X

210 31 2
                                    

SATURDAY (12:47 am)

"Aiah... Umalis na kayo dito." Seryosong utos ni Y/n sa panganay na magkakaibigan. Hindi niya ito tinapunan ng tingin sapagkat seryoso siya tinitignan ang tila'y sarili niya.

"Pero Y/n--"

"Dalhin ninyo na si Stacey sa ospital. Kailangan na siyang gamutan." Kontra muli ni Y/n.

"It's dangerous for you too Y/n if we leave you here." Reklamo na rin ni Mikha dahil ayaw niya iwan ang dalagita dito.

"Susunod ako. Basta umalis na kayo." Sagot ni Y/n at tumingin na siya sa walong dalagita. "Kapag nag-tagal pa kayo dito, hindi lang si Stacey ang masasaktan. Sige na."

Sasagot na muli si Mikha pero napatakip sila ng tenga dahil sa lakas na sigaw ng kalaban ni Y/n. Napa-tingin naman siya sa clone niya at halatang galit na ito sa kanya.

"Sige na! Umalis na kayo!" Utos nito at tinignan ng masama ang kalaban niya.

"Halika na, Mikha. Stacey also needs us." Hatak ni Gwen kay Mikha na ayaw pa umalis sa kinakatayuan niya.

Naka-alis na ang mag-kakaibigan at napanatag bigla si Y/n duon.

Naglakad ito papalapit muli sa compound at napansin niyang masaya ang papa niya. "Hindi tayo aabot sa ganito Y/n kung hindi ka mag-stay na lamang dito, where you truly belong." Sabi ng matandang doktor.

"Sinaktan mo ang aking kaibigan." Seryoso pero may halong galit ang mga sinabi ni Y/n habang papalapit sa kanila. "Mananagot ka sa ginawa mo!" Inis na sigaw ni Y/n.

"Let's see if you're going to defeat yourself. Number 10, kill her." Utos ng doktor at tila nag-activate ang clone version ni Y/n.

Nag-simula na mamula ang mata ng clone ni Y/n at linaser si Y/n. Pero naka-iwas ito at lumipad papunta si Y/n sa kalaban niya. Una ay sinipa niya ito at tumalsik sa pader. Gamit ng malakas niyang power, sinuntok niya ang clone niya pero tumama lang sa pader at nakatas ang kalaban.

Bumawi ang clone ni Y/n ng malakas na suntok at tumalsik din siya patungo sa mga sasakyan. Sa inis ni Y/n, binato niya ang malaking armored truck patungo kay number 10 pero nahati ang sasakyan sa kalahati sa pamamagitan ng laser.

Dahil sa superspeed ni Y/n, kinaladkad niya ang clone version niya at hinagis papasok sa compound. 

Sa sobrang pag-gamit ni Y/n sa mga kapangyarihan niya, patuloy tumutulo ang dugo niya mula sa ilong niya.

Habang naka-handusay pa ang clone niya ay nag-simula siya i-heal ang sarili niya.

Pero napahinto siya na may bumaril sa kanya na mga guwardiya sa kanya. Tuloy-tuloy lamang sila na barilin si Y/n hanggang sa maubusan na sila ng bala.

Mag-rereload na sana sila pero napansin nila na tumayo si Y/n at parang lumalabas ang mga bala binaril nila mula sa katawan niya.

"Talagang iniinis ninyo ako." Nang-gagalaiting sabi ni Y/n sa mga guard.

Tinaas ang kanyang dalawang kamay at gumamit ng powers niya para ihagis ang mga katawan nila papasok muli sa elevator. Ang mga bakal ay unti-unting lumalapit sa kanila kaya sumisikip. Sumisigaw ang mga guard dahil sa pagkaka-ipit nila. Sa galit na nararamdaman, gusto na patayin ni Y/n ang mga ito.

"Isa kang superhero. Linigtas mo na ako. Hindi mo na kailangan saktan o patayin sila."

Naalala ni Y/n ang sinabi sa kanya ni Colet noong linigtas niya siya.

"Y/n, kahit kakaiba ka sa amin, maraming hahanga sayo kung gagawin mo kung ano ang tama. At iyon ang pag-control sa powers mo, at pag-save na rin sa mga nanganga-ilangan."

Save Me (BINIxFemReader)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon