I

398 32 9
                                    

When they arrived at the nearest hospital, tumawag agad sila Jhoanna at Gwen ng hospital staff para tulungan sila dalhin sa emergency room ang babaeng tinulungan nila. Nagdala agad ng hospital bed ang mga nurse at pinuntahan ang van nila.

"Ano po nangyare?" Tanong agad ng nurse.

Kinuwento naman ni Sheena ang nangyare, as in lahat. From naliligaw sila hanggang sa makarating sila sa ospital.

"Detailed na detailed, Sheena?" Asar ni Stacey sa bunso nilang kaibigan.

"Nagtanong eh, dapat specific." Iyon na lang ang sagot ni Sheena habang sinusundan nilang walo ang babae papunta sa loob ng ospital.

"Teka... mga ma'am, nasaan po yung main sugat niya?" Tanong ng nurse sa kanila.

"Ate, sumara nga po diba? Hindi ka po nakikinig." Sagot ni Sheena. Binatukan naman siya ni Colet dahil sa pabalang niyang sagot.

"Prank ba ito?" Nagtataka na ang nurse sa kanila.

"Miss, she's unconscious, okay? Just help her." Sumagot na rin si Mikha sa pag-aalala.

Pinanood na lang ng magkakaibigan kung paano gamutin ang babaeng tinulungan nila. Pinalabas na lang din sila ng nurse at pinapunta sa lobby para sagutan ang isang form.

"Guys, narinig ninyo ba ano name niya?" Tanong ni Aiah sa mga kaibigan. Siya kase sumasagot ng form.

Humindi naman silang lahat. "Paano natin sasagutin ito? We don't even know her name." Stress ni Aiah.

"Lagay mo na lang name mo." -Maloi.

"Siya ba yung pasyente? Ang bobo ah." Sagot ni Stacey kay Maloi.

"Okay na po ba tayo?" May lumapit na ibang nurse sa kanila, tinatanong about sa form.

"Sorry po, pero tinulungan lang po namin siya. We don't know her personally." Tumayo si Aiah at sumagot sa nurse.

"Wala po ba siya ID in her pocket?" Mikha asked.

"Beh, naka-suot nga ng pang-mental hospital." Gwen answered Mikha.

"Baka duon siya galing tapos naka-takas. Kaya siguro hinahabol din siya kanina ng mga lalaking iyon." Sabi naman ni Sheena.

"Wow! Story teller iyan?" -Stacey.

"May humahabol po sa kanya?" Usisa ng nurse at tumango silang lahat. "Sige po, tatawag na lang po ako ng mga pulis din para tulungan kami sa information niya. Maraming salamat sa pag-tulong ninyo sa kanya. Baka magtanong din ang mga pulis sa inyo kaya mag-hintay na lang muna kayo dito."

Tumango na lang sila at napa-upo ng umalis na ang nurse. "Yare tayo kay tito nito." Buga ni Jhoanna.

"Tumawag nga kanina eh." Lahat sila tumingin kay Colet.

"Ano sinabi mo?" Jho asked.

"Hindi ako katulad ni Shee na kinuwento lahat. Sinabi ko lang muntikan na tayo maligaw, pero pauwi na rin tayo." Sagot ni Colet sa mga kaibigan niya.

"Nagsinungaling ka pa kay tito?" Maloi scolded her.

"Bakit, hindi ba totoo yung naligaw tayo? Atsaka pauwi na rin naman tayo, after natin sabihin lahat sa mga pulis." Colet answered.

Pero na-distract lahat sila na puro patay-sindi ang mga ilaw dito sa hallway, kahit ang mga vending machine.

"Hindi ba sila nagbabayad ng kuryente?" Bigkas ni Sheena.

Napatingin sila sa ER na may sumigaw na sobrang lakas hanggang sa lumiwanag lalo ang mga ilaw at ang ilan rito ay pumutok. Napatili ang ilan sa kanila dahil sa pagsabog ng mga bumbilya.

Save Me (BINIxFemReader)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon