IX

251 30 1
                                    

FRIDAY (5:12 pm)

Pauwi na si Stacey mula sa work niya. Excited na siya umuwi para makita niya muli si Y/n. Sa katunayan, umami siya sa sarili niya na nagkaka-gusto na rin siya sa dalaga kahit na ilang araw pa lang nila nakilala siya.

Maganda ang pinakita ni Y/n sa kanilang walo. At nagkaroon iyon ng effect kay Stacey. Bonus lamang ang kagandahan at ka-gwapuhan ni Y/n. Mabuti ang kanyang puso at inaalala ang mga taong importante sa kanya.

"Hatid na kita, Staks." Sabi ng matagal na niyang kakilala na si Emman. May malaking crush siya kay Stacey pati na rin sa mga kaibigan nito. Pero ang turing lang ng walo sa kanya ay kaibigan lamang din.

"Okay lang Em, bibili pa sana kase ako ng ice cream para kay Y/n babycakes ko." Kinikilig na sagot ni Stacey sa binata.

"Bukang bibig ninyo iyang Y/n na iyan. Baka manloloko iyan, saktan ka pa." Hindi matago ang selos ni Emman habang sinusundan si Stacey.

"Hoy! Ibahin mo babycakes ko. Siya ang pinaka gentlewoman na nakilala ko. Maganda na nga, gwapo pa! Hinding-hindi ako sasaktan iyon." Dipensa ni Stacey sa kaibigan nilang si Emman.

Sasagot na sana si Emman ng biglang may humintong puting van sa harap nila sa labas ng building na pinagta-trabuhan nila. Lumabas ang mga naka-mask na lalaki at may hawak na baril. Sa takot agad lumayo sila Stacey at Emman pero mabilis hinatak ng mga lalaki si Stacey.

"Emman!" Sigaw ni Stacey.

Umatake ng suntok si Emman pero hindi niya ito natamaan. Naka-tanggap agad siya ng malakas na suntok at tinuhuran siya sa tiyan kaya bagsak ang binata agad.

"Tulong!"

"S-Stacey..." Nanghihinang tawag ni Emman.

Lumaban si Stacey pero sinampal naman siya ng isang lalaki at hinagis siya papasok ng sasakyan. "Tulong! Tulungan ninyo ako--"

"Manahimik ka!" Hinampas sa batok ni Stacey ang baril na hawak niya at bumagsak na lamang ang katawan ni Stacey at napapikit na lang.

"Sure ka siya iyon?" Tanong ng isang lalaki sa boss nila.

"Oo. Siya ang tumulong kay 009. Tawagin mo si dok." Utos ng lalaki at nagsimula na silang umalis.

"For sure, pupunta si Y/n sa compound ulit." Naka-ngising sabi ng lalaki habang tinitignan ang walang malay na si Stacey.

--**--**--**--

"Out of reach si Stacey." Kabado na ang walo ng sinabi ni Y/n na narinig niya si Stacey at nasa delikadong lugar siya ngayon.

"We should call the police." Suggestion ni Mikha pero umangal ang mga kaibigan niya.

"Baka kung ano pa mangyare kay Stacey pag tumawag pa tayo ng pulis. Atsaka risky iyon para kay Y/n din." Sagot ni Jhoanna kay Mikha.

"Pupuntahan ko siya." Pahayag ni Y/n na mukhang seryoso siya. Lalabas na sana siya pero hinarangan siya ni Aiah.

"I'll go." Sabi ni Aiah na kina-kunot ng ulo ni Y/n.

"Hindi. Delikado para sayo."

"And so you are. Ako ang nakakatanda sa aming walo, kung sino man ang dapat kumilos dito ay dapat ako iyon. Nasa panganib ngayon ang aking kaibigan and as their ate, I should come with you." Matapang na loob sagot ni Aiah. Natahimik naman ang lahat sa sinabi niya.

"Ako din, sasama ako. Hindi lang kaibigan turing ko kay Stacey. Pamilya ko na rin siya. Nakakatanda din ako kaya kailangan ko tumulong." Sumali na rin si Colet kay Aiah.

"Ako din sasama."

"Ako rin."

"Stacey need us, so I'll come too."

Save Me (BINIxFemReader)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon