𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 19

156 27 15
                                    

Chapter 19


Morning came at mabagal ang pagdilat ng mga mata ni Xavier. He was emotionally drained dahi lsa pag amin niya ng namamagitan sa kanila ni Ralph. Bukod pa don, sumasakit rin ang ulo niya sa alak na nainom niya kagabi.


Habang nag-uunat siya ay naririnig na ang boses ng isang babae sa labas ng kwarto. Dumating na ba yung cleaner na kausap niya na maglinis? 'Yan pa naman ang unang gagamitan niya ng credit card. Kinuha niya ang cellphone niya at nilagay sa bulsa bago siya tumayo


"I told you, I still want you Ralph."


Malinaw pa sa salamin ang pagkakarinig ni Xavier. Hindi siya yung cleaner dahil bakit gusto niya si Ralph? Malambing ang boses ng babae at alam mo na sa accent pa lang nito ay galing siya sa mayamang pamilya.


Bukas ang pintuan kaya sumilip si Xavier sa siwang nito. Nakita niya na magkatapat sina Ralph at ang isang babae na sobrang ganda. Mukhang okay na rin ang paa ni Ralph dahil wala na ang benda nito at kahit papano ay diretso na ang tayo niya.


Anak ng teteng! Sa isip ni Xavier, sa unang tingin mukhang kandidata ng pageant ang babaeng kausap ni Ralph.


"Glad to know you still want to be mine pero mukhang may nanonood sa atin ngayon?" Wika ni Ralph at tumingin ito sa pintuan kung saan nakasilip si Xavier.


Nagulat si Xavier kaya bigla siyang napasandal sa pinto kaya sumara ito, "What do you mean? Sino ang nasa kwarto?" Singhal nung babae at parang anytime magsisimula ito ng gyera.


"He's my fuck buddy. Lumabas ka na diyan, Xavier." Utos ni Ralph at talagang nilakasan nito ang boses niya.


"What?"


Hindi alam ni Xavier kung seseryosohin niya ba ito at lalabas o magkukunwaring tulog ulit. Pero mukhang hindi niya na kayang magtago ng biglang bumukas ang pintuan at hinila si Xavier papalabas.


"See? He's Xavier, the top student from Chemistry."


Lumapit ang babae sa kanilang dalawa at parang kidlat na tumama ang malakas na sampal sa mukha ni Xavier.


"Who the fuck are you?" Sigaw nito na bigla rin namang pinigilan ni Ralph ang susunod pa na amba at dinala siya papalabas ng pinto.


"Pinapunta lang kita rito just to show you that I have a fuck buddy now. I don't event need your sorry ass," Ani Ralph at tinulak papalabas ang babae..


Hindi makasalita si Xavier at wala ring mga bagay na gustong lumabas sa bibig niya. Kakagising niya lang kaya walang laman ang utak niya kung hindi pagkagulat.


"See that? Crazy bitch." Iling iling na wika ni Ralph at lumapit ito sa kanya.


"Masakit ba?"


Concern ba siya sa'kin? Sa isip ni Xavier dahil parang gusto niyang umiyak dahil ito ang first time na nasampal siya ng ganoon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 3 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pining & ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon