cuatro
Si Juan talaga 'yon. Tumatak sa akin ang itsura ng sasakyan niya nang una kong nakita dahil masyadong maganda at halatang mamahalin. Bihira ata akong makakita ng gano'ng model ng sasakyan.
Wala sa sarili kong tinulak ang cart kaya tumingin sa akin si Jayen. "Ate ko, babangga ka na," pukaw niya sa akin.
Napahinto tuloy ako at nakitang tatama na nga sa shelves ang pulang push cart. Nasa National Bookstore kami ngayon para bumili na ng mga i-do-donate nila Jayen sa charity. Wala rin kaming klase ngayong umaga kaya malaya kaming mamili.
"Sorry."
"Nagpapahinga ka pa ba? Baka naman nagpuyat ka ulit kaka-aral at hindi ka na naman natulog ng maayos?" nag-aalala niyang tanong habang nilalagay sa cart ang mga box ng lapis.
Mayaman ang pamilya ni Jayen. Sa father's side niya, karamihan sa kanila ay politiko. Pero hindi naman siya lumaking gastadora dahil limitado lang rin ang allowance na binibigay sa kanya. Sadyang kapag may pa-event sa charity ay nauutusan kaming mamili para sa mga bata.
Volunteer rin kaming dalawa ni Jayen na magturo sa mga bata kapag wala kaming schedule sa school.
"Oo naman... May iniisip lang," sagot ko at inabala ang sarili na kunyaring namimili rin ng bibilhin.
Ngumuso siya sa akin pero hindi niya na lang ako ulit tinanong.
Nakokonsensya rin ako na hindi sabihin kay Jayen na nakakausap o nakakasama ko ang crush niya. Kahit pang-apat lang sa ranking niya si Juan, crush niya pa rin 'yon. Baka ano'ng isipin niya dahil tinatago ko sa kanya.
Kung hindi lang talaga kami nagkasundo ni Juan, sasabihin ko na lang talaga kay Jayen. Wala tuloy akong mapagsabihan ng mga iniisip ko ngayon. Hinintay ulit ako ni Juan makauwi kagabi. Ang alam kong iniwan ko na siya sa pool area, sumunod pa rin pala.
"Dito na lang 'to, si Kuya Pat na ang magdadala sa loob," saad sa akin ni Jayen nang mai-park ang van nila sa loob ng garahe.
Tumango ako sa kanya. "Anong oras na? May klase tayo ng alas-dos ha," paalala ko dahil tanghali na.
Inabot kami ng apat na oras sa pamimili sa mall, dahil ang iba ay wala sa National kaya naghanap pa kami ng ibang mapagbibilhan. Kahon-kahon na school supplies ang nakalagay sa likod ng sasakyan nila.
Sumulyap ito sa relos niya para tignan. "Twelve. Kain muna tayo, tapos pahatid na tayo sa school."
Kinuha ko na ang bag at handa nang bumaba ng van. "Sige, tatawagan ko lang si Moris," paalam ko.
Bumaba na kami at hinayaan ko muna siyang pumasok sa bahay nila habang ang driver ay isa-isa nang binababa ang mga pinamili namin. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at dinial ang number ni Moris.
Nabilhan ko na siya ng cellphone. Nag-ipon ako nitong mga nakaraang buwan para mabilhan siya ng brand new, kilala ko ang mga bata ngayon at ayokong pagtawanan siya na secondhand o luma lang ang kaya kong ibili sa kanya. Kaya ang mga nakaraang ipon ko ay napunta doon, pero ayos lang.
Nag-aalala kasi ako na hindi ko siya nakakamusta kung ano ang lagay niya sa school. First year high school na si Moris, pero dahil sa kundisyon niya sa puso kailangan ko siyang kamustahin kapag wala siyang klase.
"Ate," sagot niya agad.
"Kamusta ka, Moris? Kumain ka na ba?"
Narinig ko ang pagsara ng zipper ng backpack niya sa kabilang linya, "Opo, katatapos lang. Kasama ko si Oli at Hazel."
Binasa ko ang ibabang labi, "Naubos mo ba ang baon mo? Kumain ka ng marami, baka ipa-physical activity ulit kayo."
"Opo, naubos ko. Tsaka alam naman nila na may kondisyon ako sa puso. Hindi po nila ako ipapalaro ng malala."
BINABASA MO ANG
That Juan Time Stopped (Published under IMMAC)
Teen Fiction[COMPLETED] Veronika Elvera Higuera decided to be independent at an early age. She does not waste time to provide for their needs that she forgets that she... was also in her youth too. But when a nerdy, handsome, innocent looking and rich guy enter...
