Erykah Sunshine
.
Pakiramdam ko pagod na ang araw dahil walang katapusan ang dalawang araw na tambak sa trabaho. Minamadali ni Glenn ang lahat dahil tutulak na kaming Visayas sa mga susunod na araw.
Glenn was serious, cold and snob like usual. May napansin din ako sa kanya sa unang overtime namin. Hindi na niya suot ang wedding ring. Wala na ito sa kamay niya.
When I got home that night, I felt disappointed, but I tend to think on the good side. We are not in a serious relationship, and everything was agreed upon legally. There were no feelings involved, but why am I so affected?
Hindi kaya ako nakatulog nang gabing iyon, dahil iniisip ko kung ano ang nasa isip niya. Gusto kong magtanong, pero wala ako sa sitwasyon magtanong sa kanya.
Siguro okay na ulit sila ni Saber? Baka nga. Awkward naman kung may singsing siya sa kamay 'di ba? At ano pa ba ang papel ko kung ganun? Wala na.
Huling araw na ito at bukas ay pa Visayas na kami. Maaga ako ngayon sa opisina dahil gusto kong matapos ang lahat ng trabaho. Konti nalang din iyon, at ililigpit ko pa ang iilang damit na dadalhin ko. Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan kami roon, pero sinabi na niya na medyo matatagalan daw.
"Okay na ba ang lahat, Erykah?"
"Oo. Tapos na lahat, Ma'am." Nilingon ko si Ma'am Ellaine, ang HR. May kinuha ako sa kanya, at lahat purong mga importanteng papelis. Unutusan siya ni Glenn, at mukhang ito yata ang pagkakabalahan ko sa Visayas.
"That's good. I guess that's it. Good luck." She winked. "By the way, when do you think the project in Visayas will be over?"
Bumaba agad ang tingin niya sa kamay ko at sa sing-sing ko ito. Mukhang gusto niyang hulaan ko ito.
"Uhm, hindi ko alam, Ma'am eh. Pero siguro madali lang yata." Ngumiti ako, pero parang wala lang sa kanya ito. Halatang alam na niya. Ba't nagtanong pa!
"Is your husband okay with that, Erykah? I've heard from the people around the office that your husband is a foreigner. Hindi ba siya magseselos kay engineer?"
Umawang ang labi ko. Ibang klase nga naman ang mga chismosa ano!
"Uh, uh. I don't think so." I shook my head.
"Araw-araw naman ang video call namin, Ma'am Ellaine. At saka kilala ng husband ko si Engineer Glenn. Hindi iyon magseselos." Natawa na ako. Nakakatawa nga naman ito.
"That's good. I'm just worried. But there's nothing to worry anymore. I hope you will stay longer as a PA. Lahat kasi ng mga naging PA ni Engineer Glenn ay hindi nagtatagal, at ang panghuli ay ayon pinatalsik ng pamilya niya."
Uminit ang tainga ko. Hindi ko yata alam iyon ah. Aminin na natin. Maraming chismis sa opisinang ito, at hindi maganda ang iilan sa naririnig ko.
Some are happy that Saber, Glenn's ex-fiancé, is back, and the others are not. Some say Saber is a pathological liar and a good manipulator, while others say she's the perfect partner for Glenn. Whatever it is, I have no idea what happened to them. It's hard to judge and to commit a word because I wasn't sure about it.
"Bakit raw pinatalsik, Ma'am Ellaine?"
Heto na nga ba. Nagiging chismosa na rin ako.
Nilagay ko na sa kahon ang mga papelis at handa na ito. Ilalagay ko ito sa kotse mamaya dahil dadalhin namin ito papuntang Visayas.
"Bobo kasi. Madalas ang mga PA ni engineer ay walang utak. Naging PA rin niya si Saber. Siya yata ang panghuli."
Nahinto ako at naging interesado na sa chismis. Dinagdagan ni Ma'am Ellaine ang mg papelis, at ngumiwi akong saglit. Gusto ko sanang magreklamo dahil mukhang hindi ko yata kakayanin ang gabundok na trabaho sa Visayas. Pero naisip ko baka nga siguro magtatagal kami roon.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Secret Wife (MBBC#10)✅
RomansaUnder the Mondragon Billionaire's Boys Club MBBC#9 Mature content She's haunted by her past, and his heart is off-limits. They were never meant to cross paths, but when their lives collide, they find solace in each other's arms. Can they break the w...