OLD MAN WORDS
The feeling of getting closer to the truth. The thrill of it, keeps me moving to grab the hidden answer.
" How?.. Patay na ba sya?". Nalilitong kong tanong sa kanya.
" No. I got my ways". A words utter in his mouth while holding the book in front of me.
Ang paraan na naisip nya ay madali lang.Kumuha sya ng libro at highlighter. Binigay nya ito kay Pastor R. Ipina high light ni frix ang mga words na gusto nyang sabihin sa pamamagitan ng libro.
Here is what he said:
' There's a man can help you.He is the former leader of the cult, Maximo.Balak nila siyang patayin dati kaso ay pinatakas at tinago ko sya.Siya lang nakakaalam ng 3rd hideout.He is in the cemetery in this city. A sepulturero.Tinanggal nila ang dila nya kaya ngayon hindi sya nakakapagsalita. Pero sa tingin ko makukunan ko sya ng impormasyon dahil may mga alam nya na hindi ko alam.The current leader now is very meticulous. Ayaw nyang i reveal ang location nya kahit sa mga kasamahan niya . Don't worry just mention my name, he will help you. He's also my uncle '.
Matapos namin itong malaman ay hindi na kami nag-aksaya ng oras. Pinuntahan namin agad sementeryo.Pagdating namin ay nagtanong-tanong kami sa taong naninirahan doon, pero walang nakakakilala sa kanya. Hanggang sa may batang lalake ang naglakas loob lumapit samin ni Frix.
" Alam ko po si Maximo. Kapitbahay po namin sya.". Sabi nito samin.Tinuro ng bata ang kinaroroonan nya. Isa syang matanda na may saklay. Payat din at may mahabang puting buhok.
Tinitigan lang kami ng matanda pagpunta namin sa kanya. Halatang alam na nya ang pakay namin.Pumasok ito sa kwarto at bumalik na may dalang papel at lapis. Inabot nya ito samin.
Nakasulat dito ang lahat ng alam nya at panghihinngi ng tulong upang mailigtas ang pamangkin nyang si Ray ( pastor R).
Ito ang nakasaad sa sulat:
' Nararamdaman ko na may taong darating at magtatanong tungkol sa kulto.Ang 3rd hideout ay nasa isang underground. Yon ang naalala ko dati nong dinala ako upang tangkaing patayin. Ang kultong pinamumunuan ko dati ay hindi ganito.May respeto kami sa buhay ng bawat tao. Nag-iba lang ang lahat ng dumating ang isang misteryosong babae. Sya ang nagkumbisi sa lahat na mali ang mga turo ko. Dahil dito napatalsik ako. Nagpatayo sila ng mga bagong hideout at wala na akong alam tungkol sa mga saktong lokasyon nila.Ang underground na sinasabi ko ay malawak na tapunan ng mga basura. Dito ay may kanal na malansang amoy.Yan lang ang natatandaan ko dahil nakatakas na ako bago ko pa nalibot ang lahat. Sa pagtakas ko sa labas ay buti nalang at nakita ko si Ray. Siya ang naghanap ng matataguan ko at masisilungan.Kay sana matulungan nyo syang makatakas sa kamay ng leader. Yan ang hinihiling Kong kapalit ng kooperasyon kon'.
" Salamat po". Sabay namin sinabi sa matanda, pagkaabot ng sulat. Tumango naman ang matanda at ngumiti.
" Huwag po kayong mag-alala, nasa pangangalaga na po ng pulisya si ray.Kailangan nyang pagbayaran ang mga kasalanan nya pero hindi po namin sya hahayaang masaktan pa. Gagawin rin po namin ang lahat upang maalis ang itinanim na bomba sa katawan nya. Pagnapagdusahan na nya lahat ay makakapag bagumbuhay po ulit sya". Comfort ni Frix sa matanda.
Umaliwalas ang mukha nito na tila ba nabunutan ng tinik. He's sobbing as he heard all the words Frix said. Habang nakikita ko ang mukha ng matanda, sa palagay ko ay napatawad ko na rin si pastor R. sa kasalanan nya.Kung tutuusin, Isa rin syang biktima ng totoo kampon ng kasamaan na si shine.
BINABASA MO ANG
Cult Of Murder
Mystery / ThrillerLieva Estaris. A new college graduate lady is having a celebration party with her parents at their house. But suddenly something happened. her parents, killed by someone in their own house, that person also attempted to kill her but failed. She wa...