4

6 0 0
                                    

Hinayaan ko nalang ang make up artist na kung anong gawin sa’kin. Kahit na mag wala ako dito ay wala ng atrasan to. Kung nandito sana si Momsy siguro walang kasalan ang mangyayari sakin. Kasalanan ko naman kasi kung bakit sya nawala sa amin. Kasalanan ko pa rin ang lahat. Kaya siguro pinaparusahan ako.

"Done na Babe, You look like your mother, very gorgeous” Pagpupuri sa akin ng make up artist. Nginitian ko nalang sya. Para sa araw na ito ay  pina suot lang ako ng wedding gown at since para syang pageantry gown, at may corset sa tummy ko kaya visible ang maganda kong katawan.

Sa simbahan kami ikakasal, walang media, walang bisita. Tanging mga pamilya ko lang at kay Xylos.

Since kami lang ang nandun, after ng seremonyas ay dumiritso kami sa mansion nila na Xylos.

I am now Gaia Mnemosyne Dela Vega. Tunog mayaman na talaga kahit last name lang nila. Lahat din sila mga magaganda at gwapo.

“Since kasalukuyan pang pinagawa ang bahay nyo and my son requested na bumili ng condo, So you two will be living in the same roof. Ang condo na iyon ay malapit lapit lang sa DVU, so nothing to worry” biglang pag salita ng Daddy ni Xylos.

"What!? Hindi ako papayag na titira kami sa isang bahay  dad” reklamo agad ng lalaki, na ngayon ay asawa ko na.

"Hindi-” Napa tigil ako sa pag salita ng biglang tumikhim si Daddy kaya yumoko nalang ako.

"No buts" malamig na ani ng lolo ni Xylos.

"You know what? This is all your fault kasi eh! If hindi sana kayo nag hirap walang ganito! Fuck this!” Biglang sigaw sa akin ni Xylos ng kami na naiwan sa loob ng room. Andito ako sa kwarto ni Xylos. Dito daw ako matutulog. Bilang masunuring tao ay sinunod ko nalang para naman wala ng ingay.

"Don't worry, Pagkatapos ng Kontrata ay  kusa akong aalis” walang gana kong sabi sa kanya at umupo sa sofa.  According ng step mom ko ay  10 months contract lang daw ito. So pag ka tapos ng school year ay pwede na kaming mag hiwalay. Tutulongan daw ako ng step mom kong mag process ng divorce paper.

“I dont care"  padabog syang humiga sa higdaan nya at pumikit. Naka bihis na kami ng pang tulog at since wala akong dalang damit kaya nang hiram lang ako ng shirt nya tsaka boxer.

May long quiz kami sa Monday kaya kahit Saturday pa ay sinimulan ko ng mag study para maka pag rest ako ng mabuti bago ako sasabak sa long quiz.

Alas dos na ng madaling araw, natapos kong basahin ang coverage ng long quiz namin. Ayaw ko namang tabihan sa higaan si Xylos kaya napag desisyonan kong humiga nalang sa sofa nya.

Nagising lang ako dahil sa init na tumama sa mukha ko. Tiningnan ko ang wall clock at alas siete na pala. Ang sabi ng Daddy ni Xylos ay ngayon daw kami ihahatid papunta sa condo namin. Sa mga damit ko naman ay ihahatid lang daw nila iyon sa condo namin.

“Duffle bag lang dalhin mo?” Taka kong tanong kay Xylos ng basta basta nya lang ipinasok ang mga damit nya sa bag nya.

“Mind your own business" malamig na ani niya sa akin at hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin.

Hindi ko na siya pinansin. Tapos na akong maligo. Buti nalang at may dress iyong isa nilang katulong kaya may naisuot ako ngayon and for the garments naman ay nag pabili ako kagabi kaya may maisuot ako ngayon.

“Where's my son?" Tanong ni Mr. Dela Vega sa akin ng maka baba ako.

“Nagbibihis lang po" magalang kong tugon sa kanya. Tumango sya tsaka tumingala sa taas para hintayin ang kanyang anak.

“Kaugali mo talaga anak mo, ang tigas ng ulo”

“Saang ulo ba pa?" Birong tanong ng Daddy ni Xylos kaya sabay silang malakas tumawa habang ako ay naka kunot ang noo dahil sa hindi ko maintindihan ang kanyang sinabi.

Fragments of Tomorrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon