Naging usap usapan sa lahat na social media ang program na nilunsad namin. Marami ding mga good comments ang natanggap sa amin at lalo ng rumami din ang mga sponsors na gustong mag donate ng kahit ano.
Naging busy si Xylos sa mga nagdaang araw. Kinakailangan niya na kasing mag pursige sa pag practice lalo na at gaganapin na sa susunod sa Sabado ang Palaro. Pansamantalang itinigil muna namin ang Programang nilunsad namin para hindi lalo ma i-stress si Xylos.
Andito kami ngayon sa basketball court ng school. Pinapanood ang practice nila. Kasama ko si Tiana ngayon na panay kuha ng video doon sa manliligaw daw niya kuno.
"Laro na nila next week. What's your plan?" Tanong sa akin ni Tiana ng naka upo na ulit siya. Bumuntong hininga ako dahil sa totoo lang ay wala akong ibang naisip. Na pe-pressure din ako sa ibang tao lalo na at panay tanong sila sa akin tungkol sa maging plano ko daw.
Biglang nag-post si Rosette sa social media niya kasi. Nagpagawa siya ng t-shirt and accessories na may pangalan ng team nina Xylos. Kaya simula noon ay kino-compare nila ako doon kay Rosette.
"Gaia, don't stress too much about it," sabi ni Tiana, trying to comfort me.
"Alam mo, you don't need to do such a surprise naman eh. Your presence is enough for him."
Ngumiti ako nang kaunti, kahit alam kong halata ang pag-aalala ko. "I just want to do something special para sa kanya," sabi ko, trying to shake off the negative thoughts.
Tumingin si Tiana sa akin, her eyes softening. "Alam mo, Xylos is already lucky to have you. He knows how much you care, and that's what matters. Yung mga t-shirt at accessories, that's just superficial. What you have is deeper."
Nakahinga ako nang maluwag at napagtanto kong tama si Tiana. Hindi ko kailangang makipagkumpetensya pa.
"If you want something talaga, I can help you naman. Like mas maganda if you will have a dinner date before the game. You know, pang lucky charm niya." Biglang nagliwanag ang mga nata ko dahil sa suggestions ni Tiana.
Naging abala ako sa mga sumunod na araw dahil sa pinapasa namin ang mga projects namin. Need daw namin kompletohin lahat bago maging busy sa darating na Palaro. Hindi na nga kami masyadong nagkita ni Xylos kasi minsan sa condo ng kaibigan niya siya uuwi.
Saturday ngayon at wala kaming pasok. Pumunta agad ako sa basketball court para pagsabihan si Xylos patungkol sa dinner date namin mamaya. Si Tiana ang nag-organize ng lahat.
Palibhasa mas may alam kasi siya sa mga ganun, isa pa, alam din niya iyong mga gusto at hindi gusto ni Xylos dahil matagal na silang magkakilala.
Maagang natapos ang practice nila today para mai-rest nila ng maayos ang mga katawan nila. Lumapit agad ako kay Xylos and I helped him wipe his sweats. Tinutukso naman agad kami ng mga teammates niya, pero sanay naman na ako.
"Shut up, leave us alone," iritang taboy ni Xylos sa mga kasama niya.
"Ang sabihin mo gusto mo lang maka-score!" sigaw ng isa bago sila tumakbong umalis.
Natawa na lang ako habang si Xylos ay nag-roll ng eyes. "Ignore them. They're just being idiots," sabi niya, giving me a grateful smile."By the way, I felt so strange. You're not usually here to watch my practice," sabi ni Xylos habang pinupunasan ko pa rin ang kanyang pawis.Natawa ako sa reaksyon niya. Hindi ko kasi gawain iyong manood ng mga laro nila. "Or, are you just here because you miss me?" dagdag niya, ngumingiti.
Tinaasan ko siya ng kaliwang kilay at kinurot ang mataas niyang ilong. "You know what, you're very assuming."
Natawa siya. "I can't help it. I do miss you, you know."
BINABASA MO ANG
Fragments of Tomorrow
RomanceGaia Mnemosyne Ramirez, a fiercely independent woman, has lived on her own since her beloved mother passed away. She cherishes her freedom and the life she's built. However, everything changes when her father unexpectedly arrives to take her back ho...