C4 - A Racer?

414 28 2
                                    



Stacey



We're still here in Uptown Mall kasama sila Louise and her friends, nandito rin si Mikha na katabi ko. Pagtapos ko s'yang bilhan ng damit sa isang store umalis na rin kami agad doon para pumunta sa dalawang kaibigan n'ya na nag aantay sa isang resto.


Hindi na dapat kami sasama pero si Louise na ang nag aya at namilit pa yung kabigan n'yang si Javi. Wala na rin kaming nagawa kaya naglalakad kami ngayon kasama sila papasok sa isang resto.


"Oy dito!" Tawag samin ng isa pang kaibigan na lalaki ni Louise, kumaway s'ya samin at mukhang nagulat pa na kasama ako.


"Hello Mikhs, Stacey!" Bati n'ya samin pagkarating namin sa pwesto, nginitian ko naman s'ya at umupo sa tabi ni Mikha, katabi ko rin si Louise kaya napapagitnaan nila akong dalawa.


"Nag order na kayo?" Tanong ni Louise sa kanilang dalawa, umiling naman sila kaya nag tawag na ng waiter si Louise.


"Inaantay namin kayo eh, baka 'di n'yo magustuhan pag kami umorder." Paliwanag ni ate Colet, kilala ko s'ya and we're not that close pero we're friends. Gulo diba?


Nagsimula na silang umorder at umorder na rin ako. Babayaran ko sana yung akin pero libre na daw ni Javi kaya 'wag na daw akong mag abala.


"Alam ba nila na racer ka?" Tanong ni Mikha na pabulong para hindi nila masyadong marinig. Tumingin naman ako sa kanya ng may pagtataka.


"Hindi, bakit?"


"What? They're your co-racers too, hindi mo alam?" Sagot ni Mikhs na ikinagulat ko.


"What?!"


Napalakas ata yung tanong kaya nag tinginan samin sila Louise. "Okay ka lang?"


Tumango naman ako at ngumiti, buti nalang at bumalik ang atensyon nila sa pag uusap.


"Ang lakas ng boses mo." Suway sakin ni Mikha kaya nag sorry naman ako. "Do you know Lou?"


"Yeah, yung racer na parang never natatalo."


"It's Louise."


"Putangina ano? Kaya ba tinawag n'yang 'Lou' 'to kagabi?"


Tinaasan ko naman s'ya ng kilay at itinuro si Louise ng palihim, sinisigurado ko lang kung tama ba narinig ko. Tumango naman s'ya at napasamo sa noo dahil sa ka slow-an ko.


"Pano mo naman nalaman?"


"The day after na umuwi ako dito, nag rent ako ng race track for fun since balita ko walang race non kaya ako nalang yung nag adjust. I also invited you pa nga kaso sabi mo wala ka sa mood, and there I met Louise and her friends na kasama nating ngayon."


Mahabang paliwanag n'ya kaya tinignan ko silang Lima na busy mag usap. "Ako sana mananalo but Louise is too good, soo.." Dagdag n'ya pa at nag kibit balikat pa s'ya, alam ko na agad na si Louise yung nanalo kasi never naman 'tong natalo.


"Yung cellphone ko pala?" Tanong ni Louise at tumingin sakin, kinuha ko agad sa bag ko yung phone n'ya at binigay sa kanya. Bigla namang tumawa si Javi ng walang rason.


"Baliw ka ba?" Tanong ni Louise sa kanya kaya natawa naman ako, dahil siguro tumatawa 'to dahil sa post ko sa acc ni Louise, at wala s'yang kaalam alam since nasa sakin nga ang phone n'ya.


Nakita kong binuksan n'ya ang phone n'ya at bakas sa mukha n'ya ang gulat dahil sa dami ng notifications. Kitang kita ko na ang daming nag comment and likes, pati na rin retweets dahil sa post ko.


"Huh? Nagpost ka pala?" Tanong n'ya sakin pero naka tutok parin sa cellphone n'ya.


"Naiwan mong naka bukas eh, pero sorry, idelete mo nalang." Imbes na idelete n'ya yung post, pinatay n'ya lang yung phone n'ya at inilagay sa mesa bago tumingin sakin.


"It's fine." Sabi n'ya at ngumiti, saktong dumating na yung foods kaya nagsi ayos kami ng upo. Nagsimula na rin kaming kumain pero nag uusap pa rin sila.


"May race pala mamayang 1am sa batangas, g ka Mikhs?" Tanong ni ate Colet, napatigil naman ako sa pagkain sa tanong n'ya kay Mikha.

"Sure! Kayo rin ba?" Tumango naman sila except kay Louise. "Ikaw Louise?"


Nagpunas muna s'ya ng labi bago sumagot. "Titignan ko pa, I still need to go somewhere."


"Ikaw Stacey? Nakikipag race ka ba?" Tanong ni Kai sakin kaya nagka tinginan kaming dalawa ni Mikha.


"She looks innocent for that." Sagot ni Gwen, natawa naman sila sa sinabi n'ya, kasali na rin si Mikha.


"Marami namang ganon." Depensa ni Louise.


Hindi na ako sumagot dahil ayoko rin namang mag sinungaling sa kanila, may chance din nilang malaman na nakikipag race din ako.


Natapos na kaming kumain at nag r-ready na kaming umalis ngayon. Lumabas na kami ng resto at nagpaalam na sa kanila, dahil bibili pa raw sila ng gifts para sa pinsan ni Javi. Habang kami ni Mikha ay uuwi na.


Nasa labas na kami ng mall at pumunta sa kotse n'ya para sumakay at umalis.


"Sasali ka?" Tanong n'ya sakin habang nag d-drive, inadjust ko naman yung seat na pahiga dahil inaantok ako, balak ko sanang umidlip sandali.


"I'll join if Louise will join too."


"What? Need pa pala n'yang sumali, bago ka sumali." Natatawang sabi n'ya.


"Gusto ko lang makalaban, not as Lou nga lang but as Louise." Dahilan ko, totoo naman.


"Nalaman mo lang na si Lou at Louise ay iisa eh, pero okay sabi mo 'yan." Hindi ko s'ya pinansin hanggang sa tuluyan na akong maka tulog dahil na rin sa pagod.


—————


Omg! Stacey racer?!

Kikay girly, nakikipag gitgitan ng sasakyan.

emz

Enjoy Reading! ;)


Karera | [ Stacey x OC (F) ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon