trece
Kinakabahan ako buong process ng pageant, nasa gilid lang ako ng stage at tahimik na pinapanood sila Juan. Noong tumapak si Juan sa stage parang lalabas ang puso ko. Sa kaba ko hindi ko na namalayan kung ilang portion na ang dumaan. Bawat pagkakataon na lalabas si Juan sa stage para akong may pinapanood na anak. Ilang beses ko pa siyang tinanong kanina kung ayos lang ba siya, kaya niya naman daw.
"Grabe si Juan ba 'yan?! Nakikita mo ba ang nakikita ko?—Vera? Para kang namumulta? Ayos ka lang?" sita sa akin Jayen.
Mabuti na lang nandito siya at medyo na-di-distract ako at nababawasan ang tensyon ko sa katawan.
Mabigat ang pagtango ko. "O-Oo naman, baka sa init lang. Ayos naman ako."
Ngumuso ito pero nginitian ko na lang siya at tinuon na muli ang atensyon sa pageant, bumalik ang mga mata ko kay Juan. Mukhang nagsasabi siya ng totoo dahil kanina pa siya kalmado. Siguro malaking tulong rin na katuwang niya ang partner niya para maitaguyod bawat portion ng pageant. Simula introduction, talent portion kung saan kumanta ang partner niya at nag-guitara naman si Juan, nagulat nga akong alam niya pala tumugtog. Question and answer na nasagot naman niya ng maayos.
At ngayon nga announcement na ng winners, kanina pa naghihiyawan ang tao simula lumabas si Juan ng stage, parang hindi sila makapaniwala na si Juan ang nakita nila pero naiintindihan ko naman. Kung ano ang una kong reaksyon nang makita kong walang salamin si Juan, ganoon rin sila.
Parang nagbago ang ihip ng hangin.
"Si Juan ba talaga 'yan? Parang dinadaya ako ng mata ko!"
"Hindi ako nagkamali! Matagal ko nang crush 'yan si Juan, maayusan lang talaga siya may itsura naman talaga!"
"Sobrang pogi pala si Juan? Mas lamang pa siya kay Kuren kung tutuusin! Bakit ngayon niya lang ni-reveal 'yan?!"
'Yan ang mga paulit-ulit kong naririnig na bulungan sa audience. Naging hot topic na ng lahat si Juan hindi pa natatapos ang competition.
"Congratulations! Candidate No. 3 and No. 5! Juan Theordore Valcarcel of Business Administration and Klarise Marquez of the Engineering Department!"
"Woo! Galing ni Valcarcel!" sigaw pa ni Jayen.
Nahiyawan ulit ang mga tao at pumapalakpak rin ako. Nanalo sila ng partner niya! Parang sasabog ang puso ko sa tuwa at sa wakas ay na-survive ni Juan ang competition!
Sunod-sunod na ang pagsigaw nila ng pangalan niya at nag-ce-celebrate na ang Business Ad department. Tinawag na sila sa harap at habang nilalagyan ng sash si Juan ay hindi mapakali ang mata niya. Para alam niya kung saan ako nakapwesto simula umpisa at mabilis niya akong nahanap. Ngumiti ako ng malawak at nagbigay ng thumbs up, pumalakpak ulit ako.
"Ang galing mo," I mouthed dahil kahit naman sumigaw ako dito hindi niya maririnig sa ingay ng buong lugar.
He smiled back at me. "Thank you," he mouthed. Meron pa siyang sinabi kasunod no'n pero hindi ko na masyadong naintindihan.
Ngumiti na lang ulit ako sa kanya para makapag-focus na siya sa moment niya.
"Go! Juan! I love Business Ad!" sigaw ng isang babaeng nakaupo sa pinakaharap.
Umiling-iling na lang ako.
"Once again! Our Mr. and Ms. Monroane of the year! Juan Theodore Valcarcel and Klarise Marquez!" anunsyo ng host.
Doon na natapos ang event, mga a-alas-onse na rin nag-uwian ang mga tao, kaya lang hindi pa ako makakauwi agad dahil kami ang organizer at aayusin namin ang mga naiwan dito.
BINABASA MO ANG
That Juan Time Stopped (Published under IMMAC)
Teen Fiction[COMPLETED] Veronika Elvera Higuera decided to be independent at an early age. She does not waste time to provide for their needs that she forgets that she... was also in her youth too. But when a nerdy, handsome, innocent looking and rich guy enter...
