II

320 33 3
                                    

MONDAY

Habang tulog pa si Y/n, nagsi-alisan na ang ilang magkakaibigan at hindi na nila hinintay magising si Y/n, kahit si Maloi ay wala na nagawa dahil hinatak na siya ni Sheena paalis. Naiwan lang sila Gwen at Mikha dito, hinihintay magising si Y/n.

Si Gwen ay busy magluto ng umagahan ni Y/n, habang si Mikha naman ay busy magp-prepare ng mga board games, movies, at art materials para hindi ma-bored si Y/n habang binabantayan nila siya.

"Gising na ba siya?" Tanong ni Gwen kay Mikha habang hinahain ang linutong hotdog, itlog, at fried rice.

"Mukhang hindi pa. Puntahan at gising ko na?" Tanong ni Mikha sa kaibigan niya.

"Wait mo ko. Sabay tayo gumising sa kanya. Baka ano pa mangyare sayo." Tinignan lang ni Mikha si Gwen. "Bakit? We're being cautious lang, Mikha." Dagdag ni Gwen dahil sa makahulugang tingin ni Mikha sa kanya.

Inikot lamang ang mga mata ni Mikha at hinintay si Gwen. "Whatever."

After tanggalin at binalik ang apron na suot ni Gwen, sabay silang dalawa bumaba sa basement para gisingin si Y/n. Nang makarating sila sa basement, nakita nila ang higaan na walang Y/n. Nag-aalala bigla ang dalawa.

"Y/n!" Tawag nila at hinanap sa buong basement si Y/n. Hindi ito sumasagot sa tawag nila hanggang sa nakita ni Gwen si Y/n sa lumang banyo nila dito sa basement. "Y/n, nandyan ka pala." Sabi nito.

Nang lumingon si Y/n kay Gwen, nanlaki ang mata ni Gwen at namula. 

Kilala si Gwen bilang tahimik sa magkakaibigan, kaya laking gulat ni Mikha na bigla ito napatili. "Gwen! Bakit? Nakita mo na si Y/n-" Pumunta si Mikha sa gawi ni Gwen at nakita din niya bakit ito gulat na gulat.

Si Y/n ay nakahubad na nakatingin sa kanila. "Shit!" Tumakbo si Mikha sa kama at kinuha ang kumot at binigay ito kay Y/n. Aminadong namumula din si Mikha sa nakita niya.

"A-Ano ba ginagawa mo, Y/n? Why are you all naked?" Sita ni Mikha habang binabalot niya si Y/n ng kumot.

"Nasira ko yung damit pinahiram ninyo sa akin. Patawad." Pagpapa-umanhin ni Y/n sa dalawang dalaga. Si Gwen ay tulala pa rin, prino-process ang kanyang isip sa nakita niya kanina.

Ang katawan ni Y/n ay puno ng sugat at galos, pero hindi rin maiwasan ang maganda niyang katawan. Tama nga ang sinabi ni Maloi kahapon, may abs ito.

"H-Hahanap a-ako ng extra." Iyon na lamang ang sinabi ni Gwen at tumakbo paakyat sa kwarto nila.

Si Mikha naman ay hindi rin maiwasan ang nakita niya. Hindi niya maisip na sa ganda ni Y/n ay pinaglaruan at binaboy siya ng kanyang sariling ama. "G-Gusto mo ba m-maligo?" Nauutal na tanong ni Mikha.

Tumango lang si Y/n na napaka inosente na parang walang nangyare. "S-Sige. But there's no water here. Duon ka na lang sa main bathroom." Mungkahi ni Mikha sa kanya at sumunod na lamang ito habang tinatakpan ang hubad katawan ni Y/n.

Habang umaakyat ay nakasalubong nila si Gwen na maraming dalang gamit. "Bakit andami naman?" Tanong ni Mikha sa kanya.

"Hindi ko alam kung kakasya yung damit ko sa kanya." Sagot ni Gwen sa kaibigan.

"Alright, I'll find some of my oversized clothes. Baka magkasya." Sagot ni Mikha. "Help mo muna siya pumunta sa bathroom para makaligo si Y/n." Utos din ni Mikha kay Gwen.

Sinamahan din agad ni Gwen si Y/n habang si Mikha naman ay pumunta sa kwarto niya. Tangkang isasara na ni Gwen ang pinto ngunit pinigilan siya ni Y/n. "I-Iwan mo ko?" Natatakot na tanong ni Y/n.

"Hindi, nandito lang ako sa labas." Pagsisigurado ni Gwen.

"P-Pwede samahan mo ako?"

"H-Huh?!"

Save Me (BINIxFemReader)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon