C5 - Batangas

537 31 2
                                    





Louise



12:11 am - Batangas



"Jav!" Tawag ko kay Javi nang makita ko s'ya sa labas ng venue na papasok pa lang. Lumingon naman s'ya sa direksyon ko at kumaway. Tumakbo ako papalapit sa kanya para sumabay papasok.



"Buti naka abot ka." Sabi n'ya sakin pagpasok namin ng venue.



Tumango naman ako at tumingin sa paligid, mukhang maraming racers ang sasali ngayon. "May pinaayos lang si Dad kaya naka habol."



"Sasali ka?" Tanong n'ya naman at tumango ulit ako. "Saan kotse mo?"



"Na kay Mark, dadalhin n'ya dito."



Sa 'di makalayuan, nakita na namin yung tatlo sa isang tent kaya pumunta kami don. Si Colet lang ang hindi nag r-ready, mukhang hindi sasali.



"Oy Lou! Buti naka habol ka!" Sabi ni Kai ng makita n'ya 'ko na kasama si Javi, napalingon naman yung dalawa sakin kaya tumabi muna ako kay Colet.



"Hindi ka sasali Col?" Tanong ko at sumandal sa balikat n'ya.



"Hindi muna, panoorin ko lang kayo ngayon." Sagot n'ya kaya tumango nalang ako. Maya-maya lang ang ay dumating na si Mark dala yung susi ng kotse at helmet ko. Tumayo ako para kunin 'yon at mag handa.



"Ssob! Eto na gamit mo, yung kotse mo pinapalinis ko pa, nasa katabi lang ng kotse ni Javi." Abot ni Mark sakin ng susi at helmet, pinasalamatan ko naman s'ya bago s'ya umalis.



"Si Mikha pala?" Tanong ko ng mapansin ko na wala s'ya dito.



"Nasa ibang tent, may kakilala s'ya dito na sasali rin ata." Sagot ni Gwen na ikinataka ko.



"Sino?"



"Staku."



"Huh? Seryoso ba?" Natatawang tanong ko. Si pink girl? Tagal n'yang 'di sumali sa mga ganito ah.



"Oo, ganyan din yung reaction namin na kilala n'ya 'yon, pero ewan ko lang kung sasali." Sabi ni Colet at nagkibit balikat.



"Hanggang dito ba naman may katapat ka, ssob." Natatawang sabi ni Javi, hindi ko s'ya pinansin at tumingin lang sa mga drivers dito.



Nahagip ko naman si Mikha na papalapit dito, at mukhang nakita n'ya ako kaya tumakbo s'ya papunta dito sa tent.



"Uy Mikhs! Ready ka na?" Tanong Gwen pagkarating ni Mikha dito, tumango naman s'ya at nakipag apir kila Javi bago lumapit sakin.



"Buti naka abot ka."



"Yeah, may ginawa lang saglit."



"Edi sasali ka?" Tanong naman n'ya, bago pa ako mag salita, si Colet na ang sumagot.



"Sasali 'yan, hinihingal pa." Biro n'ya kaya natawa kami lahat dito, napa iling nalang ako at hinayaan lang sila.



Tumango tango naman s'ya habang nilalabas n'ya yung phone n'ya, nag type muna s'ya doon bago s'ya tumingin samin.



"Kilala mo pala si Staku." Sabi ko sa kanya, hindi naman s'ya nagulat sa sinabi ko dahil ngumiti lang s'ya.



"Oo, a friend of mine"



"Sasali ba s'ya?" Tanong ko.



"Yeah, nag r-ready na nga eh." Natatawang sabi n'ya habang naka tingin sa phone n'ya, mukhang si pink girl ang kausap n'ya.



Karera | [ Stacey x OC (F) ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon