VI

373 32 3
                                    

THURSDAY

Maaga pa at lahat ay tulog sa bahay ng mag-kakaibigan. Hanggang sa nagising si Gwen sa ingay mula sa pintuan niya na may kumakatok. Sa irita, nagkamot ito ng ilo at dumiretso duon.

"Good morning!" Masayang bati ng dalawa niyang kaibigan na sila Maloi at Sheena.

"Alam ninyo ba anong oras pa lang? Bakit ba kayo katok ng katok?" Reklamo ni Gwen.

"Nauna ako actually, ewan ko bakit ang aga nagising nito." Sagot at turo naman ni Maloi kay Sheena.

"Syempre! It's my day para bantayin si Y/n!" Masiglang sagot naman ni Sheena na naingayan muli si Gwen.

"Anong it's your day? Hoy! Day ko rin para samahan at alagaan si Y/n bebe ko." Reklamo ni Maloi sa nakakabata nilang kaibigan.

"Wow! Kung maka-bebe ito. Eh kung bebe-tukan kita sa ulo mo?" Inis na sita ni Gwen kay Maloi at si Sheena ay tinawanan lang sila. "Isa ka pa! Ang ingay ninyo dalawa tapos sinira ninyo pa tulog ko. Ano ba gusto ninyo hah? Wala dito si Y/n." Sita din ni Gwen kay Sheena.

"Tulungan mo ko ipagluto si Y/n." Sabay sagot nila Maloi at Sheena kaya nagtinginan silang dalawa sa isa't isa.

"Gaya-gaya ka." -Maloi.

"Ako nauna kaya magsalita." -Sheena.

Nagsimula ng magbangayan ang dalawa kaya lalo nairita si Gwen kaya pinag-saraduhan nalang ang dalawa. "Bahala kayo diyan! Matutulog pa ako!" Iyon ang huling sagot ni Gwen sa dalawa niyang kaibigan.

Alam nila na pag pinilit nila ang isang Gwen na bad mood, damay sila sa pagiging bad mood niya buong araw.

Nagtinginan na lang muli ang dalawa at nagsi-taasan ng kanilang kilay. "Kasalanan mo kase." Sisi ni Maloi kay Sheena.

"Bakit ako? Akala ko ba ikaw nauna dito?" Sagot din ni Sheena.

Nagbukas naman ang pintuan ni Colet, katapat lang kay Gwen, at halata ang inis sa mukha niya.

"Utang na loob! Kung mag aaway kayo, duon kayo sa kabilang kanto! Piskit nyawa naman! May natutulog din dito!" Inis niyang sabi at malakas sinaraduhan ang pintuan niya.

Wala ng nagawa ang dalawa at nagsamaan ng tingin na lang habang bumabalik sa kani-kanilang kwarto.

--**--**--**--

Pagkatapos ng ilang oras, nagsi-gising na ang ibang magkakaibigan pati na rin si Y/n. Nagising siya ng wala na sa kwarto si Jhoanna.

Tumayo na ito at dumiretso sa cr ni Jho. Pagkatapos ay bumaba na si Y/n at sinamahan ang magkakaibigan para sa breakfast.

"Good morning Y/n!" Masayang bati nila sa dalaga. Masaya din bumati si Y/n sa kanila.

Lumabas na rin mula sa kusina sila Maloi at Sheena na may dalang pagkain. Lumapit sila kay Y/n at pinakita iyon sa kanya.

"Corned beef!" Sabay nilang sinabi. Masama pa ang tingin nila ang isa't isa.

"Gaya-gaya."

"Ikaw ata, walang originality." Masungit na sagot ni Maloi.

"Excuse me?! Itong corned beef ko may patatas-vegetable. Healty para kay Y/n." Explain naman ni Sheena.

"So? May gulay din naman ito eh. Sibuyas." Sagot din ni Maloi.

"Tama na yan, girls. Gutom na rin kami noh." Reklamo ni Jho sa kanilang dalawa.

Sabay nila linagay sa lamesa at ang kanilang luto at ang mga kaibigan naman nila ay either nang didiri o natatawa sa mga luto nila.

Save Me (BINIxFemReader)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon