seis
"Ikaw 'yon?" bulong ko na para bang may tinatago ako. Well, meron naman talaga. Pero hindi naman masama.
Napahinto ito sa pagkuha ng libro sa book shelves at bumaling sa akin. "Ano'ng ako?" nagsalubong ang kilay niya ngunit umiwas rin agad ng tingin at bumalik sa ginagawa.
Kinuha niya ang isang makapal na libro at tinalikuran ako upang maglakad, nagpatuloy sa paghahanap, sinundan ko siya pero hindi lang sa paglalakad pero papunta rin dito sa library kanina. Hindi maalis sa isip ko na nakapag-taxi kami ng libre ni Moris kagabi at pati dinner namin masarap na libre pa. Imposibleng hindi sa kanya lahat galing 'yon, siya lang ang nakakaalam ng nangyari kagabi.
Kaya ngayong araw ay sinadya ko talaga siyang hanapin at kausapin. Sakto namang napili niyang pumunta ng library, kung makita man kaming malapit dito, hindi kataka-taka dahil puwede kong sabihin na naghahanap lang rin ako ng libro.
"Ang nagbayad sa taxi kagabi."
Huminto ito sa paglalakad, akala ko haharapin niya ako, may nahanap pala ulit siyang libro. Sa may bandang taas iyon kaya napaatras ako dahil nakatayo ako sa gilid niya. Ano ba 'yang mga kinukuha niya? About business? Ayokong basahin ang title, nahihilo ako.
"Juan!" pabulong kong sigaw dahil hindi niya ako pinapansin.
Bahagyang kumunot ang noo nito at kitang-kita ko ang paggalaw ng makakapal niyang kilay sa ilalim ng itim nitong salamin. Pakiramdam ko ang bigat-bigat no'n pero intact ang pwesto dahil matangos ang ilong niya kaya hindi nalalaglag, napaisip tuloy ako, kagabi hindi naman siya nakasalamin. Kahit noong sinundan niya ako sa ospital, nakakakita pa kaya siya no'n? Pero nag-drive rin siya papunta e, walang suot.
Malabo ba talaga ang mata niya?
Tahimik ko itong tinitigan at maingat na ineksamin, halos sasandal na ako sa malaki at mataas na bookshelf para makita ang mukha niya, at siya ay busy pa rin sa paghahanap ng libro.
"Are you done staring?" mataray niyang sambit.
Nabawi ko ang titig at napaayos ng tayo. "Sagutin mo kasi ako, hinihintay ko ang sagot mo," katwiran ko.
Tumaas ang kilay niya na parang hindi siya naniniwala. "What about the taxi?" patay malisya pa siya. Alam niya ang tungkol doon, siya talaga ang may pakana.
"Magkano ang binayad mo? Babayaran ko."
Lalong nasira ang mukha niya, hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Iniwan niya na ako at nagpatuloy sa paglalakad, malapit na kaming makarating sa dulo ng aisle. At nasa pinakadulong row rin talaga kami ng library. Medyo malamig na nga dito dahil walang tao.
"I didn't ask you to pay me back."
"Pero gusto kong ibalik."
"No need."
"But I want to."
"I don't want to."
"Juan!"
"Veronika."
Napahinto ako, unti-unting umangat ang tingin ko sa kanya, at sinalubong ako ng walang emosyon niyang mukha.
Kumabog ang puso ko. "B-Bakit alam mo pangalan ko?" gulat kong turan.
Binasa nito ang ibabang labi. "I heard it last night, when the nurse called you." nakaharap siya sa akin ngunit dumapo ang mata nito sa mga libro sa taas ko.
Napatango ako. Siya nga iyong lalaki kagabi. "Sa waiting area?" tanong ko.
"Yeah..."
Kinagat ko ang ibabang labi at napakamot sa ulo. "O-Okay pala..."
BINABASA MO ANG
That Juan Time Stopped (Published under IMMAC)
Teen Fiction[COMPLETED] Veronika Elvera Higuera decided to be independent at an early age. She does not waste time to provide for their needs that she forgets that she... was also in her youth too. But when a nerdy, handsome, innocent looking and rich guy enter...
