C2 - Bardagulan

730 31 2
                                    



Louise



We're here sa cafeteria, as usual kapag minamalas nga naman, makakalapit mo talaga ng table yung kinaiinisan mo.


"Bakit naka busangot ka naman d'yan?" Natatawang tanong ni Javi.


Pinakyuhan ko lang s'ya at tumingin sa gilid ko kung nasaan si Sevilleja naka pwesto bago magpatuloy kumain.


"Ahh kaya pala." Natatawang sabi ni Kai, nawala rin yung tawa n'ya ng magulat s'ya bigla. Tumingin naman ako sa kanya ng may pagtataka, pati si Javi napa tigil din at tumingin sa likod ko.


Lumingon naman ako sa direksyon na tinitignan nila.


"Mikha Lim?" Nakita ko s'yang naglalakad papasok ng cafeteria, marami ding estudyante ang naka tingin sa kanya. May maganda eh.


Nang malapit na s'ya sa amin ay kumaway s'ya sakin bago ituon yung tingin n'ya sa table nila Stacey.


"Mikhs!" Tawag ni Stacey sa kanya, naglakad naman s'ya papunta dun at nakipag beso bago umupo sa tabi ni Sevilleja.


"What?"


"Magkakilala pala sila, parang hindi halata." Sabi ni Gwen habang naka tingin sa kanila, natawa naman kami sa sinabi n'ya at kumain nalang. Ang small world naman.


Nag uusap-usap lang kami nila Kai ng may naramdaman akong may naka tayo sa gilid ko. Tumingala ako kung sino yun.


"Hey Lou! I didn't expect to see you here." Sabi ni Mikha at ngumiti sakin. Ngumiti rin ako pabalik sa kanya at tumingin sa pwesto nila Stacey na naka busangot ngayon.


"Problema nito?"


"Hello Mikhs! Upo ka." Alok ko sa kanya, umupo naman s'ya sa tabi ko, bali nasa harap naman si Javi, Kai, at Colet habang napapagitnaan ako ni Gwen at Mikha.


"You know Stacey pala?" Tanong ni Colet kay Mikha, tumango naman s'ya at ngumiti.


"She's my cousin, in my mother side." Sagot n'ya naman.


"Hindi halata, magkalayo kayo ng ugali." Sabi ko na ikinatawa n'ya, napansin ata ni Stacey yun at ang sama ng tingin sakin pero hinayaan ko lang s'ya.


"Mabait 'yan, Lou."


"Pag tulog, ayon papaniwalaan kita dun." Sabi ko kaya natawa s'ya ulit.


"Why are you here nga pala?" Tanong naman ni Gwen sa kanya. Sila Javi, nananahimik lang habang nakikinig at kumakain ng fries.


"My mom transferred me here, since I'll stay here na sa PH for good." Sagot n'ya. Tumango tango naman kami, totoo pala yung narinig ni Mark.


"Mag ready kana sa mga bangayan dito." Biglang sabi ni Kai kaya tumawa silang lahat dito sa table.


"Why?" Takang tanong ni Mikha.


"Stacey and Louise, parang aso't pusa. Walang araw na hindi nag babardagulan." Sagot ni Colet na ikinatawa ni Mikha na parang may alam.


"So you are the one who Stacey's talking about, the girl that she's getting on her nerves daw." Sabi ni Mikha kaya natawa ako.


Tumingin naman ako sa direksyon ni Stacey na ngayon ay naka tingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya ng nakakaloko pero tinayaran lang ako.


"Pangit mo." Tumawa s'ya pagkatapos n'yang sabihin yun sakin, kaya pati mga kasama ko dito sa table natawa.


Karera | [ Stacey x OC (F) ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon