5

6 0 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit natagpuan ko nalang ang sarili kong nagluluto muli para sa hapunan namin ni Xylos. Halos 1 year naman kaming titira sa isang bahay lang kaya nararapat lang na maging maayos kami, or atleast man lang uma-upgrade ang relationship namin with each other.

“Hi, kumusta game?" Tanong ko sa kanya. Kakarating lang niya tsaka sya umupo ng deritso sa sofa. Tiningnan nya ako ng naka kunot ang noo at hindi nya ako sinagot. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang duffle bag niya at inilagay sa lalagyan namin ng bag. Kinuha ko ang slippers nya at ibinigay yon sa kanya.

“Anong nakain mo, babae?"  Kunot noong tanong niya. Ngumiti ako sa kanya at umaacting nag bow pa.

"Syempre pag silbihan ang Husband ko” Ngumiti ako ng malapad at nag wink sa kanya bago ako umalis sa harapan niya at i prepare ang aming hapunan. “Mag half bath ka muna then after mong mag half bath labas ka, kakain tayo" sigaw ko sa kanya. Wala akong narinig mula sa kanya pero sinunod naman niya ang sinabi ko.

Umupo muna ako sa sofa para hintayin sya. Nag cellphone lang ako pampalipas ng oras. Kumunot ang noo ko ng mahigit dlaawang oras na ang nakalipas at hindi man lang sya lumabas. Mapait akong ngumiti. Walang epekto parin sa kanya. Pero bahala na. Gagawin ko ang lahat para lumambit man kahit maikli ang kanyang puso.

Kinaumagahan ay ganoon parin ang turing niya sa akin. Hindi niya ako sinabayan sa umagahan. Kaya ang ginawa ko ay ipamigay ko nalang sa mga batang nasa tabi-tabi para may makakain din sila.

“Kumusta ang day 1 natin sis?" Masiglang tanong ni Tiana. Nandito kami sa Food court para hintayin na mag alas dyes.

“Wala. Matigas parin" sabay irap kong sabi ko sa kanya.

“Sanayin mo beh, tapos isang araw huwag mo ng ganunin, para hanap hanaphanapin naman niya” suggest pa ni Tiana

Tulad ng sabi ni Tiana ay araw araw ko ng gawin yon. Umabot iyon ng mahigit Tatlong week. Gusto kong sumuko pero pag susuko ako, mapunta lang sa wala ang lahat.

“Sama ka ba sa akin?" Tanong ni Tiana sa akin ng mag kita kami sa food court. Lahat kami ay naka suot ng golden yellow t shirt na may malaking pangalan sa school namin. Ngayon ang day 1 ng Sportsfest. Kaninang alas sais ang parade at ngayon namang 10 ang laro nila Xylos.

“Wala naman akong gagawin, so Game" walang gana kong sagot sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako papunta sa basketball court.

Sa pinaka unahan talaga kami umupo ni Tiana. Vip naman kasi sya since player naman ang kambal niya, at sabi niya pinasama niya ako para magkatabi kami ng upuan. Naki jamming ako sa chant ng DVU. Ang ganda pakinggan!

“Sya si Rosette. Sabi ng kambal ko yan daw iyong i-shinip ni Xylos” Tiningnan ko ang babaeng tinuro ni  Tiana. Kausap niya ang mga basketball player sa DVU. Maganda nga sya at ang expensive niyang manamit.

“Para siyang model" mangha kong sabi ni Tiana. May sunglass pang nakapatong sa hair niya.

“Yeah.pero mas mukha kang model" Sinamaan ko ng tingin si Tiana. Bolero talaga.

Hindi na ako nag taka ng nanalo ang mga player sa DVU. Mahigit isang buwan ba naman ang practice nila.

“Gaia?" Lumingon ako sa lalaking tunawag sa pangalan ko. “Ikaw nga" Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Congratulations nga pala Bryan” Bati ko sa kanya. Inakbayan niya ako.

“Buti nalang nakita kita Gaia. Medyo nakunan ng ilang percent pagiging lungkot ko" Bolerong sabi niya. Sinundot ko siya sa tagiliran niya kaya lumayo siya sa akin.

Fragments of Tomorrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon