Chapter XVII

3.5K 56 11
                                        

diecisiete


"Puwede ba akong magtanong?" niyakap ko ang dalawang tuhod habang nakaupo sa tabi ng pool at siya naman ay nakatayo sa pool at nagpapahinga.

"About what?" he said back.

Humugot ako ng malalim na hininga at umiwas ng tingin. Hindi naman gano'n kaliwanag dito sa pool area pero sa puti ni Juan ay kitang-kita siya. Kahit sabihin kong sa ilang buwan namin itong ginagawa ay sanay na ako, ayokong titigan siya ng matagal na ganyan ang itsura niya.

"N-Noong naabutan kitang nakalubog dito sa tubig..." nagkatinginan kami. "Imposible namang nalunod ka lang bigla 'di ba? Sobrang galing mong lumangoy."

He licked his lower lip and I could hear him breathe heavily. "Hindi ako nalunod no'n, Vera. I told you may iniisip lang ako."

"Pero muntik ka nang makatulog! Alam mong nasa ilalim ka ng tubig at puwedeng walang sumalba sa'yo. K-Kung hindi kita naabutan ng gabing iyon—"

"Maaabutan mo ako," he cut me off. "Maaabutan mo ako kasi hihintayin kita," buong loob niyang sambit.

Natigilan ako.

Water splashed nang gumalaw ito sa tubig upang lumapit sa direksyon ko. Ilang hakbang lang niya nasa harapan ko na siya at sa isang iglap ay nakaangat na ito sa tubig at umupo sa tabi ko. Nagdaluyan muli ang mga tubig pero hindi ko na alintana kung medyo nabasa ako.

Nakaupo na siya sa tabi ko ngayon habang sinusuklay ang buhok patalikod. Basang-basa ang katawan niya at parte ang mga labi.

Pinilit kong kinalma ang pag-alon ng dibdib ko dahil sa sinabi niya. "W-Wala ka na ngang malay... kung hindi pa kita sinampal..." bulong ko.

He chuckled. "If you're thinking I might harm myself because of what's happening to my family, then stop worrying about it," he assured me. "I won't."

Pinagdikit ko ang dalawang labi. Gusto kong ngumiti pero pinigilan ko ang sarili, gusto ko makita niyang seryoso ako dahil pinag-uusapan namin ang buhay niya.

Binuksan ko ang bibig upang may sabihin nang biglang bumaling ang ulo nito sa akin, ilang pulgada ang layo ng mukha nito sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Why are you asking about this? Do you want to hear it?"

Napatuwid ako ng upo. Tinutukoy niya ba ang problema niya sa pamilya niya?

"P-Puwede?" hindi makapaniwala kong tanong. Ilang linggo na akong kating-kati na magtanong. Pero iniisip ko na hindi ako ganoon kahalagang parte ng buhay ni Juan para mag-usisa sa mga gano'ng bagay.

Akala ko ayaw niyang magsabi. Kaya hindi ko na rin siya pinilit.

His chest heaved. "I thought you had so much on your plate to take care of... Moris, school, money, and such. Ayoko nang dumagdag sa mga iniisip mo..." he titled his head towards me. "I felt bad when you saw what happened back in the hospital, and when you saved me from almost drowning. Pakiramdam ko nagiging pabigat ako sa'yo."

I felt a sting in my chest.

Hindi. Hindi ka pabigat. Hindi ka abala.

"Hindi totoo 'yan. Makikinig ako. Kung gusto mong magsabi. Makikinig ako, Juan," seryoso kong sagot.

He nodded and looked away. Sinundan ko lang siya ng tingin. His palms were placed on the edge of the swimming pool.

"Ever since I was born, I was told that I will never inherit my Abuelo's company. Though I was trained with my cousin, Tyler, since we were young in how to be a good businessman. I only obliged because my father says so, my Abuelo says so. But I never had the desire to manage the family business."

That Juan Time Stopped (Published under IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon