Naglakad palayo si Aiah habang kinakausap niya ang sarili. "Hindi. Hindi pwede ito." Hindi makapaniwala ang dalagita sa nakita niya.
Iniwan niya si Y/n sa dalampasigan at nag-tungo muli sa kwarto niya. Gulong-gulo muli ang utak at isipan ni Aiah nang makita niya muli, after 2 months, si Y/n.
Agad kinuha ni Aiah ang mga gamit niya at nag-tungo sa kanyang sasakyan. Gusto na lang niya umalis at iwan si Y/n dito.
"Brownie! Halika ka nga dito! Itong aso na ito- ay! May tao!" Rinig ni Aiah sa dalampasigan muli ng may makita siyang dalawang matanda malapit sa katawan ni Y/n.
Sumakay na lang si Aiah sa sasakyan at hinayaan na lang si Y/n.
Pero hindi lamang ang isipan niya ang naguguluhan, pati na rin ang puso ng dalagita.
"Tawag tayo ng ambulansya. Baka nadaganan itong batang ito." Rinig muli ni Aiah. Tumingin siya sa side mirror niya at nakita na ginigising ng dalawang matanda si Y/n.
"I hate you, Aiah!" Inis na sabi ni Aiah sa sarili niya. Walang nagawa at lumabas na ito sa kanyang sasakyan para puntahan si Y/n.
"Eh kay bigat naman itong batang ito. Caloy tawagin mo na lang si Pepe para tulungan tayo." Sabi ng isang matandang babae sa matandang lalake.
"Hello po. Ako na po bahala sa kanya." Agad sabi ni Aiah ng makalapit siya sa dalawang matada at kay Y/n.
"Iha, kilala mo ba ito? Nakita na lang namin siya dito. May naramdaman namang pulso ang asawa ko sa batang ito." Sabi ng matandang babae.
"Opo, kilala ko po iyan. Ako na po mag-dadala sa kanya sa ospital. Nalasing lang po iyan kaya nakahandusay po iyan diyan." Sabi na lang ni Aiah sa dalawa.
"Kaano-ano mo ba ito, iha? Kaibigan mo ba?" Tanong naman ng matandang lalake.
"Hindi po." -Aiah.
"Kapatid mo ba ito?" Tanong naman ng matandang babae.
"Hindi rin po eh." Sagot muli ni Aiah sa dalawa.
Nagka-tingin naman ang mag-asawa at sabay na nagsabi ng "Aahh..." tumatango pa sila sa isa't isa na kina-abala naman ni Aiah.
"Bakit po?" Takang tanong ni Aiah.
"Alam na namin kung ka-ano-ano mo ang batang ito." Sabi ng matandang lalake.
"H-Hindi ko po maintindihan." -Aiah.
"A-Aiah..." Napa-tingin naman silang lahat kay Y/n na nagsimulang gumalaw at tawagin ulit si Aiah.
Bigla nalang kumilos ang mga paa ni Aiah at lumapit kay Y/n. Napansin niya ito na puro galos at sugatan din. "Sigurado ka ba iha na okay lang siya? Eh mukhang may sumaktan sa kanya." Pag-aalala din ng matandang babae.
Hinaplos ni Aiah ang mukha ni Y/n at agad ito na-awa sa kalagayan niya. "I-dadaan ko na lang po siya sa ospital, pero alam ko pong okay lang siya." Sagot ni Aiah at humarap ito sa dalawang matanda.
Tumingin din muli siya kay Y/n. "She's the strongest person I've known. That's why she is fine po." Dagdag ni Aiah.
"Babae pala ang kasintahan mo, iha." Rinig ni Aiah na komento ng matandang lalake kaya napatingin siya agad sa mag-asawa.
"Po?" Takang tanong niya.
"Okay lang iyon, anak. Basta nag-mamahalan kayo ay ayos lang sa amin. Bakit pa kami maghu-husga kung siya ang mahal mo, diba? Eh hindi naman namin kayo kilala." Explain naman ng asawa ng matanda lalake.
"H-Hindi po. H-Hindi ko po siya g-girlfriend." Na-uutal na sagot ni Aiah na tila bakas din ang pamumula niya sa mga sinabi nila.
"Oh siya, tulungan na lang namin kayo na dalhin sa ospital itong kasintahan mo- ay este kung sino man siya sa iyo." Sagot ng matandang lalake at tinangkang kargahin si Y/n.
BINABASA MO ANG
Save Me (BINIxFemReader)
FanfictionWhen the eight friends were driving back from La Union, an unexpected woman jumped in front of their car, looking suspicious and dangerous. Yet the girl is broken and hurt from her visible wounds. The eight girls decided to bring her and treat her w...