tres
Hindi ata ako nakatulog ng maayos kagabi. Paikot-ikot ako sa kama at hindi mapakali. Hindi kasi ako nire-reply-an ni Juan! Nakailang chat ako kagabi sa kanya pero hindi ata siya nag-online. Hindi ako mapalagay na nag-deposit siya ng gano'n kalaking halaga sa account ko!
Kaya hanggang paggising ko kanina, tinignan ko pa kung nagkita niya na o nag-reply na siya pero wala pa rin!
Please lang, Juan. Mag-online ka na.
Anonymous:
Hi Juan! Mali ata ang amount na na-deposit mo?
Kailangan ko itong mabalik.
Please, reply. ASAP.
Iyon ang huling mga chat ko sa kanya. Paulit-ulit kong binabasa iyon na para bang may magbabago kapag tinitigan ko. Inaantay ko kasi talagang mag-active ang account niya.
Wala naman kasi akong ibang way para ma-contact siya. Hindi ko alam ang personal na account niya, sinubukan kong hanapin sa Facebook kagabi pero wala akong nakita. Hindi ata siya ma-social media na tao.
Hindi ko rin alam ang number niya. Dapat ata kunin ko na? Para sa mga ganitong pagkakataon.
Pero hindi naman kami gano'n ka-close. Baka isipin niya hinihimasok ko ang privacy niya. Ni hindi ko rin alam kung ano'ng course o department niya! Hindi ko naman puwedeng tanungin ulit kay Jayen ang mga bagay-bagay kay Juan dahil baka makatunog na siya.
"Sabi ni Mama uuwi siya ng Batangas sa Sabado, birthday ng Lolo ko, pinapatanong niya kung gusto mo ba sumama?— Vera? Nakikinig ka ba?" tawag sa akin ni Jayen.
"H-Huh?" nawala na sa isip kong may kasama pala ako.
Natapos na ang isang subject namin at hinatid niya lang ako sa next subject ko, uuwi siya saglit dahil mag-aayos pa siya ng gamit, may trip sila sa Hongkong ng mga pinsan niya pero ilang araw lang.
Naguguluhan niya akong tinignan. "Ano na namang iniisip mo?"
Inalis ko ang tingin sa kanya at napagtantong nasa harap na pala kami ng classroom. "W-Wala... Baka pagod ka na rin kahit sumama tayo sa Sabado? Kakauwi mo lang no'n, 'di ba? Sa susunod na lang..." sagot ko nang makabawi na. "Sige na, magsisimula na klase ko. Ingat ka!"
Hindi siya kumbinsido ngunit hindi na lang rin siya nagpumilit, kumaway ako sa kanya habang naglalakad ito palayo. Tsaka lang ako tumalikod nang alam kong nakalayo na siya.
Nangako ako kay Juan na confidential sa amin ang services ko. Kailangan kong respetuhin kung ayaw niyang may makaalam. Lalo na si Jayen, madaldal 'yon. Kaya kahit gusto kong magsabi sa kanya, hindi talaga puwede.
Aligaga at kagat-kagat ang dulo ng kuko ko ay naglakad na ako papasok sa pinto ng classroom ko, nang bumangga ang kaliwang braso ko sa braso rin ng kasabay kong pumasok. A hard and sturdy one. Dahil doon ay muntik ko nang mabitawan ang cellphone, mabuti na lang nahawakan ko agad ng mabuti.
Kakatapos ko lang bayaran 'to! Wala pang isang buwan na fully paid galing sa plan!
Hindi kami nagkasya sa pinto dahil sabay kaming pumasok. Malaki ang taong bumangga sa braso ko at halos maipit niya na ako. Hindi tuloy ako makaalis kung hindi siya mauuna. Gulat akong napatingala at mas lalong nalaglag ang panga ko nang magtama ang mata namin.
Ang pamilyar at malalalim nitong mata ay sinalubong ang akin. Yumuko pa ito ng bahagya upang makita ng mabuti ang aking mukha.
Umawang ang labi ko at muntik nang mabanggit ang pangalan niya pero napigilan ko pa ang sarili.
I almost mouthed Juan.
Bumaba ang mata nito sa cellphone ko bago binalik ang mata sa akin. I was too stunt to even move.
BINABASA MO ANG
That Juan Time Stopped (Published under IMMAC)
Teen Fiction[COMPLETED] Veronika Elvera Higuera decided to be independent at an early age. She does not waste time to provide for their needs that she forgets that she... was also in her youth too. But when a nerdy, handsome, innocent looking and rich guy enter...
