Nagising lang ako dahil sa sunod-sunod na tumunog ang phone ko. I ignored it kanina pa lang pero dahil sunod-sunod iyon nag-ring ay wala akong choice kundi bumangon. Sa gilid ko ay ang tulog na mukha ni Xylos.
Marahan akong bumangon para hindi siya magising at kinuha ang phone ko sa bedside table. Nagulat ako sa dami ng notifications mula sa social media at mga messages.
"What's going on?" bulong ko sa sarili ko habang nag-swipe ako sa screen. Nang buksan ko ang mga notifications, nakita ko ang napakaraming comments, tags, at mentions.
"OMG, sino siya?"
"Hindi bagay kay Xylos!"
"girlfriend ni Xylos?"Nakaramdam ako ng kaba habang binabasa ang mga comments. Dali-dali kong binuksan ang isang post at nakita ko ang isang picture namin ni Xylos na magkasama sa Alvis Arts Museum. Hindi ko alam kung paano nakarating sa social media ang larawan na iyon.
Nagising si Xylos dahil sa ingay ng notifications. "What's happening?" tanong niya, inaayos ang kanyang buhok habang inaantok pa.
"Look at this," sabi ko, ipinakita ang phone ko sa kanya. "We're all over social media."
Kinuha ni Xylos ang phone ko at tiningnan ang mga posts. Napabuntong-hininga siya. "I guess someone recognized us and took a photo."
"But why are they so mean?" tanong ko, may bahid ng lungkot sa boses ko. "They don't even know me."
"Nasanay na ako sa mga ganyan," sabi ni Xylos, hinawakan ang kamay ko. "But I'm sorry na ikaw ang nadadamay ngayon. People can be harsh online, lalo na kapag wala silang alam sa totoong sitwasyon."
Pinilit kong ngumiti pero hindi ko maiwasang masaktan sa mga nabasa ko. "It's just... I don't understand why they have to be so judgmental."
Hinila ako ni Xylos papunta sa kanya at niyakap ako ng mahigpit. "Don't mind them, Gaia. What matters is that we know the truth. You're my wife, Yun ang importante."
Naramdaman ko ang pagluwag ng dibdib ko dahil sa sinabi niya. "Thank you, Xylos. I just need to get used to this, I guess."
Bumangon si Xylos at kinuha ang phone niya. "Let's make it official," sabi niya, nagti-type ng isang post. Tumingin ako sa screen at nakita ko ang caption na nilalagay niya.
"To everyone who's curious, meet my wife, Gaia. Yes, we're married. Please respect our privacy."
Nag-blush ako sa sinabi niya. "Do you think that will help?" tanong ko, medyo kinakabahan. Hindi kaya mabibigla ang iba sa post niya?
Nagulat kami nang marinig ang malakas na katok sa pinto. Tumayo si Xylos para buksan ito. Pagkabukas niya, nandoon ang mga magulang niya, parehong seryoso ang mga mukha.
"Mom, Dad, what's wrong?" tanong ni Xylos, halatang nababahala.
"We need to talk," sabi ng Daddy niya, pumasok sa loob ng kwarto. Sinundan sila ni Xylos at umupo kami lahat sa sofa.
"Anak, kailangan nating ayusin ito," sabi ng Mommy niya. "We need to hold a press conference to address the issue. Malaki ang magiging impact nito sa business natin kung hindi tayo kumilos agad."
Napatango si Xylos, mukhang nag-aalala. "I understand, Mom, Dad. But is it really necessary? Hindi ba pwedeng hintayin na lang natin na mawala ang issue?"
"Xy, Anak, the longer we wait, the worse it will get," sabi ng tatay niya. "We need to clarify everything and show everyone that there's nothing to be worried about."
BINABASA MO ANG
Fragments of Tomorrow
RomanceGaia Mnemosyne Ramirez, a fiercely independent woman, has lived on her own since her beloved mother passed away. She cherishes her freedom and the life she's built. However, everything changes when her father unexpectedly arrives to take her back ho...