Louise
Nasa kanya-kanyang position na kami sa track, ang nasa magkabilang gilid ko ay si Colet at Javi. Hindi muna sumali si Kai at Gwen kaya nasa tent lang sila kasama si Sheena, Maloi at Jho since hindi naman sila nakikipag race.
Tumingin naman ako sa side mirror kaya nakita ko agad ang kotse ni Stacey, ang nasa tabi n'ya ay yung kay Mikha, habang ang katabing kotse ni Mikha ay si Aiah at nasa may bandang harap namin si Fons.
Meron na ring babaeng may hawak na flags sa magkabilaang kamay n'ya, akala ko ay pupunta na s'ya sa harap pero pumunta s'ya sa harap ng kotse ko.
Bumuga s'ya ng hangin gamit ang bibig n'ya sa salamin ng kotse ko at nag drawing ng heart. Nagulat pa s'ya ng biglang bumusina ang kotseng nasa likod ko kaya napaalis s'ya agad-agad at pumunta sa harap.
Natawa naman ako dahil alam kong si Stacey ang bumusina, kaya tumingin naman ako sa kaliwa ko at nakita kong tumatawa si Javi. Alam kong nakita n'ya lahat, chismoso 'to eh.
She immediately raises the flags na agad n'ya ring binaba. I slammed the pedal to the floor, the car lurching forward with a burst of speed. Looking to my right side, I saw Aiah's car.
Magkasabay na ang takbo ng kotse namin ni Aiah ngayon and it made me smile. It's been a long time at ngayon lang ulit nangyari 'to.
Suddenly a car came out of nowhere and it's pink.
"Staks.."
This makes my smile grow wider, our cars are moving in sync, but this isn't the full speed of my car yet. I quickly pressed the accelerator, and just as quickly, the speedometer on my car went up.
Nakita ko na agad ang finish line kaya napangiti nalang ako, pero nawala rin iyon ng may dalawang kotse sa kabilaan ko ang nag unahan. Nakita ko pang sabay sila nauna sa finish line.
"What the fuck?!" Lumabas ako agad ng kotse ko matapos kong tapusin ang race, staying in 2nd place or 3rd place. I actually don't know.
"What the hell?! Sabay sila Aiah at Stacey." Javi said in disbelief.
Naunang bumaba si Stacey na nakangisi ngayon, habang si Aiah ay naka ngiti lang na parang walang nangyari.
"Nawala ang angas ni Reyna ng track." Asar ni Colet sa akin.
Magkatitigan lang ngayon si Stacey at Aiah, ang taray ng tingin ni Stacey pero si Aiah ay naka ngiti pa din. Wala naman kasing effect sa kanya 'yon.
"Mamili ka na boss." Biglang bulong ni Javi sakin at tumawa.
Napatingin naman sa amin si Aiah at naglakad papunta sa pwesto namin ni Javi.
"I did great there. Wala bang congrats d'yan, bossing?" Ngumiti s'ya nang nakakaasar habang naka tingin sa akin kaya natawa naman ako.
"D'yan na nga kayo. Ginagawa n'yo nanaman akong third wheel." Sabi ni Javi at umalis.
Tumawa lang kaming dalawa ni Aiah at hindi s'ya pinansin.
"So?"
Tumingin ako sa kanya na nag aantay ng sagot ko, pero nalipat din ang tingin ko kay Stacey na nakatingin sa akin ngayon. Ngumiti lang s'ya ng tipid at pumunta sa pwesto nila Maloi na inaantay s'ya.
BINABASA MO ANG
Karera | [ Stacey x OC (F) ]
Fanfiction- Wherein two enemies, fake a relationship to deter a annoying admirer. As they play the part, their staged romance turns genuine, forcing them to confront their real feelings and decide whether their growing affection is true or just a result of th...