a/n: Warning! Wala pang edits ito kasi minadali ko hahahaha! Pa-comment if there are mistakes. Thanks! Enjoy~~
"Hala ka!" Hinatak agad ni Sheena patago si Y/n papasok sa kanilang bahay at sumisilip sa bintana.
"Kilala ninyo siya?" Bulong ni Y/n habang nanonood kila Maloi at sa hindi niyang kilala na lalaki.
"Tito namin siya, si tito Lauren. Siya may ari ng bahay nito at hinayaan lang kami manirahan dito." Explain ni Sheena kay Y/n.
"Eh bakit nandito siya ngayon? Bakit tayo nagtatago?" bulong muli ni Y/n at pinanood nila na pinapasok na ni Maloi ang kanilang tito. Agad naman hinatak ni Sheena si Y/n paakyat sa mga kwarto nila.
"Ikaw lamang ba nandito?" Tanong ng tito Lauren nila kay Maloi. Halata kay Maloi ang kaba.
"A-Ano po... aahh..." Hindi alam ano sasabihin ni Maloi sa matandang lalaki.
"Tito!" Napatingin naman ang dalawa sa hagdan. Halata din kay Sheena na kinakabahan siya habang pababa sa hagdanan. "Mano po, tito!" Nagmano naman si Sheena dito.
"Oh, wala kang review class ngayon? Kayong dalawa ang nandito ngayon ah." Sabi ng tito nila. Tinitigan naman ni Maloi si Sheena na parang nagtatanong kung nasaan si Y/n.
"Wala naman po. Surprise visit ata po kayo ngayon, tito." Kamot sa batok ni Sheena habang nagtatanong.
"Ano po pala sadya ninyo, tito?" Tanong din ni Maloi.
"Well, I heard a news na may nangyare daw dito sa loob ng village natin. Something weird, I suppose. I am just checking if you girls are fine." Explain ng Tito Lauren nila habang tinitignan ang kanilang bahay.
"News? Anong news po?" Sunod naman ni Maloi, habang si Sheena ay agad umakyat para i-check kung kamusta na si Y/n.
"The news is about this strange kid na may superpowers daw. Napadaan nga ako kung saan nangyare, sa store nila Aling Bebang daw. Actually, she's the one who told me about this. Nakita niya sila Stacey at Colet with that kid." Mas lalong kinabahan si Maloi dahil sa sinabi ng tito niya.
Iyon ang araw na na nag-away sila Stacey, Colet, at si Y/n. "Gusto ko ma-check ang kwarto ninyo." Pahayag ni Tito Lauren at agad naman naglakad papunta sa hagdan.
"Nako tito, wait lang po! Ano kase... madumi pa ang mga kwarto namin. N-Ngayon pa lang kami maglilinis ni Sheena po." Pagpipigil ni Maloi sa tito Lauren nila.
"Kilalang kilala ko na kayong walo, Yves. Alam kong kwarto lang nila Gwen, Mikha, at Aiah ang maayos. Pero, gusto ko pa rin makita kung mayroon ba kayong tinatago sa akin." Sabi ng matandang lalaki pero pilit pa rin pinipigilan siya ni Maloi.
"W-Wala naman kaming tinatago tito. Promise po!"
"Last time I checked, may tinatagong alak si Mikha sa room niya. I want to know if something worst ang ngayong tinatago ninyo."
"Pero tito-"
"Mary Loi Yves Ricalde, gusto mo ba tawagin ko mama mo?" Paghahamon niya kay Maloi. Alam ng tito nila na takot ito masumbong sa mama niya. Dahil kung marinig man na may kakaibang ginagawa si Maloi dito sa Manila, ay agad papa-uwiin siya sa kanilang probinsya.
Walang nagawa si Maloi at hinayaan na lang si Tito Lauren nila. Hinihiling na hindi mabisto si Y/n.
Isa-isa binuksan at chineck ni Tito Laure ang mga kwarto ng magkakaibigan.
Habang sila Y/n at Sheena ay nakatago sa cabinet ni Jhoanna at tahimik lamang. Narinig ni Sheena na paakyat na ang tito nila kaya hinatak at nagtago na lamang sila sa cabinet ni Jhoanna. Kilala na ni Tito Lauren si Jhoanna, kaya madalas kinakalimutan niyang i-check ang kwarto ni Jhoanna.
BINABASA MO ANG
Save Me (BINIxFemReader)
FanfictionWhen the eight friends were driving back from La Union, an unexpected woman jumped in front of their car, looking suspicious and dangerous. Yet the girl is broken and hurt from her visible wounds. The eight girls decided to bring her and treat her w...