C1 - Mikha Lim

1.2K 36 3
                                    



Louise



"May race sa Makati mamaya." Panimula ni Javi, we're here in the field, nag chichill lang since wala kaming class.


"Huh? Kala ko ba walang race na mangyayari this week?" Takang tanong ni Kai sa kanya.


"Sabi kasi ni Mark, may biglang gustong makipag race at galing ibang bansa pa ata."


"Sino naman 'yan?" Tanong naman ni Colet. Nagkibit balikat lang si Javi sa tanong n'ya dahil wala rin s'yang alam kung sino yun.


Tumingin naman sila ng bigla sa akin na ikinataka ko.


"Bakit?"


"Sali ka?" Tanong ni Gwen, tumango ako bilang sagot. Sa 'di makalayuan nakita ko agad si Stacey kasama mga kaibigan n'ya.


"Nandito na crush mo." biro ni Javi na ikinatawa nila, pinakyuhan ko naman s'ya dahil sa sinabi n'ya.


"Mamatay nalang." Sagot ko, tumawa naman sila ng malakas sa sinabi ko, kaya yung mga ibang tao dito sa field tumitingin sa amin. Kahit sila Stacey at pati mga kaibigan n'ya napatingin.


"Ingay naman." bulong ni Stacey na may pagka malakas, sinasadya n'ya ata na iparinig samin.


"Ba't d'yan ka kasi pumwesto?" tanong ko na hanggang sa pwesto lang nila rinig, sinadya ko talaga dahil halata naman s'ya.


Nakita kong tumaas ang kilay n'ya at tumingin sa direksyon namin, napatawa naman ako sa itsura n'ya kaya hinampas ako ni Gwen sa braso.


"Tama na 'yan, para kayong aso't pusa." Awat ni Colet, normal na samin 'to dahil araw-araw naman nangyayari 'to.


Umiling nalang ako at tinuon ang atensyon sa cellphone ko, alam kong tinayaran pa ako nito ni Stacey dahil tumatawa sila Kai habang tinuturo s'ya sa likod ko.


"Anong oras nga pala yung race?" Tanong ko, muntik ko ng makalimutan dahil sa kakatawa nila. Mga baliw.


"11pm pa." Sagot ni Javi kaya tumango nalang ako at humiga sa binti ni Gwen para matulog saglit. Hinayaan n'ya lang akong gawin yun at sinuklayan n'ya pa ang buhok ko gamit ang daliri n'ya, makakatulog ako agad nito.


—————

10:31 pm - Makati


"Hey dude!" Tawag ni Mark sakin, nakipag fist bump s'ya sakin bago ulit mag salita "Ready na kayo?"


Tumango naman ako at kinausap n'ya muna sila Javi. Tumingin naman ako sa paligid at mukhang madami ang sasali, buti nalang at nasa private track kami ngayon makikipag race.


"Hey Mark, who rented this place?" Tanong ko out of nowhere, curiosity hits me eh.


Tumingin s'ya sakin saglit at tumingin sa isang tent na katabi namin.


"Mikha Lim, galing ibang bansa. She wants to have fun kaya gusto makipag race. I also heard na she will stay here na sa Pinas for good." sabi n'ya at tinuro yung babaeng kulay pula ang buhok.


"Pretty huh"


"Pano ba 'yan, iwan ko na kayo, mamaya nalang ulit. Goodluck!" Tumango nalang kami at umalis na s'ya para kumustahin din yung iba. Inakbayan naman ako ni Javi at bumulong.


Karera | [ Stacey x OC (F) ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon