TUESDAY
Kinaumagahan, masayang gumising si Y/n mula sa kakatulog niya. Ito ang unang araw na mahaba at masarap ang kanyang pagkakatulog at pagpapahinga. Hindi niya akalain na ala-sais pa lang ng umaga at napaka-aga ng kanyang gising. Ang alis ng ilang magkakaibigan ay alas-otso o alas-nuebe pa. Naisip niya ng maghanap ng gagawin at tumayo na ito sa kanyang kama.
Muli, dahan dahan umakyat si Y/n mula sa basement para makaligo muna. Pagdating sa first floor, ay nakita niya si Aiah na naka pang-jogging na suot.
"Good morning po."
"Y/n!" Nagulat si Aiah sa bati ni Y/n. Napahawak tuloy siya sa kanyang dibdib. "Don't scare me like that." Napatawa naman siya.
"S-Sorry po. Hindi ko po sinasadya." Pumikit si Y/n at nainis sa sarili dahil sa hindi naman inaasahang pag-gulat niya kay Aiah.
"Kailangan ko po ba mag-push up? Ilan po? Pwede po kahit 50 lang?" Pagmamakaawa niya kay Aiah. Nag-iba ang ekspresyon ni Aiah at pinuntahan niya si Y/n.
"Hindi... Hindi mo kailangan gawin iyon. Ano ka ba? I just got startled." Hawak ni Aiah sa mga kamay ni Y/n. Napansin niya na magaspang ito at ilan ay kita ang mga galos niya.
Na-curious bigla si Aiah. "Why do you need to push-up? You didn't do anything naman." Tanong niya.
"Akala ko kase galit ka dahil sa ginawa ko. Ganon ang mga parusa ko noon." Malungkot na sagot ni Y/n ng maalala niya ang mga parusa pinapagawa sa kaniya ng papa niya.
Hinawakan ni Aiah ang pisnge ni Y/n at hinarap ito sa kanya. "Y/n, gusto ko lang sabihin na hindi kami katulad ng mga taong nanakit sayo dati. We're different. And I assure you na hinding hindi namin gagawin iyon sayo. We'll treat you like a person, not a lab rat."
Ngumit si Y/n sa mga sinabi ni Aiah at agad yumakap si Y/n sa kanya na kinagulat din ni Aiah. "Salamat. Sa pagtanggap ninyo sa akin." Hinigpitan lalo ni Y/n ang yakap kaya mas lalong nagka-dikit silang dalawa at napa-yakap din si Aiah sa kanya.
Lumayo ng konti si Y/n para makita niya ang reaksyon ng dalagita at lalong sumaya siya sa wala siyang nakitang galit o pandidiri sa kanya ni Aiah.
Habang si Aiah naman ay parang nalulunod sa mga mata ni Y/n. She felt peace and hope while staring at her brown eyes. Hanggang sa bumaba ang tingin niya sa manipis niyang labi.
"Ano pala pangalan mo?" Tanong ni Y/n sa kanya.
"Aiah."
"Aiah, napakaganda. Bagay po sa inyo. Aiah, pwede po ba makipag kaibigan sa iyo?" Inosenteng tanong ni Y/n na kinatawa ng mahina ni Aiah.
"Ano ka ba? Akala ko magkaibigan na tayo simula noong linigtas ka namin? Pero oo, Y/n. Gusto kita maging kaibigan." Masaya din sinagot ni Aiah si Y/n.
Dahil sa masayang ekspresyon ay bigla kinarga ni Y/n si Aiah at inikot ikot ito na parang mga bata. Puno ng tili at katuwaan sila ng bigla may tumigil sa kanila.
"Ang aga-aga ang iingay ninyo." It was Colet. Coming down from the stairs while rubbing her right eye.
Binaba naman agad ni Y/n si Aiah at tumingin ito kay Colet. "Aiah, ano ulit pangalan niya?" Bulong ni Y/n kay Aiah.
"Siya si Colet."
"Nicolette ang tawag mo sa akin. Hindi tayo close para tawagin mo kong Colet." Utos ni Colet sa kanya na bigla nawala ang masayang ekspresyon ni Y/n.
"Col, grabe ka naman. Huwag mo naman ipahalata na ayaw mo sa kanya." Saway sa kanya ng ate Aiah niya.
"Ayaw ko naman talaga sa kanya. Baka saktan pa niya ako." Deretsang sagot ni Colet kahit alam niyang masasaktan si Y/n sa mga sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
Save Me (BINIxFemReader)
FanfictionWhen the eight friends were driving back from La Union, an unexpected woman jumped in front of their car, looking suspicious and dangerous. Yet the girl is broken and hurt from her visible wounds. The eight girls decided to bring her and treat her w...