C28 - Christmas

250 16 2
                                    





Stacey's POV



We're currently here inside the car habang nag d-drive si Louise. Nauna na kaming umalis sa resort dahil need pa naming bumili ng regalo para sa family namin.



Napatingin naman ako sa kan'ya nang may tumawag sa cellphone n'ya. Kinuha n'ya 'yon at tumingin muna sa 'kin bago sagutin.



"Hello, Cyan?"



Si Cyan lang pala. Nako naalala ko nanaman mga pinag usapan nila kanina, napatanong ba naman bigla si Cyan kung may ex na si Aiah. Hindi na 'ko nagulat nung tinuro ni Aiah si Louise nang hindi nag dadalawang isip. Bakas sa mukha n'ya ang gulat at muntik pang matapilok kaya nagsitawanan kaming lahat.



Napa-explain pa si Louise ng wala sa oras na okay na sila and mas better ng friends lang sila ni Aiah.



"Okay sige, sunod ka nalang. Ingat." Sabi ni Louise bago ibaba ang tawag.



"Ano sabi?" Tanong ko.



"Susunod sila ni Maximo mamaya, mag bababa lang daw sila ng gamit sa condo." Sagot n'ya habang patuloy na nag d-drive. Tumango tango naman ako at hinawakan ang kamay n'ya. Hindi na s'ya tumingin pero nakita ko s'yang ngumiti.



"Sus! Kinikilig ka lang eh." Asar ko sa kan'ya.



"Ewan ko sa 'yo!" Natatawang sabi n'ya kaya natawa nalang din ako.



7:00 pm - Quezon City



"Hello girls!" Bati samin ni Daddy pagpasok na pagpasok namin sa loob ng mansion nila Louise. Nasa tabi n'ya si Mommy at ang mga magulang ni Louise



Nag mano kaming dalawa sa kanila at bumeso bago ilapag yung mga dala naming gifts para sa kanila sa ibaba ng Christmas tree.



"How's the Christmas eve with your friends?" Tanong ng Mom ni Louise.



"Mas masaya ngayon, Mom. Nadagdagan kami nila Gwen eh." Naka ngiting sabi n'ya at tumingin sa'kin. Kinurot ko naman ang pisngi n'ya dahil sa ka cute-an n'ya.



"Si Kai nga pala? Sino ang kasama n'ya ngayon?" Tanong naman ng Dad n'ya na ikinataka ko.



"His kuya, Dad. Kakauwi lang kanina, they'll probably celebrate the Christmas in cemetery." Sagot n'ya at inkinawala ng ngiti n'ya.



"Cemetery?"



"Cemetery? Sino ang nandoon? Nasaan ang mga magulang nila?" Tanong ni Mommy, na gusto ko ring itanong.



"Parents po nila ang nasa Cemetery, they died from a car accident three years ago. Silang dalawa nalang po ng kuya n'ya ang natira, working in abroad din po ang kuya n'ya para makapagtapos ng pag aaral si Kai." Kwento n'ya na nakapag tahimik sa amin.



Kung sino pa talaga ang masayahing tao sa grupo, yun pa ang may mabigat na nararamdaman ngayong pasko.



"I'm so sorry for their loss." Malungkot na saad ni Mommy, tumango tango naman si Louise at ngumiti.



"Don't worry Tita, paunti-unting nagiging okay naman na po sila ngayon."



Ngumiti naman sila bago tumayo sila Daddy at amg Dad ni Louise.



"Mag prepare na tayo at wala sila manang ngayon." Sabi ng Dad n'ya at tumayo na kaming dalawa.



"Nasaan si Kuya at Bunso?" Tanong ni Louise, bago pa sumagot ang at Mom n'ya ay dumating na ang mga kapatid n'ya.



Karera | [ Stacey x OC (F) ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon