C3 - Sorry

416 26 6
                                    



Louise



Sinimulan ko ng mag drive at pinatay yung radio katulad ng sinabi n'ya, lavender ang amoy ng air conditioner netong sasakyan kaya mabango. Mukhang okay naman sa kanya dahil hindi s'ya nagreklamo.


"San tayo?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ko naman alam kung saan s'ya naka tira.


"Alveo Land." Tipid n'yang sagot dahil naka tutok s'ya sa cellphone n'ya. Tumango lang ako at nag drive nalang since malapit lang yun dito.


"Sorry."


Inangat naman n'ya yung tingin n'ya galing sa cellphone at tumingin sakin. "Ano?"


"I said, sorry. Sorry sa nangyari kanina."


She turned her phone off at tinignan ako habang naka ngiti. "That's new of you."


Tumingin naman ako sa kanya ng saglit na naka tingin sakin ngayon habang naka ngiti na parang nang aasar. Natawa naman ako sa ginagawa n'ya.


"Bawal bang mag sorry?" Tanong ko sa kanya pero nagkibit balikat lang s'ya.


"Tagal na nating nag aaway, ngayon ka lang nag sorry?" Tanong n'ya din, nakataas pa din ang isang kilay.


"Ayaw mo ba?"


"Pwede na." Sagot n'ya at nag 'ok' sign pa habang tumatango. Natawa naman ako pati s'ya dahil sa pinag gagagawa n'ya.


"Weird naman, okay na tayo." Sabi n'ya na umiiling pa.


"Hala! Ayaw mo ba?" Tanong ko habang tumatawa, kakaiba naman 'tong babaeng 'to.


"Eme lang."


Ngumiti naman ako at tinignan s'ya saglit. "Ang ganda mo."


"Ay puta- bakit ko nasabi yun?"


"Ano?"


"Wala!"


"Ano nga?" Natatawa n'yang tanong. "Ikaw ha! a-agree ka rin naman palang maganda ako, crush mo siguro ako." Pang aasar n'ya pa, napa iling nalang ako at hinayaan s'ya.


"Narinig mo naman pala eh."


"Gusto ko kasi na ulitin mo."


Saktong pagkasabi n'ya non ay yun din ang pagdating namin sa building n'ya, tinignan ko s'ya ng may pagtataka.


"Talaga ba?"


"Joke lang 'yon, eme ka!" Sabi n'ya at tinanggal ang seat belt para kunin yung bag n'ya, tumingin s'ya sakin saglit pa mag salita.


"Thank you sa pag hatid." Ngumiti s'ya sakin, bago pa s'ya makalabas ay may sinabi pa 'ko.


"Ang ganda mo, Stacey."


Tumingin naman s'ya sakin ng saglit at lumabas, nakita ko pang namumula s'ya.


"Ewan ko sa 'yo, mag ingat ka!"


Karera | [ Stacey x OC (F) ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon