TW: Blood, Slight Gore, Sexual Assault
Naglalakad na lamang si Y/n sa kagubatan at hinahanap kung saan siya pwede maka-alis dito.
Malungkot at mabigat ang pakiramdam ng dalagita sa nangyari sa kanya. Hindi niya pa rin maintindihan na halos dalawang buwan siyang nawala.
"Ano ba ginawa ko at bakit galit sa akin si Aiah?" Tanong ni Y/n sa sarili.
Napatingin naman sa kaitasan si Y/n nang may narinig na tunog ng helicopter malapit sa kinaroroonan niya.
Tumakbo agad siya at sinundan ang mga helicopter. May nakita na siyang labasan ng kagubatan at nasaksihan ang mga sundalo na nagtatayo ng tent sa paligid ng kagubatan.
Malapit lamang ito sa dalampasigan kung saan siya bumagsak mula sa kalawakan.
Nagtago sa malaking puno si Y/n at pinanood ang mga taong nag tatayo ng kampo.
"Make sure walang makakapasok na civilian dito. This is a government property now." Rinig niya sa isang sundalo na mukhang lider sa operasyon na ito.
"Ano kaya ang gagawin nila dito?" Bulong ni Y/n sa sarili. "Kailangan ko na umalis. Pero saan ako dadan nang hindi ako nakikita?" Tanong muli niya.
Umatras si Y/n sa puno pero natapilok ito.
"Sino ang nandiyan?" Narinig ni Y/n na may sundalong pumupunta sa kanya.
"Huwag ninyo po ako saktan." Sabi ni Y/n at tinaas ang kanyang dalawang kamay para sumuko.
Tinutukan ng sundalo si Y/n ng baril nito. "Sino ka? Ano ginagawa mo dito?" Madiin na tanong ng sundalo.
Hindi na lang sumagot si Y/n at agad tumayo ito para tumakas pero hinawakan siya agad ng sundalo.
"Sandali! Dito ka lang!" Huli na ang lahat ng biglang tinulak ng malakas ni Y/n ang lalaki.
Napansin ito agad ng mga kapwang sundalo na nasaktan ang lalaki.
Tumakbo ng mabilis si Y/n pabalik muli sa kagubatan kung saan hindi na siya naabutan ng mga sundalo.
Sa sobrang bilis niya hindi niya namalayan na nasa highway na siya at nakalabas na muli sa kabilang dulo ng kagubatan.
Pero tumalsik din si Y/n dahil tumama siya sa railings at bumagsak muli sa daanan.
Ang mga sasakyan ay napatigil dahil sa nakita nila.
Nasaktan naman si Y/n sa nangyare sa kanya at muli tumayo dahan-dahan.
"A-Ayos ka lang?" Tanong ng isang driver na lumabas sa sasakyan niya. Napansin nito na may isang bakal na naka tuhog sa tiyan ni Y/n.
"I-I need to call a-an ambulance." Takot na nandidiri sabi muli ng lalaki at kinuha ang telepono sa loob ng sasakyan niya.
Napansin na ni Y/n na maraming taong nasa paligid niya at vini-videohan siya.
Tinignan ni Y/n ang naka-saksak sa tiyan niya. Pilit niyang tinanggal ito ng dahan dahan habang tumatalsik ang dugo niya.
Maraming tao ang umiwas ng tingin dahil sa nakaka-diring ginawa ni Y/n.
Nang matanggal niya ay linagay ang kanyang kamay sa butas at lumiwanag ito. Tila nawala ang sugat at mukhang walang nangyare sa kanya.
Maraming nakasaksi iyon. May ilan humanga pero mayroon ilan ay natakot. Tinignan ni Y/n ang mga tao at parang nahihiya siya sa mga titig nila sa kanya.
May narinig muling helicopter si Y/n na paparating sa lugar niya. Kaya agad na lumipad ito at umalis sa kinaroroonan niya ngayon.
BINABASA MO ANG
Save Me (BINIxFemReader)
FanfictionWhen the eight friends were driving back from La Union, an unexpected woman jumped in front of their car, looking suspicious and dangerous. Yet the girl is broken and hurt from her visible wounds. The eight girls decided to bring her and treat her w...