Colet's POV
Pagtapos naming malaman yung nangyari sa cafeteria, lagi kong iniisip si Louise. Stress na nga s'ya sa lahat ng gawain pero mas lalong lumala. Yung pagkikita nilang dalawa ni Mikha, hindi nakakatulong, mas lalo s'yang naging anxious, at obsessed pano malaman kung bakit bigla nalang naglaho si Stacey.
Hindi na rin maka focus sa pag-aaral si Louise ngayon, pero ginagawa n'ya ang lahat.
Halos mag Iisa't kalahating buwan ng hindi namin nakikita si Stacey kahit ang mga kaibigan n'ya, except kay Mikha. Pero honestly, hindi ko na alam ang paniniwalaan ko ngayon. Gusto ko nalang isipin na may magandang rason si Stacey tungkol dito, but her silence was unbearable. Bakit hindi nalang n'ya sabihin kung bakit? Maiintindihan naman namin.
Naiinis na rin si Javi. Wala na rin s'yang pake kung may magandang rason man sila, nakatutuok nalang s'ya kay Louise ngayon. Ginagawa n'ya ang lahat para lang hindi maging down si Louise, pero hindi rin gumagana. Parang nagiging multo na rin si Louise, kahit anong gawin namin, nawawalan na s'ya ng pake.
Isang araw, hindi s'ya pumasok. Nung una, naiintindihan namin kung bakit. Kailangan n'ya ng break, kami rin naman. Pero nagtuloy-tuloy ang hindi n'ya pag pasok, kaya nag-aalala kami. Sinigurado n'ya naman samin na okay lang s'ya, pero hindi naman kami manhid. Ang sakit na makita s'yang ganto.
The final straw came when one of her professors called me, saying Louise might fail his subject if she missed another class. At eto ang ikigalit ko. Mahaba ang pasensya namin, naiintindihan rin namin kung bakit, pero eto? Sobra na 'to.
Javi, Gwen, Kai, and I tried calling her. Pero walang sumasagot. Pumunta kami ng condo n'ya, kumatok ng kumatok sa pinto, pero wala pa rin response. Makalipas ang linggo, lahat ng professors ay nagtataka na at nag-aalala. Bawat isa sa kanila tinatanong kami kung nasaan na s'ya, dahil malapit na n'yang mabagsak lahat ng subjects.
Hindi na kaya ng pasensya ko.
"Sisirain n'ya yung pinaghihirapan n'ya kung ipag papatuloy n'ya pa 'to." Inis kong sabi habang naglalakad ng pabalik balik.
"Colet, kumalma ka." Kalmadong sabi ni Gwen.
"Kalma? Paano ako kakalma kung bigla na lang n'yang babaliwalain lahat?" I shot back, glaring at them. "Kailangan may gawin tayo."
8:19 pm - Mckinley
Pinuntahan namin s'ya ulit sa condo n'ya. Pero this time, hindi ako aalis nang hindi ko s'ya nakikita. Kumatok lang kami ng kumatok habang tinatawag s'ya, pero wala pa rin. Pasuko na ako pero biglang bumukas ang pinto.
Chie and Aiah stood there, their faces full of pity.
"Louise is… she's in a bad state." Mahinang sabi ni Chie
"What do you mean?" Tanong ni Javi at lumakad papalapit sa pinto.
"She's drunk and sick. Her place is a mess." Dagdag ni Aiah, glancing nervously between us.
Hindi na 'ko nag antay ng mga sasabihin nila. Nagmadali akong pumasok at nilagpasan sila. Naamoy ko agad ang mga hindi kaganda-gandang amoy. Ang sala n'ya ay sobrang dilim na parang walang katao-tao rito, nakasara ang mga kurtina, at may mga naka kalat ng mga bote at lata ng beer. Hindi kinaya ng tyan ko ang amoy hanggang papunta ng kwarto n'ya.
The sight broke me.
Nakaupo si Louise sa lapag, habang sumusuka sa basurahan. Gulo-gulo ang buhok, halos pula ang mga mata, at ang balat n'ya sobrang putla na halos kulang na sa tulog at kain. Tumaas ang tingin n'ya sa'kin hanggang sa nakita n'ya ako at tumayo, muntik pa s'yang matumba pero napakapit s'ya agad sa upuan.
BINABASA MO ANG
Karera | [ Stacey x OC (F) ]
Fanfiction- Wherein two enemies, fake a relationship to deter a annoying admirer. As they play the part, their staged romance turns genuine, forcing them to confront their real feelings and decide whether their growing affection is true or just a result of th...