- Wherein two enemies, fake a relationship to deter a annoying admirer. As they play the part, their staged romance turns genuine, forcing them to confront their real feelings and decide whether their growing affection is true or just a result of th...
It's been two days yung nangyari sa resto bar, napa post pa tuloy ako bigla sa soc med dahil sa sinabi ko kay Donny para maging kapa-kapaniwala. It wasn't part of the plan, pero ayun na ang lumabas sa bibig ko at pinanindigan ko nalang. Maski ako nagulat sa sinabi ko, but here we are.
We're here in univ at nasa rooftop, vacant ang two subjects kaya nandito kami naka tambay. Hindi na 'ko nagulat pag pasok ko dito na kaming dalawa ni Stacey ang pinag uusapan ngayon dahil sa mga biglaang post namin.
"Edi takpan mo 'yang tainga mo!" Sabi ni Javi pabalik na naglalaro ngayon sa cellphone n'ya, panong hindi maiingayan eh ang ingay mag laro.
Patuloy lang silang dalawa mag bangayan habang kaming tatlo ni Colet at Gwen ay hinahayaan lang sila.
"Nandito ka lang pala."
Napalingon naman kami kung saan nang galing yun. Si Stacey pala na nakatayo sa may bandang pintuan, at kasama ang mga kaibigan n'ya na papunta dito sa pwesto namin.
"Nandyan na pala baby mo eh!" Asar ni Javi pagkatapos n'yang ibaba yung phone n'ya, mukhang tapos na maglaro.
Nagtawanan naman sila habang si Stacey ay naka tayo lang sa tabi nila Sheena. Tumingin naman ako sa kanya at tinapik yung upuan na katabi ko, senyas na umupo s'ya. Buti nalang ay umupo s'ya at nag phone lang.
"Kumain kana ba?" Tanong ko sa kanya, tumingin naman silang lahat sakin dahil sa sinabi ko. Lalo na sila Sheena at Javi na nakangiti ng nakaka loko.
"Uy ano 'yan! Kala ko ba fake lang pag may ibang tao?" Tanong ni Sheena na may halong asar, tumawa naman silang lahat dahil sa tanong n'ya.
"Hindi ka ganyan, Lou!" Pag d-drama ni Javi, pinakyuhan ko naman s'ya dahil nagiging baliw nanaman s'ya. Hindi ko sila pinansin at hinayaan nalang sila, hindi ko na rin inantay yung sagot ni Stacey.
"Bahala kayo d'yan!"
"Hindi pa, papakainin mo ba 'ko?" Biglang sagot ni Stacey kaya napa tingin naman ako sa kanya.
"Tangina guys! Anong nangyayari?!" Sigaw ni Kai habang yung dalawang kamay n'ya ay nasa mukha n'ya na parang gulat na gulat.
"Ngayon, ikaw naman yung maingay. Eh kung tadyakan kaya kita." Sabi ni Javi sa kanya, sinamaan naman s'ya ng tingin ni Kai pero hindi rin s'ya nag patalo, kaya ngayon nag babarahan sila. Hay nako.
"Ano ba gusto mo? Nanga-ngayayat ka na oh." Asar ko sa kanya, inirapan n'ya lang ako at hinampas ako sa likod. "Aray!"
"Trip ko mag tonkatsu ngayon." Simpleng sabi n'ya na parang hindi ako hinampas, tumango lang ako at tinawag yung dalawang baliw na lumingon naman.
"Bumili kayo ng makakain." Utos ko sa kanilang dalawa.
"Pano kami?" Sabay-sabay na sabi nila, napasamo nalang ako sa noo.
"Sabihan n'yo nalang yung dalawang 'yan kung anong gusto n'yo." Sabi ko naman, nag hiyawan naman sila ng parang ewan at nagsabi na sa dalawang bibili.
Inabot ko na rin sa kanila yung card ko, nagpasama na rin sila kay Sheena, Jhoanna at Gwen dahil hindi raw nila kayang mag bitbit. Knowing them, baka sobra sobra pa ang mabiling pagkain.
Ang natira nalang dito sa rooftop ay kami nila Maloi, Mikha, Colet at Stacey. Tumayo naman ako at pumunta sa tapat ng railings bago ilabas yung vape at humipak. Lumayo ako kay Stacey, halata namang ayaw n'ya ng ganto.
"So ano ng plano n'yong dalawa?" Tanong ni Mikha, mukhang seryoso na 'to. Tumingin naman ako sa kanila habang naka sandal sa railings.
"Hanggang sa tigilan s'ya ni Donny, tatapusin namin yung pag papapanggap." Sagot ko, nag tinginan kaming dalawa ni Stacey at tumango s'ya.
"Sana naman tigilan ako non." Inis na sabi n'ya.
"Titigilan ka n'yan, andyan si Louise." Sambit ni Colet at tinignan ako saglit.
"Bakit ba kasi yun ang nasabi mo? Hindi mo nalang tinanggap yung deal na makipag laro?" Inis na tanong ni Stacey habang naka tingin sakin ng seryoso.
"Like what you heard, ayokong makipaglaro. I'm not in the mood to play with him kung alam kong matatalo na rin naman s'ya." Sagot ko sa kanya, naka tingin lang din ako sa kanya ng seryoso habang sinasabi yun. Tumawa naman s'ya ng marahan at umiling bago ako tignan.
"Ayun naman pala eh! Bakit hindi nalang yun ang ginawa mo? Pinalaki mo pa yung problema, hahaba tuloy yung proseso." Tumayo s'ya at tinignan ako ng masama.
Umalis ako sa pagkaka sandal sa railings at nag lakad papalapit sa pwesto namin para tapatan s'ya.
"Edi sana hindi ka pumayag! Tinanong kita diba? Pero anong ginawa mo? Umagree ka!"
"Kaya lang naman ako pumayag ay dahil ayokong ginugulo n'ya 'ko!"
"Tangina, manahimik na nga kayo!" Awat samin ni Maloi, napa tigil naman kami sa ginawa n'ya. Lumayo naman ako ng onti at huminga ng malalim. Ramdam na ramdam ko yung tensyon at inis naming dalawa.
"Putangina.. bakit yun pa kasi!"
"Kung ayaw n'yong ituloy, pag usapan n'yo ng maayos. Hindi yung halos mag sigawan na kayo dahil sa inis. Pinili n'yo 'yan kaya harapin n'yo!" Galit na sambit ni Maloi, tumayo naman si Mikha para lapitan s'ya para paupoin at pakalmahin.
Saktong dumating sila Sheena na nagtatawanan pero natigil din 'yon nang makita nila na ang tahimik namin. Nagtinginan muna sila bago maglakad papunta dito.
"Anong nangyari...?" Tanong ni Jhoanna samin na halos pabulong na.
"Tell Mark set me up on a race, 3 racers will do." Sabi ko kay Kai nang inabot n'ya sakin yung card ko, kinuha ko yun at umalis nang hindi sila nililingon.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.