▪️ Chapter 13▪️

16 11 0
                                    

                                RUN!!




Nagising ako sa usok na nanggagaling sa baba.Isinuot ko  ang cloak na bigay sakin para makita ang pinaggagalingan ng usok. .Pababa pa lang sa hagdan, maaamoy mo na parang may  nagpapaapoy. Nagsunog sila ng mga kahoy na tila may lulutuin sila. Nang ang apoy ay nasa tama na, binuhat ng tatlong tao ang malaking clay pot at ipinatong sa apoy.Ilang saglit pa ay ang sakong  nilagay  kahapon ay kinuha nila mula sa loob nito.Isa itong batang babae na may mahabang buhok at mala manikang mukha. Nakagapos ang paa, kamay  at nakabusal ang bibig.

" Palitan nyo na sya". Sabi ni pastor R sa isang kasamahan nito.Actually part na rin ako kaso hindi ko cliniclaim sa sarili ko.

Tinanga na nila ang gapos  ang nya ngunit hindi ang busal sa bibig nito.Hinubadan nila ang Bata, pinalitan  ang madumi nitong damit ng puting bistida.

Tumingin ang bata sakin.kahit na hindi ito nakapagsasalita,kitang-kita ko sa Mata nya na gusto nitong humingi ng tulong  mula sakin.Napatulala nalang ako sa pagkat, di ko mawari ang gagawin ko.Kapag tinulungan ko sya ay masisira ang plano ko.

Hindi ko napansin na nagising na rin pala si Frix, lumapit ito sakin at tinanong kung anong gagawin namin.

" Anong plano? Pababayaan ba natin ang Bata?". He whispered to my ears from the back." Hindi ko alam.Gawin mo ang sa tingin mo ay tama". I responded.Natahimik siya ng ilang minuto. Inisip nya muna ang gagawin." I feel bad for the child but our plan will  ruin." He said.Balak ko rin talaga sabihin yon yet i couldn't bring my self to say it. Maybe  that's being a  hypocrite even so, that's what i really felt as conscience disoriented my mind.

Tinanggal nila ang busal ng bata.Binuhat siya   at ipinasok sa loob ng mainit na malaking banga. Tinakpan nila ito upang  maluto ang bata. Ipinikit ko na lang ang mata ko. Parang ayaw ko makita ang susunod na mangyayari.

Tahimik pa sa una ang bata, pero mamaya- maya pa ay sumigaw na ito.

" Haaahhhhh!!! Ang init!! Tulungan nyo po ako!!! Maawa po kayo!!! Hinahanap na po ako ni mama!!!haahhhhh!!! Ang sakit!! Ang init!!! Tulong!! Tulong!!".Sigaw ng bata sa loob ng banga.

" Para ito sa diyos!! Isa kang alay!! Magalak ka at ikaw ang napili!!". Pastor R said to the child.
Nagsimula narin nilang paikutan ang banga. Bumubulong sila o you could say, nagdarasal sila ng taimtim.  Ang mga words na sinasabi nila ay hindi ko maintindihan.

"Haahhhhhh!!! Ang sakit!!! Ang init!!!!".  Sigaw pa ng bata.

Naiyak nalang ako ng marinig ang sigaw ng bata habang unti-unti na itong humina.Akala ko ay makakaya ko na pigilan ang sarili ko, hindi pala. L Not thinking ahead, lumapit ako sa banga at sinipa ito. Kahit na mainit, hinawakan ko ang takip nito at binuhat. Kinuha ko ang Bata, nilagay sa likod ko at agad tumakbo.Nagulat ang lahat sa ginawa ko.  Tinangka nila akong pigilan pero si Frix ay nilabanan sila.

" Mauna ka na!! Susunod ako!!". Sigaw ni Frix habang nilalabanan ang mga members.

Tumakbo ako ng tumakbo na hindi lumilingon sa likod. Wala akong ibang nasa isip kundi iligtas ang batang  lapnos na ang balat at mahina na ang paghinga.

" Pasensya na ah natagalan kami. Pero huwag kang mag-alala ililigtas Kita". Sabi ko sa pasan kong Bata habang tumatakbo. " Sa.. salamat p.. po.. a..ate..". Nanghihinang Sabi ng bata.Mas malalo akong naiyak  ng marinig ang bata.

Halang ba talaga ang kaluluwa nila? Pano nila magagawa yon sa batang musmos? . Mga kampon sila ng mga demonyo. Alam kong wala akong karapatang sabihin ang mga ito dahil pumatay   na rin ako ng tao, pero ang bata pa nya para danasin itong lahat.

Ang sitwasyon ng bata ay malala. Ang mahabang buhok nito ay wala na.Ang balatv niya ay nalapnos ng sobra. Nangitim na sya at ang ibang daliri nya ay wala na.

Sa di inaasahang pagkakataon, nakahabol samin si  Frix." Bilisan mo!! Mamaya mahahabol na  nila tayo!!". Hinihingal nyang sabi.

Tumakbo lang kami pero hindi na isip na nasa isla pala kami.Narating namin ang pangpang at hindi na alam kung anong gagawin pa. " Pano na?".I Nervously ask frix. " Wait Lang." Sabi nya sabay umalis saglit.

Bumalik sya na may dalang inflatable boat at sagwan." San mo  yan nakuha?". Pagtataka kong tanong sa kanya ." Naisip  ko dati na baka may mangyari at kailangan nating umalis. Nagtago ako  ng inflatable boat sa mga halaman". Sagot nya.

Napangiti nalang ako at wala nang sinayang na oras, dahan-dahan kong hiniga ang bata sa boat tapos ay  sabay na kaming nagsagwan papalayo sa impyernong Isla.

Cult Of MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon