Chapter XXVII

3.7K 56 26
                                        

veintisiete


My body went on autopilot. Kusa akong umatras at dahan-dahang bumalik sa sasakyan. Para akong tinaga sa dibdib at hindi na ako makapag-isip ng maayos. My mind keeps on telling me that I saw Juan but also couldn't process it at the same time. Panicking, I opened the driver's door, hindi alam kung ano ang unang gagawin, sasakay ba ako ng sasakyan at umalis dito o ipapatay ko ang makina at kukunin ang mga gamit, dahil naghihintay sa akin sila Mr. Valcarcel.

I've met and worked with many professionals and big names in California, but I have never had this kind of mental block! Nanginginig ang kamay kong hindi alam ang unang gagawin.

"A-Ang susi..." bulong ko sa sarili at dali-daling hinugot iyon dahilan upang mamatay ang makina ng sasakyan. "B-Bag..." paalala ko ulit sa sarili ko at kinuha ang tote bag sa passenger's seat.

Nanginginig pa rin ang kamay ko at parang hinahabol ang hininga. I closed the door aggressively that it made a sound, na pati ako nagulat sa ginawa ko. Lalakad na sana ako nang maalalang hindi ko pa nai-lock ang sasakyan, my shaky finger pushed the button before I almost ran to the lift.

Ni hindi ko na nagawang lumingon kung nandoon pa siya. Hindi sa ayaw ko siyang makita, pero bigla akong naduwag. Hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin o may sasabihin pa ba ako. Kilala pa ba niya ako? Hihingi pa ba ako ng tawad sa nagawa ko sa kanya dati?

Hindi ko alam.

Ni hindi pa nag-sy-synced in sa akin na nakita ko na siya ulit matapos ang ilang taon. Paano pa kaya ang isipin kung ano ang dapat kong gawin? H-Hindi ko alam...

Tulala akong nakarating sa conference room, ni hindi ko alam paano ako mag-fa-function ng maayos ngayon, may presentation pa naman ako. Pumasok na ako sa loob at agad akong napaupo sa isa sa mga office chair, pinatong ko ang mga gamit sa mesa at hinilamos ang kamay sa mukha.

"Vera? Good morning! Ano'ng nangyari sa'yo?" lumapit sa akin si Maricel na nag-se-set up na ng projector.

Napalunok ako at pilit na pinakalma ang sarili. "S-Sabi mo walang nagtatrabaho na anak dito si Mr. Valcarcel?" nanghihina kong tanong.

Kasi paanong sa unang araw ko dito nakita ko siya agad?! Alam ko namang magkikita kami ulit! Lalo na't nagtatrabaho na ako ngayon sa tatay niya, pero hindi ko inexpect na makikita ko siya agad?! Hindi ako handa! Hindi ako naghanda dahil sabi ni Maricel wala dito ang anak ni Mr. Valcarcel!

Nagtataka siyang tumingin sa akin, siguro dahil sa tanong ko o sa itsura ko ngayon. "Hindi nga," pilit niya.

Bumuntong hininga ako at tiningala siya. "Kung gano'n bakit nandito si J-Juan— Ang anak ni Mr. Valcarcel?" bawi ko.

Kumunot ang noo niya. "Ah, si Juan? Hindi naman talaga siya nagtatrabaho dito. May sariling business 'yon, bihira rin dito kaya paanong nakita mo siya?"

Nagsalubong ang kilay ko at napasandal sa upuan. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Bihira lang 'yon dito, pag may occasion lang bumibisita dahil laging busy," paliwanag niya.

Kinagat ko ang ibabang labi at hindi napigilan ang makuryoso. "A-Ano'ng business niya?" tinanong ko pa rin kahit wala ng kinalaman sa akin.

Lumapit siya lalo. "Alam mo iyong mahabang building na madadaanan bago ka makarating dito? Iyong puro salamin," tanong niya, tumango ako nang maalala ko 'yong kanina. "Sa kanya 'yon, doon nag-te-training lahat ng aspiring athletes like swimmers na gustong sumali sa mga competition. May ice rink din ata doon. Basta gano'n, maraming nagpupunta kaya laging full pack kasi maganda facilities."

Natigilan ako at napaisip. Does he still love swimming? He overcame his fear?

Maricel bent down planning to say more information but the door quickly opened. "Balita ko isa rin siya sa nag-te-train ng mga students doon— G-Good morning, Sir." agad itong napatuwid ng tayo at napabalikwas rin ako sa kinauupuan.

That Juan Time Stopped (Published under IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon