Chapter XII

3.7K 71 11
                                        

doce

Magkasama nga kami nila Juan at Moris na nagsimba tulad nang napagplanuhan niya. Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya dahil tama naman siya, sadyang hindi ko inasahan na marinig sa kanya 'yon. Hindi ko rin alam ang ibig sabihin niya sa together, pero gumaan ang loob ko.

Tamang desisyon ata na hinayaan kong makapasok si Juan sa buhay ko, kailangan ko ng mga taong katulad niya, iyong magpapaalala sa akin kung ano ang pinakamahalaga. Isa ang araw na iyon sa pinaka-na-enjoy kong pagkakataon na kasama si Juan, at dagdag pa na kasama namin si Moris.

Pero ang alaala na 'yon ay nanatili na lang sa isip ko dahil matapos ang araw na 'yon ay bihira na kaming magkita ni Juan. Ilang araw nang walang session at ni hindi kami nakakapag-usap dahil busy na siya sa preparation ng pageant. At dumating na nga ang pinakahihintay na pagkakataon.

Anniversary Event day na.

Ngumiti ako sa mga nakasalubong ko na nagbabantay ng kanya-kanyang stall nila, umaga pa lang at naatasan akong tingnan kung kamusta ang mga stalls. Sakto rin dahil magsusulat kami ng Article, magandang makita ko ng personal kung ano ang mga nangyayari at ilalagay namin.

"Vera, ha? Ang mga gamit niyo nandito pa rin sa kwarto niyo. Kailan ba kasi kayo babalik ni Moris? Halata namang mas komportable ang katapid mo dito, hindi masikip at hindi rin mainit. Ilang taon na kayong nag-so-solo, bumalik na kayo rito," maagang sermon sa akin ni Auntie.

Tumawag daw sa kanya si Moris at gustong mag-overnight doon kasama ang mga pinsan namin, pinapayagan ko naman siya pero hindi ko lang maharap ngayon dahil busy pa ako sa school. Kaya maaga rin akong tinawagan ni Autie Issa, at umabot na muli ang usapan namin sa pagbalik namin sa kanila.

"Autie, babalik at babalik rin naman po kami d'yan. Baka malapit na rin."

Nagpatuloy ako sa paglalakad dahil nag-che-check pa rin ako ng mga stalls.

"Kailan? 'Pag dumating iyong ilang taon mo nang hinihintay? Paano kung hindi dumating? Alam naman nating maliit lang ang tyansa no'n."

Huminga ako ng malalim at huminto sa paglalakad. "Kapag walang dumating ngayong taon, babalik pa rin po kami d'yan."

"Totoo? Pangako mo 'yan ah?"

"Opo, Auntie. Promise po," nagpatuloy na akong muli sa paglalakad, siguro nga at oras na rin para ikonsidera na tumira ulit kasama sila Auntie. Alam kong nag-aalala rin siya sa aming dalawang magkapatid, pero gusto ko kasi talaga matuto na buhayin mag-isa ang kapatid ko.

"Sige, aasahan ko 'yan! Ibababa ko na, Vera ah? Aasikasuhin ko pa ang mga pinsan mo sa pagpasok."

"Opo, Autie. Ingat po kayo d'yan."

"Kayo rin! Huwag papagutom!"

Naputol na rin ang tawag matapos ang usapan namin. Bumuntong hininga ako, binulsa ko na ang cellphone at bumalik sa ginagawa nang may tumawag sa pangalan ko.

"Vera? Ate Vera!"

Hinanap ko kung saan iyon at nakitang si Sheela lang pala ng Business Ad, nagbabantay siya isang waffle stall.

Ngumiti ako sa kanya at naglakad papalapit. "Sheela? Kamusta?" tugon ko.

Pinatong nito ang kamay sa mini counter. "Ayos lang po. May benta na nga e, kahit maaga pa." masaya niyang saad, "Nagbreakfast ka na, Ate? Gutom ka na ba?"

Kumunot ang noo ko. "Hindi pa. Nagmamadali kasi akong umalis kanina. Bakit?"

Ngumisi lang ito at inabutan ako ng waffle, nagtataka ko iyong tinanggap, magsasalita na sana ako pero inunahan niya ako.

That Juan Time Stopped (Published under IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon