Stacey
9:08 pm - KTV & Resto Bar
"Girl, make kwento na!" Aligagang sabi ni Jhoanna pag pasok namin ng Resto Bar. Agad din kaming pumwesto doon sa may bandang dulo malapit sa bilyaran. Buti nalang ay walang masyadong tao ngayon dahil weekdays.
Tumingin ako kay Mikha para humingi ng tulong pero tinawanan lang ako at nag tawag ng waiter para umorder.
"Wala akong chismis, Jho." Sabi ko at sinamaan ko s'ya ng tingin.
"Nung isang araw gusto mo lang sakalin at ihulog sa bangin, tapos ipopost mo bigla na parang walang nangyari." Bara ni Maloi sakin, nagtawanan naman sila dahil totoo naman. Pinost ko lang naman s'ya for fun!
"So ano nga?" Pag uulit ng tanong ni Sheena, na nag aantay rin na mag kwento ako. Wala na akong nagawa kundi mag kwento kung anong nangyari kagabi sa race. Hindi nila ako tinigilan at patuloy akong inaasar dahil sa sinabi ko.
Hindi ko sila pinansin at nag cellphone nalang habang inaantay yung order naming pagkain pati alak.
"Yung enemy mo oh!" Turo ni Sheena sa likod ko, napa lingon naman ako at nakita ko sila Louise kasama ang mga kaibigan n'ya papasok dito. Nag c-cellphone lang s'ya habang nag v-vape. Naka leather jacket s'ya ngayon at naka suot ng eye glasses na half frame na kulay black.
"Tangina ang pog-"
"Tangina ang pogi." Mabilis akong lumingon kay Jhoanna nang sabihin n'ya yun, hindi n'ya ata ako napansin dahil na kila Louise parin ang tingin n'ya. Aba!?
"Landi Jho!" Sabi ni Maloi sa kanya at marahan s'yang tinulak. "Pero sino ba d'yan? Lahat pogi eh."
Natawa naman si Sheena at Mikha pagtapos sabihin ni Maloi yun, inirapan ko lang sila sa mga pinag gagawa nila.
"Si Louise, pormahan palang oh!" Sagot ni Jhoanna at ngumiti na parang kinikilig, at talagang hindi pa s'ya tapos?
Rinig sa table namin silang mag kakaibigan na nag uusap bago pumasok ng tuluyan dito sa resto bar. Nakita ko pa sa peripheral vision ko na papunta sila banda dito, mukhang doon sa isang table na malapit din sa bilyaran ang pwesto nila.
"Oh hey Mikhs! Dito rin pala kayo." Sabi ni Kai nang madaanan n'ya yung table namin kasabay si Javi, tumango lang si Mikha at nakipag fist bump lang kay Kai. Habang kami tinanguan n'ya lang bago tuloy-tuloy na naglakad papunta sa table sa dulo.
Nandoon na rin si Louise sa table kasama si Gwen at ate Colet, mukhang hindi n'ya ata kami napansin dahil tutok parin s'ya sa cellphone n'ya.
"Ano nga bang pake ko kung 'di ako pansinin? Duh!"
Dumating na rin yung order namin na pagkain pero nag pic muna sila bago kumain, hindi na ako nag pic dahil nakaka tamad.
Pansin kong may mga dumadating na ibang estudyante galing BNU kaya tinignan ko sila kung sino 'tong mga 'to.
"Kala ko ba pag tuwing weekends lang nandito 'tong sila Donny?" Naka kunot na tanong ni Sheena, nagkibit balikat lang sila Maloi at Jhoanna habang ako walang pake, pero si Mikha naka tingin samin nang may pagtataka.
"Who are they?" Tanong n'ya.
"May gusto kay Stacey 'yan, and kinaiinisan n'ya rin si Louise." Sagot ni Jhoanna, nagulat naman s'ya sa nalaman n'ya.
![](https://img.wattpad.com/cover/373239146-288-k886702.jpg)
BINABASA MO ANG
Karera | [ Stacey x OC (F) ]
Fanfiction- Wherein two enemies, fake a relationship to deter a annoying admirer. As they play the part, their staged romance turns genuine, forcing them to confront their real feelings and decide whether their growing affection is true or just a result of th...