12

7 0 0
                                    

Isang buwan na ang nagdaan simula nung pangyayaring iyon. Sa loob ng panahong iyon, unti-unting humupa ang isyu, at ang mga komento sa social media ay naging tahimik na. Naglaan si Xylos ng oras para tiyakin na natapos ang lahat ng usapin bago siya muling nagbalik sa kanyang training para sa panibagong laro nila sa ibang University.



Pagkatapos ng press conference, mas pinili naming manatili sa bahay ng mga magulang ni Xylos para sa aming privacy. Isa pa mas higpit pa kasi ang security sa Mansion nila kumpara sa Condo na kaunti lang ang taga bantay. Tumulong ang kanyang pamilya sa pag-aasikaso ng lahat, at sa kabila ng lahat, unti-unting naging maayos ang lahat.



Sa school ko naman, naiilang ako sa turing ng iba. They respect me as one of the bosses. Pero hindi naman mawala doon ang mga bitter. Iyong ayaw akong tanggapin.


"Mukhang mas tahimik na ngayon," sabi ni Tiana isang araw habang naglalakad kami sa hallway ng school. "At least, unti-unti nang nagiging normal ang lahat."


"Buti nalang"


Habang naglalakad kami, napansin ko ang ilang estudyanteng bumubulong-bulong at nakatingin sa amin. Sanay na ako sa mga ganitong tingin, pero minsan, nakaka-pressure pa rin.


"Ignore them," sabi ni Tiana, na parang nabasa ang iniisip ko. "Focus lang tayo sa classes natin. May exam pa tayo mamaya, di ba?"


"Oo nga," sagot ko, bumalik ang atensyon ko sa mga aralin namin. "Kailangan ko pang mag-review. Ang dami ko pang hindi naaaral."


Nakarating kami sa classroom at naghanap ng mga upuan sa likod. Habang inaayos ko ang mga gamit ko, napansin kong nakatingin si Tiana sa akin na may ngiti.


"Bakit?" tanong ko, curious sa expression niya.


"Wala lang," sagot niya. "I'm just glad na kahit papaano, nagiging normal na ulit ang lahat."


"Yeah, me too," sagot ko, ngumingiti rin. "Thanks for always being there, Tiana."


"Anytime, Gaia," sabi niya, tinapik ang balikat ko. "We're friends, di ba? That's what friends are for."


Lumipas ang oras ng klase, at nang matapos, nag-decide kami ni Tiana na mag-lunch muna bago mag-review ulit. Pumunta kami sa cafeteria at umorder ng pagkain.


"Alam mo," sabi ni Tiana habang kumakain kami, "I admire you for handling everything so well. Ang dami mong pinagdaanan, pero nandito ka pa rin, fighting."


"Thanks, Tiana," sabi ko, touched sa sinabi niya. "Hindi ko rin alam kung paano ko nagawa, pero siguro dahil na rin sa support ng mga tao sa paligid ko, tulad mo."


You're stronger than you think, Gaia," sabi ni Tiana. "And you're not alone. Lagi kaming nandito para sa'yo."


Nang dumating ang alas sinko, Tiana and I decided to watch the game practice nila ni Xylos since malapit na nga talaga ang Palaro. Pumunta kami sa gymnasium kung saan nagaganap ang practice, at agad kong napansin ang dami ng mga taong nanonood. Hindi lang mga estudyante kundi pati na rin ang mga outsiders


“Ang dami nila,” sabi ko habang naglalakad kami papasok.


“Oo nga,” sagot ni Tiana. “Parang concert nga ng bini”


Pagpasok namin sa gymnasium, agad naming nakita si Xylos na nag pa-practice sa pag-shoot ng bola. Pawis na pawis siya pero makikita mo ang dedikasyon sa kanyang mga mata. Nang mapansin niya kami, ngumiti siya at kumaway.


“Ang galing talaga ng asawa mo,” sabi ni Tiana, nakangiti rin.

“Yeah, he really is,” sagot ko, proud na proud sa kanya.


Ang teammates na pinangunahan ng kapatid ni Tiana ay panay tingin sa akin na para bang inaasar nila ang Captain nila. Marami ding mga babae na panay cheer kay Xylos, at by looking at their physical bodies, nakaka-insecure talaga. Ang gaganda nila na para bang inaalagaan talaga ng maayos ang mga mukha nila.

"Ano ka ba, you're really beautiful, Gaia," sabi ni Tiana, nag-aalala. "Alam kong di mo napapansin yon, but you really are, Gaia."

Ngumiti ako sa sinabi ni Tiana, pero hindi pa rin maalis ang kaunting insecurities sa akin. Pinilit kong wag mag-focus sa mga babae at ibinalik ang atensyon kay Xylos. Nagpatuloy ang practice, at kitang-kita ko kung gaano siya ka-dedicated.

Nang matapos ang practice, lumapit si Xylos sa amin, hingal pero may ngiti sa mukha.

"Hey," bati niya, "Thanks for watching."

"Of course," sagot ko, ngiti rin. "You were amazing out there."

"Thanks," sabi niya, tumingin kay Tiana. "Thanks for keeping her company, Tiana."

"Anytime, Captain," sagot ni Tiana, nag-salute pa.

Natawa si Xylos at ako naman ay napailing. "Let's go home?" tanong niya sa akin.

"Sure," sagot ko. "We'll wait for you outside."

Nang nakapasok na si Xylos sa sasakyan niya, bigla siyang nag-aya na kumain sa isang restaurant.

“Hey, how about we grab some dinner outside?” tanong niya habang sinusuot ang seatbelt.

“Sure, saan mo gusto pumunta?” tanong ko, curious kung anong naiisip niyang lugar.


“There's this new restaurant I heard about. They say the food is really good,” sagot niya, naka-ngiti.

“Sounds great,” sagot ko. “Let’s go there.”


Habang nagmamaneho siya ay dinaldal ko soya patungkol sa practice niya. Kung gaano na siya kahanda, at kung ano anong mga preparations ang ginawa nila.


“Nakaka-bilib ka talaga,” sabi ko, tinitingnan siya habang nagda-drive. “Kahit anong hirap ng schedule mo, you still manage to do everything perfectly.”


“Thanks, Gaia,” sagot niya, naka-focus sa daan pero kita ko ang ngiti sa kanyang mukha. “I just want to make you proud.” Tiningnan ko siya sandali, napatigil dahil sa sinabi niya.


“You always do,” sagot ko, ramdam ang init sa aking puso. “I’m really proud of you.”


Nakarating kami sa restaurant at agad kaming binati ng maayos na staff. Pumili kami ng mesa sa isang medyo tahimik na bahagi ng lugar at umorder ng pagkain.


Hindi na kami masyadong nag uusap pa Since halos shinare ko na nga lahat ang back story ko.


Habang nagmamaneho si Xylos, hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. He really looked so hot.


"Staring at me can kill you," bigla niyang sabi, napangiti siya at lumingon saglit sa akin. Napaayos ako ng tingin at inirapan siya.


"Asa ka! Ini-observe lang kaya kita paano ka mag-drive," sagot ko, pilit na pinipigilan ang tawa.


Napaisip ako sa tanong niya. Tinuruan na akong mag-drive noon pero nakalimutan ko na paano since almost six years na nga iyon nagdaan.


"Tsaka na pagkatapos ng training mo, busy mo kaya," sagot ko.


"There's no problem for me as long as it's you, Gaia. So don't ever think na sagabal ka lang sa akin. You're my wife now, you're my priority," taos-pusong sabi niya sa akin.


"Pero diba busy ka pa? Magpahinga ka naman," sagot ko, nag-aalala sa kanyang schedule, since sa nalalapit na Palaro

"Ikaw ang pahinga ko, Gaia, ikaw," sabi niya, may kasamang ngiti

Fragments of Tomorrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon