IV

492 42 6
                                        

Nakaupo sa isang mataas na tulay si Y/n habang ito ay umiiyak. Dito siya napadpad ng tumakas siya mula sa bahay ng walong magkakaibigan. Gusto lamang ni Y/n na tumulong din. Maramdaman ang pagmamahal ng hindi niya naramdaman noong nakakulong siya.

She has a soft yet a brave heart. Lumaki si Y/n na pinag-eksperimentuhan ngunit may ilang bagay na natutunan din siya habang nakakulong. Kaibigan ang naging pamilya niya duon, ngunit isa-isa nawala ang mga ito sa walang kaalaman si Y/n kung bakit.

Ngayon na nahanap niya muli ang mainit na pagtanggap sa kanya ng ilang magkakaibigan, naging panatag ito at handang iligtas at ilayo silang walo sa kapahamakan. Ngunit sa nangyare kanina at pag bintang sa kanya, hindi niya napigilan na masaktan muli.

"Ano ba dapat ko gawin para makuha ko ang loob ni Nicolette?" Tanong ni Y/n sa sarili niya.

Iyon lang naman ang hangarin niya, maging maganda ang pakikitungo sa kanya ni Colet. Okay na hindi na sila magkaibigan, basta tanggap siya.

Tumayo si Y/n sa railings at tinignan ang mga barko na dumadaan sa ilog. Huminga ito ng malalim at nag-isip na balikan muli ang magkakaibigan. Ngunit napahinto siya ng biglang may sumulpot na tao sa tabi niya na umiiyak din at tinapon ang kanyang bag sa ilog.

Paano naka-akyat ito dito? Tanong ni Y/n sa sarili. Nasaksihan niya na mas lalong lumapit siya sa edge ng tuktok ng tulay. "A-Ano gagawin mo?" Nagulat ang isang babae ng magtanong sa kanya si Y/n.

"P-Paano? How did you get here?" Tanong sa kanya ng babae na umatras konti sa bingit.

"Dito ako lumapag." Sagot naman ni Y/n.

"Lumapag? You mean you landed here? From where? Nag-helicopter ka?" Takang tanong muli ng hindi kilala ni Y/n.

"Hindi. Lumipad ako. Umalis ako sa bahay ng mga kaibigan ko. Nasaktan ko sila." Malungkot na binigkas ni Y/n habang nakatingin sa baba ng tulay.

"Lumipad? Fuck. Maybe I am crazy. I should end my life now."

"T-Teka! Bakit mo gagawin iyan?" Pigil ni Y/n sa babae na umabante malapit sa bingit.

"Why do you care? Mind your own business." Sagot sa kanya.

"P-Pwede mo naman ilabas iyan problema mo sa pamamagitan ng pakikipag-usap."

"I don't have anyone else to share my problems with." Nagsimula na umiyak ang babae na gustong tumalon mula sa tulay.

"Ako... pwede naman ako..." Nahihiyang sagot ni Y/n sa kanya.

"Hindi naman kita kilala."

"Dapat po ba kilala mo ko? Sige, magpapakilala ako. Ako si Y/n. Uhmm... hindi ko alam kung ilan taon na ako. Hindi ko rin alam kung saan ako nakatira. Basta ang alam ko, may mga kaibigan ako na lubos nila akong tinanggap hindi dahil sa may kapangyarihan ako, kundi dahil tinuring nila ako bilang isang tunay na kaibigan nila. Except nga lang sa isa. Iyon lamang ang kaya ko ilahad sayo. Dahil iyon lamang ang alam ko tungkol sa sarili ko." -Y/n.

"Ang haba ng sinabi mo. Because of that, I have many questions tuloy tungkol sa sinabi mo." Reklamo naman ng babae sa sinabi ni Y/n.

"Okay, pwede natin iyon pag-usapan. Basta bumaba na tayo dito." Linahad ang kamay ni Y/n patungo sa babae. Dahan-dahan lumalapit ito.

Hanggang sa biglang nagkaroon ng pag-uga sa bakal na tinutungtungan nila. May nakita din sila na malaking pagsabog sa hindi kalayuan dito sa tulay. Lumakas lalo na parang nagkaroon ng earthquake kaya nadulas ang tinutulungan niyang babae at buti ay nakahawak ito agad.

"Help!" Sigaw ng babae na umagaw ng pansin sa mga taong dumadaan din.

"May babae duon sa taas!" Sigaw ng ilang tao.

Save Me (BINIxFemReader)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon