▪️PROLOGUE▪️

103 29 4
                                    


UNKNOWN

Next week ay graduation na namin.I'm currently a graduating ,4th year Business administration student.

The most awaited graduation has finally come. My parents are very proud of me. Ako ay iisang anak lamang kaya I have the responsibility na tulungan sila  kapag nakahanap na ako ng trabaho.

My father, Zarelle Estaris is an ordinary restaurant owner. He's a very kind man that  loved by everyone. He's so considerate specially to those in need. About my mother, she is an English teacher.Lagi akong nagpapatulong sa kanya sa mga research ko, lalo na kung English ito. They're both  48 yrs old.


Sorry for my late introduction, My name is Lieva Estaris. 22  yrs old. The main character of this story.


" Anong plano mo pagkatapos mo makagraduate anak?". My father asked. We're  currently eating for dinner in a round table. This is my favorite bonding together with my parents. A time when all of us are sitting ang telling stories together. The warm and calm feeling you have in this situation is priceless.


" Umm. Siguro pa, maghahanap ako ng trabaho". Answer ko kay papa with gentle smile.Nasa tabi ko naman si mama na nakikinig sa usapan naming dalawa ni papa.




" Salamat naman at graduate ka na. Sulit naman ang pagod naman ni papa mo". Sabat ni mama sa usapan.


Habang kumakain kami ay bigla nalang tumunog ang cellphone na nasa bulsa ko. Napatingin si mama at papa sakin. Isa kasi sa rules ng bahay namin na bawal gumamit ng cellphone habang kumakain. Nag-aalala ko at baka importanteng tawag ito kaya nagpaalam muna akong lumabas para i check . Pumayag naman sila.


Nang tignan ko ang cellphone, tama nga ang hinala ko, tawag ito— pero, sa isang unknown number.Sinagot ko agad ang tawag at baka number ito ng isa sa mga kakilala namin.

" Hello? Sino po ito?" .I said  after iclick ang  answer option . Hindi ito sumamagot. Bagkus, parang hinahabol ito dahil sa hingal nya na rinig na rinig.


" Hello?.. Sabihin mo sa pa—". Tugon nito pero bigla nalang naputol . Nagtataka ako kung bakit parang kilala niya ako.Hindi familiar ang boses nya. Ngayon ko lang narinig.Na curious ako sa gusto nyang sabihin  kaya  cinall back ko to pero unattended na siya.


Nawalan na ako ng pasensya.Siguro ay wrong number lang ito kaya  naman hindi na ko nag-isip ng malalim pa at bumalik na sa hapagkainan.



" Sino yon?". Bungad na tanong ni mama sakin.Ang bilis nilang kumain. Pagdating ko ay tapos na sila. Ako nalang ang natitira.Nagsasalansan na ng pinggan si mama at nilalagay na ito sa lababo.


" Wala po ma, wrong number lang.". Sagot ko at tinuloy na ang kinakain.

Sabay subo ng pagkain, naalala ko ulit ang sabi ng tao sa cellphone kanina. Base sa boses nya, mukhang lalake ito at may gustong ipahatid na mensahe.


Nakakapagtaka  rin kung bakit ito hingal na hingal. Parang may mga taong humahabol sa kanya.


Nakaramdam ako bigla ng kaba na hindi ko maipaliwag. Natakot ako na baka kami nga ang pinagsasabihan  nito. Gusto ko sanang sabihin ito kay papa ngunit busy sya sa pagbabasa ng  libro.Tsaka ayaw ko itong gawing big deal kasi hindi ko pa naman sigurado ang lahat. Nagdesisyon nalang ako na itago ang lahat—ayaw ko na mag-alala sila sa bagay na di naman sigurado.

Cult Of MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon