VIII

285 32 3
                                    

FRIDAY

Hindi makatulog si Y/n sa kakaisip niya. Bukod sa katotohanan na nalaman niya tungkol sa pagkatao niya, na ngangamba din siya kung ano gagawin niya para hindi na magalit sa kanya ang bunsong kaibigan nila na si Sheena.

Umaga pa lang ay agad na kumilos si Y/n sa kusina. Dahil sa 'adobo' lamang ang alam niyang lutuin, ay iyon na rin ang ginawa niya. Pinag-mabuti niya ang pagluluto hanggang sa binati siya ni Aiah mula sa kusina.

"Good morning, Y/n! Ang aga mo ata? It should be me who's preparing some breakfast." Sabi ng dalaga sa kanya.

"Good morning din sa iyo, Aiah. Alam ko po pero gusto ko rin bumawi kay Sheena. Ayaw ko ni isa sa inyo na galit po sa akin." Pagpapa-umanhin ni Y/n.

Lumapit naman si Aiah sa kanya at huminga ng malalim, "Hindi siya galit, okay? Nagtatampo lang iyon. But she'll come around. Don't worry about it." Naka-ngiting sabi ni Aiah.

Pero bakas pa rin sa mukha ni Y/n ang pag-aalala niya kay Sheena. "Dapat talaga nag-sabi ako. Mali ang ginawa ko, parang linoko at pinag-laruan ko siya." Dagdag ni Y/n sa sarili niya.

"Alam mo... mahilig talaga kumain si Sheena ng simpleng agahan. Such as tocilog, tapsilog, hatsilog. Let's try to cook that one." Pahayag ni Aiah na kina-ngiti naman ni Y/n.

"Tutulungan mo ko?"

"Oo naman. Para hindi ka na magmukmok diyan. Sige ka, papangit ka niyan." Asar ni Aiah sa kanya at nagsimula kumuha ng ingredients.

"Pangit naman talaga ako. Sila Stacey at Maloi lang nagsasabi na maganda daw ako. Tapos narinig ko din mula sa kanila na ang gwapo ko daw din tignan. Pero lahat iyon hindi totoo." Explain ni Y/n sa nakakatanda na kaibigan.

"Don't ever say that. Everyone is beautiful. You just need to boost your confidence para makita mo rin kung ano ang nakikita nila sayo. Remember that." Parang pina-galitan naman siya ni Aiah dahil sa sinabi niya.

"Salamat, Aiah. Isang mabuting kaibigan ka sa kanila. Kaya, ayaw ko rin mangyare na maghiwalay kayong walo dahil lang sa akin." Sagot ni Y/n habang nagsisimula na sila magluto.

"What do you mean by that?" Naging curious naman si Aiah sa sinabi niya.

"Sabi ni Sheena, kapag nahuli daw kami ng tito ninyo kahapon, baka pauwiin kayo sa inyong mga magulang, sa mga probinsya ninyo. Magkaka-hiwalay kayong mag-kakaibigan dahil sa akin." Malungkot na sinabi ni Y/n kay Aiah.

"Bakit ninyo ba ako tinulungan noong gabing iyon? Simple lang at masaya na ang buhay ninyo kung hindi ninyo ako linigtas nun." Dagdag na tanong ni Y/n. Pero umiwas lamang ng tingin si Aiah.

Alam niyang totoo ang mga sinabi ni Y/n sa kanya. Nagbago lahat ng tinulungan nila si Y/n mula sa mga guwardiyang iyon.

"You're not wrong, Y/n. Tama ka na hindi lahat mangyayari ito if we didn't intervene that night. But one thing that we all have is we will save and help those who need it. Kahit pa nasa panganib ang buhay namin, we help. And we chose to help and save you, Y/n." Taimtim sinabi ni Aiah at in-explain iyon kay Y/n.

"Alam kong kulang lang ang pagsabi ng 'salamat' sa inyo, pero katulad din ng pinangako ko sa inyo, hindi ko kayo ilalapit sa kapahamakan." Sagot ni Y/n.

Napa-ngiti si Aiah sa sinabi ni Y/n. Alam din niyang sincere at totoo angintensyon ni Y/n sa kanilang magkakaibigan.

"Ate Aiah, pwede po ba huwag-- ay... may kasama ka pala. Mamaya na lang." Laking gulat ng dalawa ng pumasok sa kusina si Sheena at naabutan niya si Y/n duon.

Hindi galit si Sheena sa babae pero nagtatampo lamang ito dito dahil sa ginawa niya. Sinundan naman ni Aiah ang umalis na Sheena mula sa kusina at iniwan si Y/n duon.

Save Me (BINIxFemReader)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon