Chapter XXI

3.5K 54 22
                                        

veintiuno


Matagal na akong may plano para sa amin ni Moris. Bago pa kami tuluyang hindi umasa kay Auntie, humingi na talaga ako ng tulong sa kanya. Sa sobrang tagal ko nang naghihintay, akala ko hindi na mangyayari. Nawala na rin talaga sa isip ko. Pero alam ko sa sarili ko, kung sakaling ibigay sa akin, tanggapin ko. Tatanggapin ko ng buong-buo.

Hindi lang para sa akin, pero lalo na kay Moris. Ako lang ang inaasahan niya ngayon at ang pinakapangarap ko ay... gumaling siya. Kaya kong isakripisyo lahat, para sa kanya.

Ngumiti ako nang makita ko na ang kanina ko pa hinahanap. Hindi ko napigilan ang napangisi nang makita ang ginagawa niya. Sobrang focus niyang magpunas ng glass wall dito sa department ng engineering. Hiniram na naman ata niya ang gamit ng mga utility dahil may mop at balde rin siya na nakasakay sa pushcart.

"Mas makinis na 'yan sa'yo," sita ko habang papalapit sa kanya.

Agad siyang napalingon sa akin at hininto ang ginagawa. Halatang hindi inasahan ang presensya ko. "Why are you here? Hindi ba may klase ka?" pagtataka niya.

Pero kahit ako nagtaka. Bakit alam niya? Alam niya ba schedule ko?

Pinigilan ko na lang ang mag-react. Ano pa bang aasahan ko kay Juan. "Maagang natapos."

Tumaas ang kilay niya at bumalik na sa pagpupunas. "Kaya ako agad ang hinanap mo?" makabuluhan niyang balik.

Natigilan ako at napaawang ang labi. Bakit nahuhulaan niya lahat ngayon? Pero bakit ko nga ba siya hinanap?

Lumipat na siya sa panibagong salaminm nag-spray sabon at naglinis.

Tumikhim ako. "Hindi ba madudumihan uniform mo?" pag-iiba ko.

"It's fine."

It's fine kasi hindi naman siya ang maglalaba n'yan sa mansyon nila.

"Dapat nagbihis ka. May P.E. uniform ka naman atang dala." hinawakan ko ang pushcart at ako na ang nagtulak para masundan siya.

Nagpatuloy na ito sa pagpupunas. "Why are you here? Bakit hinahanap mo ako?" hindi niya rin pinansin ang sinabi ko.

Pinanliitan ko siya ng mata. Tignan mo 'to. Natututo na ng ganyang ugali. Nasaan na ang mabait at inosenteng Juan ko?

Bumaling muli ang atensyon niya sa akin nang hindi ako sumagot. Umiwas ako ng tingin at humugot ng malalim na hininga. Bakit ko siya hinanap?

Gusto ko siyang makita?

O may sasabihin ako?

May sasabihin ako.

"Juan," seryoso kong tawag.

Natigilan ito at bumaling muli sa akin, nabigla rin siguro sa tonong ginamit ko. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mata niya.

Sinubukan kong buksan ang bibig para mag-compose ng sasabihin, pero nang walang nabuong salita sa isip ko ay sinara ko rin iyon. Biglang nawala lahat ng sasabihin at nablanko ang utak ko.

Ilang segundo kaming nagtitigan. Wala akong masabi.

B-Bakit hindi ko masabi?

"What is it? Vera?" he asked impatiently.

Unti-unting bumaon sa akin ang katotohanan na hinid ko naramdaman nang magdesisyon akong sabihin kay Juan. Ngayon pa lang sa harap niya, nag-synced in lahat sa akin. Nawala lahat ng lakas ng loob ko. Tinakasan ako ng tapang. Akala ko masasabi ko agad. Akala ko ganoon-ganoon ko lang masasabi.

Pero hindi. Hindi ko masabi.

Na aalis ako. Na tinanggap ko. Visa ko na lang ang hinihintay. At makakaalis na ako.

That Juan Time Stopped (Published under IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon