veintidós
"Sigurado ka na ba talaga?" sunod sa akin ni Auntie Issa habang tinutulak ko ang mga maleta papasok sa dati naming kwarto ni Moris, dito sa bahay nila.
Lumabas na ang visa ko. Next week aalis na ako. Ang bilis. Kaya bago pa ako maubusan ng oras kailangan ko nang ilipat ulit si Moris kela Auntie, dahil wala naman ibang magbabantay sa kanya 'pag umalis na ako.
Makikituloy na lang rin ako ng ilang araw, hanggang sa araw ng flight ko. Nagpaalam na ako sa landlord ng apartment namin kanina at diretso hakot na ng gamit.
"Syempre, Auntie. Ang tagal kong hinintay ito," sagot ko at tinulak sa loob ng kwarto ang malaking maleta.
Bumuntong hininga siya. "Kaya ko lang naman pinursigi ang scholarship mo sa L.A. dahil gustong-gusto mo talaga dati. Kung ako sana ayaw kong aalis ka, Vera."
Humarap ako sa kanya at ngumiti. "Gusto ko pa rin po ngayon."
"Parang hindi 'yan ang nakikita ko sa'yo? Noong sinabi ko sa'yo sa personal na approved ka na, ni hindi nagningning ang mata mo. Parang bad news pa ang narinig mo, kaya nagdadalawang isip ako. Baka ginagawa mo lang ito dahil kailangan, at hindi dahil gusto mo."
Natahimik ako.
May choice ba ako na mas maganda?
Wala. Ito na ang pinakamagandang opportunity ko.
"Nabigla lang po ako, pero sa umpisa lang naman 'to. Kapag doon ako nagtapos ng pag-aaral sigurado ang trabaho ko. Makakaipon ako agad para sa pagpapagamot kay Moris, makakatulong rin po ako dito sa inyo," paliwanag ko.
Malungkot niya akong tiningnan. "Masyado mong sinasaksripisyo ang sarili mo. Puwede naman natin pagtulungan ang pagpapagamot kay Moris—"
"Auntie." hinawakan ko ang kamay niya. "Hindi po puwedeng habang buhay kaming aasa sa inyo. Tsaka wala po akong mararating kung dito lang ako. Mataas ang pangarap ko, para sa pamilya ko."
Bumuntong hininga siya ulit at niyakap ako.
"E ang pangarap mo para sa sarili mo?"
Natigilan ako. "Pangarap ko po ang matupad lahat ng plano ko sa pamilya ko."
Napabuntong hininga ito. "Mag-iingat ka doon ha? Basta, kapag nahihirapan ka na at gusto mo nang umuwi, 'wag mong tiisin, umuwi ka na agad."
Natawa ako at niyakap rin ito. Sobrang blessed ko kay Auntie. Alam ko iingatan niya rin si Moris.
"Kakayanin ko po. Para sa mga naghihintay sa akin rito."
Pinirmahan ko na ang drop-out form. Inabot ko na sa registrar at halos mapatalon ako sa gulat nang bumungad sa akin si Jayen at seryoso ang mukha.
Hindi na maipinta ang mukha niya. Hinawakan ko ang dibdib at iniwas ang tingin. "Thank you po," saad ko sa admin bago naglakad na paalis.
Para siyang multo na nakasunod sa likod ko at gano'n siya hanggang sa makarating ako ng classroom. Inayos ko na ang mga gamit at nilagay sa bag at nakatayo lang siya sa likod ko.
"Aalis ka na lang talaga ng ganito?" pagsusungit niya.
Naglabas ako ng malalim na hininga. "Ano? Jayen?" humarap na ako at pinatong ang folder sa mesa ko.
"Aalis ka na lang talaga agad-agad? Ni hindi mo tatapusin ang school year? Nag-drop out ka na hindi mo man lang sinabi sa akin?"
Binasa ko ang ibabang labi. "Lumabas na ang visa ko at Thursday aalis na ako. Syempre kailangan ko nang mag-drop out. Effective pa naman siya sa Wednesday kaya papasok pa rin ako—"
BINABASA MO ANG
That Juan Time Stopped (Published under IMMAC)
Teen Fiction[COMPLETED] Veronika Elvera Higuera decided to be independent at an early age. She does not waste time to provide for their needs that she forgets that she... was also in her youth too. But when a nerdy, handsome, innocent looking and rich guy enter...
