng kape sa kanyang tasa.

"I'm planning to go on a date with my wife, Dad. Bakit, may iuutos po ba kayo?" sagot ni Xylos, lumingon sa kanyang ama.

"Ah, wala naman. Enjoy your day, anak. It's good to see you two spending time together," sagot ni Tito, nagbigay ng tipid na ngiti.

"If you don't mind, anak, saan mo ba dadalhin si Gaia? May marami naman po akong alam na pwedeng pang-date," pagsasalita ni Tita.

"Kung saan po gusto ni Gaia, Mom," sagot ni Xylos sa kanyang ina tsaka tiningnan ako. "Where do you want?"

Napa-isip naman ako bigla sa tanong niya. "Sa Alvis Arts Museum. I love arts din kasi, plus di pa ako nakapunta diyan."

"Ah, magandang idea 'yan," sabi ni Tita, ngumiti. "Ang ganda ng Alvis Arts Museum, marami kang makikitang arts doon. Siguradong mag-eenjoy kayo."

After namin kumain, naligo agad ako at nagbihis para sa aming date. Nagpaalam na rin si Tita at Tito dahil papasok na sila sa kani-kanilang trabaho.

Nakatayo ako sa harap ng salamin, tinitingnan ang sarili ko. I couldn't shake off the feeling of being self-conscious about my appearance today. Though I've always been confident in my looks, today felt different.

Fragments of Tomorrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon