veintitrés
"Mag-iingat ka, Veronika ha?" hindi ko na mabilang kung pang ilang paalala na ni Auntie Issa iyon.
Tumango na lang ako at ngumiti. Binaba na mga pinsan ko ang maleta ko, hinatid na nila ako dito sa airport at nag-grab lang kami kaya mabilisan lang at aalis rin sila agad.
"Syempre po. Mag-iingat rin kayo."
"Ate..." tawag sa akin ni Moris.
Sinubukan kong ngumiti rin sa kanya para hindi niya isiping malungkot ako. Niyakap ko ito ng mahigpit. Para sa'yo 'to, Moris. Kahit mapagod si Ate kakaaral at kakatrabaho. basta gagaling ka, gagaling ka.
"Mag-aral ng mabuti, okay? Iyong smart watch mo isuot mo palagi. Na-connect ko na iyon sa cellphone ni Auntie, huwag magpapagod palagi. Tatawag ako kapag nakarating na ako roon." naiiyak na siya kaya sinakop ko ang dalawang pisngi niya at ngumiti ulit. "Ang health mo Moris, ingatan mo, para kay Ate."
Tumango siya. "I-Ingat ka doon..."
Ginulo ko ang buhok niya. Ang bigat sa loob.
Lumapit rin sa akin ang mga pinsan kong sila Riley at Cassy para yakapin ako, matapos ay si Jayen.
"Kami na ang bahala sa kapatid mo, basta mag-aral ka lang doon,' bulong niya.
"Chat mo na lang ako sa updates." natawa ako.
Nagpaalam na ako sa kanila at hinintay silang makapasok sa loob ng sasakyan bago ako pumasok sa loob ng airport. Ayoko nang makitang umiiyak si Moris. Ayoko rin na makita nila akong maiyak.
Sa loob ng ilang oras na paghihintay ay nagboarding na rin kami. First time ko lahat kaya abot-abot ang kaba ko, pero salamat sa Diyos ayos naman lahat.
Medyo na-busy rin ako kaya nang mahanap ko na ang upuan ay nag-check ako agad ng cellphone, para na rin tingnan kung may message ba sila Auntie. Nag-chat na lang rin ako na nakasakay na ako ng eroplano, ngunit huminto ang buong sistema ko nang bigla akong maka-receive ng isa pang message.
Parang nahulog ang puso ko.
Hello, Vera. I'm sorry I wasn't able to send you to the airport. I intentionally didn't go. This is the last thing I could do for myself. It sucks that you're gone. Hindi masaya, Vera. Pero mag-iingat ka doon, okay? I am very grateful for the months we've spent together. Hindi ko inakala na makakakilala ako ng tao na tatanggapin at maiintindihan ako. I was used to being ignored, but you gave me your attention. I was not used to being appreciated, but you appreciated me. I was not used to being cared for, but you showed me care. You saw the ugliest side of me and my family, but you stayed. Maybe, that's why. That's why I fell for you.
Pakiramdam ko hindi na kita makakalimutan. Araw-araw kitang iisipin. Araw-araw kong ipagdadasal ang kaligtasan mo. Wala na ako roon kaya wala ng maghahatid sa'yo pauwi. Wala na rin magpapaalala sa'yo kumain. 'Wag mo kakalimutan, okay? 'Wag mo titipirin ang sarili mo. Mahalin mo ang sarili mo, kasi marami ka nang nagawa para sa ibang tao. You did a good job. You did a great decision. You're very strong, Vera. Kung gusto mong magmahal ng iba, it's alright. Siguraduhin mo lang mas gwapo sa akin, okay?—Kidding aside, you can love someone else if that's what will make you happy. I live for your happiness.
Hindi kita pinigilan umalis, kasi alam ko wala pa ako sa buhay mo naplano mo na ito. Hindi kita pinigilan umalis kasi mas gusto kong makitang maabot mo ang pangarap mo, kahit hindi mo na ako kasama. Panonoorin kita sa malayo. Alam ko kaya mo. Alagaan mo ang sarili mo, para sa'yo, kay Moris at para sa akin.
BINABASA MO ANG
That Juan Time Stopped (Published under IMMAC)
Teen Fiction[COMPLETED] Veronika Elvera Higuera decided to be independent at an early age. She does not waste time to provide for their needs that she forgets that she... was also in her youth too. But when a nerdy, handsome, innocent looking and rich guy enter...
