Stacey
11:11 am - BNU Field
"Hi guys!"
Lumingon naman kami kung saan nanggaling yun, sila Javi pala. May daladala silang mga paper bags na mukhang puro branded yung mga nasa loob. Napansin ko namang hindi nila kasama si Louise kaya nagtaka ako.
"Galit parin ba yun?"
"Susunod s'ya, pinatawag lang ni Mr. Reyes." Biglang sabi ni ate Colet, napansin n'ya atang hinahanap ko si Louise. Tumango lang ako biglang sagot habang umuupo sila sa pwesto namin.
"Here." Lapag nila Kai ng paper bags na hawak nila kanina, tumingin naman sila saking apat.
"Huh?"
"Sa 'yo 'yan, pinapabigay ni Louise. Sorry daw." Sabi ni Gwen. Tumingin naman ako sa kanila nang may pagtataka pero tinuro lang nila yung mga dala nila.
Tinignan ko yung mga loob non at puro branded na make up, clothes, bag and etc. At puro pink pa kaya napa ngiti naman ako. Sa sobrang dami ng gamit na 'to, pati sila Maloi naki tingin din.
"Grabe naman 'yang si Louise, mapapa mura ka sa kamahalan at dami nito." Natatawang sabi ni Maloi, natawa nalang din kami sa sinabi n'ya.
"Hindi naman na n'ya need magbigay neto." Sabi ko sa kanilang apat, nakaka guilty bakit pa n'ya need bumili ng mga ganto para sakin.
"She insisted, tsaka that's how she say sorry. Bibigyan ka ng gifts para ngumiti ka muna bago s'ya mag sorry." Napa iling nalang ako sa sinabi ni Javi, kahit kailan talaga 'tong si Louise. Bigla bigla lagi.
"Bakit ako wala? Nainis kaya ako sa kanilang dalawa kahapon!" Reklamo ni Maloi pero sa pabirong tono.
"Sabihan mo nalang." Natatawang sabi ni Gwen, natigil din s'ya nang may nakita sila sa likod ko.
Lumingon naman kami at nakita ko si Donny kasama mga kaibigan n'ya, mukhang mang gugulo nanaman dito.
"Hindi na talaga s'ya natigil amp!" Sabi ni Sheena at napa hilamos nalang sa mukha.
"Nasaan na ba 'tong si Louise?"
Papalapit na sa amin si Donny na ang lawak ng ngiti dahil siguro wala si Louise dito. Natigilan din silang magkakaibigan maglakad nang biglang dumating si Louise at tinaasan sila ng kilay.
"YES!" Sigaw ni Javi at tumayo pa habang tinaas n'ya yung dalawang kamay na parang nanalo.
"Titigilan mo girlfriend ko o titigil ka habang buhay sa paglalakad?" Rinig naming sabi ni Louise, ang seryoso ng tono n'ya pero yung mga kaibigan namin natawa lang dahil sa mukha ni Donny ngayon.
"Sweet naman, girlfriend ko." Asar ni Jhoanna habang binubunggo yung balikat ko. Tinayaran ko lang s'ya pero tumawa lang ang gaga.
Hindi na nakapag salita si Donny at umalis na s'ya kasama ang mga kaibigan n'ya. Nang makaalis na talaga sila tsaka na pumunta si Louise dito sa pwesto namin. Naka tingin lang ako sa kanya at mukhang napansin n'ya naman, kaya ngumiti s'ya ng tipid habang ako tumingin sa lang sa malayo. Init ah.
"Bakit ka pinatawag?" Tanong ni ate Colet, umupo muna s'ya sa tabi ni Kai kaya magkaharap kami ngayon.
"Nagtaka lang since hindi naman daw ako nag s-skip ng class." Sagot n'ya at sumandal sa balikat ni Kai bago pumikit.
BINABASA MO ANG
Karera | [ Stacey x OC (F) ]
Fanfiction- Wherein two enemies, fake a relationship to deter a annoying admirer. As they play the part, their staged romance turns genuine, forcing them to confront their real feelings and decide whether their growing affection is true or just a result of th...