cinco
Litong-lito ako kung susunod na ako sa sinabi ni Juan. Ni hindi ko nga alam kung tama ba ang narinig ko. Ang dami kong katanungan sa isip pero nauna ang pangangamba sa akin tungkol sa kalagayan ni Moris.
Nanginginig pa ang tuhod ko at hindi alam ang gagawin nang biglang may pumaradang puting sasakyan sa harap ko. Ang headlight nito ang nagpaliwanag sa madilim na lugar, ngunit malabo na iyon sa aking paningin dahil sa mga luhang nagbabadya.
Ibinaba nito ang bintana ng driver's seat. "Let's go," iyon lang ang sinabi niya sa akin pero nabuhayan ako agad ng loob.
Tumango ako sa kanya at aligagang sumakay sa harap. Mas mabuti nga na sumabay na lang ako kay Juan papuntang ospital kesa mag-commute. Pero sa pagkakataon na 'to kung wala naman akong makitang jeep ay mag-ta-taxi na ako para makarating agad, hindi ako puwedeng magtipid sa mga ganitong pagkakataon.
Pero nag-offer si Juan.
Tsaka ko na lang iisipin paano siya pasasalamatan at paano babawi sa kanya.
Magulo pa ang utak ko ngayon at kailangan ko nang makita ang kapatid ko.
Buong biyahe ay hindi na kami nagkibuan ni Juan. Ramdam niya siguro na hindi ko na rin kayang makipag-usap ng kaswal ngayon. Wala akong ibang ginawa kundi ang magdasal habang papuntang ospital.
Sana ayos lang si Moris.
Sana hindi malala.
Kahit maubos ang pera ko umayos lang ang pakiramdam niya ngayon.
Lord, ingatan niyo po si Moris
Nakarating na kami sa St. Luke Medical Center at sa entrance na ako binaba ni Juan. Hindi na rin ako nagsayang ng oras at lumabas agad ng sasakyan nito, pero bago ko tuluyang sinara ang pinto ay humarap ako sa kanya.
Taas baba pa rin ang dibdib. "Salamat, Juan," seryoso kong sabi.
Ang kaliwang kamay nito ay nakahawak pa rin sa manibela, ngunit ang ulo ay nakabaling sa direksyon ko. Walang bahid ng pagkaalarma sa kanya dahil siguro ayaw niya na rin dumagdag sa kargo ko, ngunit ang mariing pagkunot ng noo nito ay nagpapahiwatig na naapektuhan rin siya. Medyo nakonsensya ako, hindi ko na dapat siya dinala pa dito.
"Puwede ka nang umuwi. 'Wag mo nang isipin 'to, ako na ang bahala. Salamat ulit, Juan. Ingat ka."
He pursed his lips. "Are you sure?"
Tumango ako. Buo ang loob akong ngumiti sa kanya.
Bumuntong hininga ito bago tumango. "Alright. Take care, Miss Anonymous." pagsuko niya.
Isinara ko na ang pinto para makaalis na siya. Mabilis na naman niya itong pinaandar at tumakbo na rin ako papasok sa loob. Mabuti nang pinaalis ko si Juan, hindi naman dapat niya nakikita ang ganitong parte ng buhay ko.
Boss ko siya. Tauhan niya lang ako. Dapat alam ko 'yon.
Ayokong abusuhin ang kabaitan niya.
Isa pa sanay na akong mag-isa tuwing nangyayari ito kay Moris. Kahit may trauma na ako, kinakaya ko naman. Kailangan kayanin. Parang mabubuwal ang binti ko at lalabas ang puso sa dibdib habang patungo ako sa emergency room.
"Miss," salubong sa akin ng isang nurse.
"Moris Higuera. Ako po ang guardian niya," pakilala ko agad.
Mabilis siyang tumango at naglakad kaya sinundan ko ito. "Dito po." binuksan niya ang isang hospital curtain at tumambad sa akin ang natutulog na si Moris.
BINABASA MO ANG
That Juan Time Stopped (Published under IMMAC)
Teen Fiction[COMPLETED] Veronika Elvera Higuera decided to be independent at an early age. She does not waste time to provide for their needs that she forgets that she... was also in her youth too. But when a nerdy, handsome, innocent looking and rich guy enter...
