"Nasaan si Y/n?" Tanong ng matandang lalake ng dumating ang grupo na dapat humuli kay Y/n. Puro sugatan ang mga ito.
"We tried our best to get her, pero mas lalong lumakas siya, Doc." Sagot ng lalaki sa matandang doktor.
"That's the problem. She gets more powerful dahil hindi natin siya namo-monitor. Magiging delikado siya sa lugar na pupuntahan niya." Tumayo ito mula sa kinakaupuan niya at pinakita ang isang video na nagbabalita tungkol sa linigtas ni Y/n kagabi.
"Ayaw ko sa lahat, nagiging public na ang gawa ko. Hanapin ninyo siya at ibalik dito sa compound. Kung hindi, ikaw ang isusunod ko ilalagay sa panic room." Pananakot ng matandang doktor sa mga tauhan niya.
"Per doc-" Hindi na natapos ang sasabihin ng lalaki dahil binaril na siya ng matandang doktor.
"Find her... and bring her to me. Alive." Utos niya muli sa ibang lalake at halatang natakot naman ito sa doktor.
"Yes po, doc." Agad na umalis ang ilang lalaki at bumalik para hanapin si Y/n.
--**--**--**--
WEDNESDAY
Pinanood nila Aiah at Jhoanna ang isang balita sa tv tungkol sa nangyare kagabi. Isang building ang sumabog na hindi pa rin alam ang kadahilanan. Ito ay nagka-cause ng small earthquake sa kalapit na lugar sa building na ito. Napansin din nila ang isang hindi kilalang tao na lumilipad papalayo sa isang tulay.
"Si Y/n ba iyon?" Tanong ni Jho.
"Shit! Hindi pwede." Sagot na lang ni Aiah kay Jhoanna.
Umaga na at nagpahinga na rin sila Colet at Y/n. Nag-insist ito na tabihan si Colet sa pagtulog. Una ay tutol ang ilan pero sumunod din si Y/n dahil gusto din ni Colet makatabi siya.
Umakyat sila Jho at Aiah sa kwarto ni Colet at kumatok muna sila bago pumasok. Nang bumukas ang pintuan, si Y/n ang una nilang nakita na gising na habang si Colet ay mahimbing pa ang tulog.
"Good morning po." Masayang bati ni Y/n sa dalawa.
Pumasok naman sila Jho at Aiah sa loob at sinara nila ang pintuan. "Y/n, pwede ba tayo mag-usap?" Tanong ni Aiah sa kanya.
Tumango naman ito at sinundan niya ang dalawang magkaibigan sa balcony ng kwarto ni Colet. "Saan ka nanggaling noong umalis ka kagabi? Yung hindi mo pa liniligtas si Colet?" Tanong agad ni Jho kay Y/n.
"Hindi ko po alam eh. Basta napadpad ako sa isang tulay, duon muna ako nanatili. Babalik na sana ako pero may babaeng bigla lumitaw duon at gusto magpakamatay. Tinulungan ko siya bumaba at sinabihan na huwag niya gagawin iyon." Kwento ni Y/n sa dalawa.
Nagkatinginan naman sila Jho at Aiah na masaya sa nalaman. "Y/n, you saved someone. Isa ka ngang superhero!" Masayang sinabi ni Jho sa kanya.
"Ta-Talaga po? Linigtas ko siya?"
"Oo. Pero nasa balita ka na. Ibig sabihin iyon, everyone wants to see and look for you. Kaya, kung pwede... dito ka muna. Babatayin ka naman ni Jhoanna ngayon araw. She's going to accompany you naman. Let's wait first till the news is gone, okay?" Utos ni Aiah sa kanya at naintindihin naman iyon ni Y/n.
"Opo, Aiah. Magiging delikado hindi lamang ako, pati kayo kung lumabas man ako. Hindi ko hahayaan mangyari iyon sa inyo." Ngumit si Y/n kila Jho at Aiah, muli ay parang may kakaibang pakiramdam si Aiah tuwing tumitingin sa kanya si Y/n.
BINABASA MO ANG
Save Me (BINIxFemReader)
FanfictionWhen the eight friends were driving back from La Union, an unexpected woman jumped in front of their car, looking suspicious and dangerous. Yet the girl is broken and hurt from her visible wounds. The eight girls decided to bring her and treat her w...